CHAPTER 5.2

2809 Words
CHAPTER 5.2 I groaned in pain. Tumama ang ulo ko sa gilid dahil sa biglaang pagliko ng sasakyan namin. I touch my head while shutting my eyes. It’s so painful. “What’s happening?” nag-aalala kong tanong nang makabawi. My mother look so bothered, paulit-ulit ang baling niya sa likuran at harap namin. Naging mabilis din ang pagpapatakbo ng driver. “Mom, anong nangyayari?” ulit ko nang hindi niya ako pansinin. I got her attention. Mukhang ngayon niya lang na-realize na nasa tabi niya rin ako. “Hartiana, are you okay?” nag-aalalang aniya. Pinasadahan niya ang kabuuan ko. “I’m fine, Mom.” Tiningnan ko ang likuran at nakitang wala na ang napansin kong tila sumusunod sa ‘min kanina. “What just happened?” nagtataka ko pa ring tanong. Kinabahan ako bigla sa nangyari. My mother sighed. Isang beses niya pa ulit tiningnan ang likuran namin bago bumaling sa ‘kin. “Nothing, Hart. It’s just. . .” Tinaaasan ko siya ng kilay, I’m waiting for her words. “Akala ko ay sinusundan tayo ng kung s-sino. Lumiko na pala sila sa kabilang daan. Akala ko. . .” “Akala mo ano?” I asked her. I can’t blame her, maging ako rin ay inakalang kakaiba ang sumusunod na SUV. It’s just that, masyadong sobra ang reaction ni mommy. “Akala ko masamang tao. Alam mo naman na hindi basta-basta ang negosyo natin. We’re growing and baka lang may binabalak pala iyong masama. We can’t tell what’s safe or not these days.” Tumango lang ako sa sinabi niya. Bakas pa rin ang pagkalito sa mukha ko kaya nginitian ako ni mommy. My phone rang, I immediately answered when I saw my Papa’s name on it. “Hartiana,” he said in a serious tone. “Yes, Papa. Napatawag ka po?” Agad na bumaling sa ‘kin si Mommy nang marinig kung sino ang kausap ko. “I heard you’re going with your Mom today?” “Yes po, I’m beside her right now. Malapit na kami sa mall.” “Okay. . . how are things going?” Saglit na kumunot ang noo ko sa tanong na iyon. “Well, we’re fine. May napagkamalan lang kanina.” I saw my mother texting someone on the phone. “That’s great then. Stick to your Mom. Don’t leave her anywhere.” “I assure you of that Papa,” I said before ending the call. Binalingan ko si Mommy. “Father called and he just asked about how things are going.” My mother laughed, “Ang Papa mo talaga, masyado tayong inaabala.” Hindi ko na magawang tumawa. I felt weird and uncomfortable. My gut is telling me that something is not right. Maayos kaming nakarating sa mall at nagawa ang mga gusto ni mommy. We went to a spa and salon to do treatments. It’s not my thing but I love to do it with my mother. I’m a girl but I am not that into girly stuff. I wear dresses and skirts but I’m into jeans and shorts. I also wear heels but I’m more obsessed with boots and black shoes. Instead of pink or purple, I love black. Nagmana nga ako sa papa ko. I am both warm and cold, lalo na sa mga taong nakakakilala sa ‘kin. I like things in neutral rather than being on the right or left side. “I should buy you clothes that you like. Sobrang dami mong dresses pero minsan mo lang suotin. Display lang tuloy sa closet mo,” my mother said. Nasa isang boutique na kami ngayon. We’re buying clothes like our usual get up. Sa tagal naming ginagawa ‘to, ngayon niya lang naisip ‘yan. “Hindi ko naman kasi nagagamit gaano ang dress,” I explained. She sighed and put down the clothe she’s holding. Ngumuso siya na para bang nagtatampo. “Noong ipinagbubuntis pa lang kita, tapos nalaman kong babae ka. Alam mo ba na sobrang tuwa ko?” I gave her my attention. She’s again telling stories with her eyes in adoration. “Oh, tapos?” “Your father wanted a baby boy while I want the opposite naman. Kaya sa aming dalawa, sa tingin ko ako ang pinakamasaya noong lumabas ka. Pero syempre, mahal na mahal ka naman ng Papa mo. He promised that he will treat you like a real princess.” I scoffed of what she said. She always find ways to defend papa, ganun niya kamahal ang ama ko. “I know, Mom.” My father is a bit cold and stoic to me compared to my Mom. But I like him that way, he looks cool and powerful to me. “I always want to raise you like a feminine but confident girly woman. ‘Yung tipong marami kang kaibigan tapos dadalhin mo sila sa bahay for a sleepover. You will love make-ups and dresses so much. Tapos sabay tayong manonood ng mga fashion shows on TV while doing skin care routines. Lagi mo rin akong yayayain sa mall ‘cause you love shopping and doing girly stuffs. But it’s the total opposite. Ang ama mo na nga ang kamukha mo tapos pati ugali niya nakuha mo rin.” I laughed at what she said. She’s whining like a child na para bang hindi napagbigyan ang gusto niya. But I admit, something inside me stings because of her words. “I can still do those things kahit na ganito ako,” I assured her. She smiled and shook her head. “It’s not that. . . dahil ganyan ka. I’m grateful pa nga that you grow up smart and independent. At five, gusto mo na agad humiwalay ng kwarto sa ‘kin.” Tumawa siya kaya natawa rin ako. “I don’t know but I always like being alone.” “I don’t have a problem with the way you grew up and what you become now. Natatakot lang ako kasi tuwing nakikita kitang seryoso at tahimik, naiisip ko na ikaw ang klase ng babae na kayang humawak ng. . . baril.” Saglit akong natigilan sa huli niyang sinabi. It shocked me that I can’t even utter a words. Masyadong seryoso si Mommy at hindi ko makitaan ng logic o symbolism ang sinabi niya. Masyadong literal ang pagkakaunawa ko. “What do you mean by that?” Tinitigan niya ako sa mata dahil sa tanong kong iyon. Her eyes are like searching for something deep within me. The feeling of doubt I felt earlier arose again in me. I felt like something was wrong or not right earlier. Now, it seems like there is really wrong and they are hiding something from me. “W-Wala, let’s just find clothes na gusto mo. I’ll buy this dress, I will give this to Donna,” she said before calling a staff member to assist her. Masyadong bumagabag sa ‘kin ang sinabi ni mommy na hanggang sa makauwi kami ay naiisip ko pa rin. Pagdating namin ay agad akong nagpaalam na aakyat sa kwarto, aniya naman ay magluluto raw siya for dinner. She sees me as someone who can hold a gun. I mean why not? Holding a gun and learning how to pull it seems like fun. Gusto ko nga ring sumali sa mga elite shooting club but I know I’m too young for that. Kaso lang, ang pagkakasabi nun ni mommy kanina ay talagang kakaiba. Naligo lang ako at saglit na nag-aral pagkatapos. Sunod-sunod na naman ang mga text messages sa ‘kin nina Brian at Donna. Kinakamusta nila ang gala namin ni mommy. Binabasa ko ang notes na nakasulat sa notebook nang biglang mawalan ng ilaw. I stopped and expected the light to turn on again. Kung brown out ay agad na gagamit ng generator. Nang tantya ko ay dalawang minuto ng walang ilaw, kumilos ako upang buksan ang lampshade na nasa tabi ng kama ko. Saktong pagbukas nito ay siyang pagkarinig ko ng nabasag na kung ano sa baba. I don’t know but I suddenly felt strange. My heart started to pound fast, imbes na isiping aksidente ang pagkabasag ng nasa baba. Iba ang naiisip ko. I grabbed my phone on the bedside table. Ang lampshade na binuksan ko ay muli kong pinatay. Dahan-dahan akong humakbang papuntang pinto at maingat itong binuksan. I made sure it will not create any noise. Nakakapagtakang tahimik ang buong bahay. Imbes na gamitin ang flashlight ng cellphone pang-ilaw. Pinili kong maglakad ng tahimik sa dilim. I’ve never been so wrong about my instincts. Ayaw ko lang maniwala dahil nakakatakot ang naiisip ko. Maingat akong bumaba sa hagdan. Sa gilid nito ay tanaw ang view sa labas dahil sa transparent na babasaging dingding. Kita ang malayong kabahayan na may ilaw sa mga tahanan. Walang brown out sa lugar namin. Tinalasan ko ang pandinig dahil wala akong makita. Hindi pa ako tuloyang nakakababa ay amoy ko na ang mabangong niluluto ni mommy. Alam kong sa kanya iyon dahil sabi niya nga ay siya ang magluluto ng dinner. Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko ginawa. May pakiramdam akong may nakamasid na mata sa ‘kin mula sa kung saan. Maingat ang bawat hakbang ko nang tinungo ko ang kusina. Walang tao roon maski isa. Ang sabaw na niluluto ni mommy ay kumukulo at umaapaw na dahil walang sino man ang nakabantay. Tinungo ko iyon at agad na pinatay ang stove. My heart doubled in beat, Lalo na nang maramdaman kong may kung sino sa likuran ko. Despite of the situation, I managed to stay calm. Hinayaan ko ang sino mang nasa likuran at nagpanggap na hindi iyon napansin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang kanyang paglapit. Every someone’s step will make my heart doubled in beat. Humigpit ang hawak ko sa corner ng counter habang sinusubukan kumalma. “Hartiana.” Halos tumalbog ang puso ko nang magsalita siya at hawakan ang siko ko. Napabuga ako ng hangin at napapikit nang mariin. “Mommy!” Agad ko siyang binalingan sa naghehestiryang boses. Tinakot niya ako! “Shh, huwag kang maingay.” Hindi pa ako nakakabawi at nakakahinga nang maluwag. Hinawakan na niya ang bibig ko upang patahimikin ako. Muling bumangon ang kaba sa ‘kin, something is really not right. “What’s happening?” I whispered. Kahit na madilim ang paligid, kita ko ang pag-iling niya. “Hartiana, no matter what happens. Promise me one thing.” Agad na kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. “What are you talking?” galit kong ani. I don’t like her tone the way she said those words. At bakit bigla-bigla na lang siyang magsasalita ng ganyan ngayon? “Listen, kailangan mong magtago.” Nagulat ako. Napatingin ako sa ibaba nang hawakan niya ang kamay ko at pilit akong hinila papunta sa sink. Hinatak niya ako paupo bago niya binuksan ang aparador sa ilalim. “Mommy, anong nangyayari?” nalilito kong tanong. Nalilito ako sa mga kinikilos niya. “Mamaya ka na magtanong, Hartiana. We have no time, pumasok ka sa loob,” bulong niya. “Ano?” Halos sumigaw na ako. Magsasalita pa sana ako nang pareho kaming mapabaling sa sala nang marinig na may nabasag roon. Hindi pa ako nakakakilos nang itulak ako at pinilit ni Mommy na pumasok sa masikip na aparador na iyon. “Huwag na huwag kang lalabas d’yan,” aniya bago ako sinaraduhan. “Mommy ano ba ang nangyayari?” tanong ko ulit. Nalilito na ako. I grabbed my phone to call for a rescue pero natigilan ako nang may marinig na papalapit. Maraming yabag ng paa ang naririnig ko. Someone is coming. “Who’s coming?” I asked breathily. “Huwag kang gumawa ng ingay d’yan.” Narinig kong tumayo si mommy hindi ko alam saan siya pupunta. Kahit na nalilito sa sitwasyon ay pinili kong manatili sa loob. Footsteps are coming and I felt horrified. Marami iyon at papalapit sa kusina. Bawat segundo ay palakas nang palakas. Tumigil lang ito nang malapit na sila sa kusina. “I don’t expect any visitors. Who are you?” I heard my mother’s voice. Nagulat ako roon dahil ngayon ko lang narinig ang ganun kalamig niyang boses. And who the hell is she talking to? “Talaga ba? Ako, I expected myself to come here.” I heard someone’s voice. It’s a girl and I can’t describe it more than being scarry. The voice is scary. “Nagluto ako pero hindi kayo invited sa pamamahay ko,” si mommy. “Malamang, pagkatapos mong patayin si, Thena hindi mo na talaga ako aayain sa bahay mo.” Natigilan ako roon. Hindi ko na alam kung tama ba ang narinig ko. My breathing started to heavy, mas lalo ring bumilis ang t***k ng puso ko. Puno ng pagtataka ang utak ko, gusto ko na lang lumabas para harapin kung sino man ang kausap ni mommy. My mother laughed. Nakakatakot ang tawa na iyon. “I can see that you’re with someone. Sino ang mga ‘yan?” my mother asked. Tumawa rin ang kausap niyang babae. Masakit sa tainga ang tawa nito, nakakatakot at nakakapanindig balahibo. “Ang mga bata ko. Ang isa ay ang dapat mong katakotan, ang isa naman. . . ang batang papatay sa ‘yo.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko na kaya ‘to! Gumalaw ako at akmang bubuksan ang aparador nang magsalita si mommy. “Noli exire, Amora.” She told me not to go out in Latin. Natigilan ako, ayaw kong sundin ang sinasabi niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aparador para makita ang mga nangyayari. I saw my mother leaning her back against the counter. Sa harap niya ay ang babaeng nakatalikod sa ‘kin. Matangkad ito at naka-high ponytailed ang buhok. “Are you saying your death wishes already?” sarkastikong anito kay mommy. HIndi ko makita ang mukha ng ina ngunit ramdam ko ang tapang niya nang umayos siya nang tayo mula sa pagkakahilig. “Hindi. Pero kung may death wish man ako. ‘Yon ay ang mauna ka.” Tumawa nang malakas ang babae. Itinaas niya ang kamay bago sinagot si mommy. “Pasensya ka na, Harriet. Mukhang hindi ko matutupad ang death wish mo.” I saw another girl coming from behind. Compared to the first girl, she’s smaller and her physique from the shadows looks young. Nagimbal ako nang itaas nito ang braso na may dalang baril at itinutok sa mommy ko. “H-hindi,” I whispered. “Siya lang ba ang papatayin ko? This is so easy.” Napamaang ang labi ko sa narinig. Her words bombarded me, hindi ko na mapigilan ang sarili at tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan. Lahat sila ay napatingin sa ‘kin. Tatakbo na sana ako palapit kay mommy nang may isa pang babae ang humawak sa braso ko. Pumiglas ako ngunit agad na natigilan nang maramdaman ang malamig na bunganga ng baril sa sentido ko. “Isang kulit mo pa, basag ‘tong bungo mo.” Another girl who’s holding me whispered that. “Bitiwan mo ‘ko!” Pilit kong tinapangan ang sarili kahit na nanghihina ako. “Dexi vobis non egredi!” pagalit na sabi ni mommy dahil lumabas ako. She told me not to go out. “Sino kayo? Anong ginagawa ninyo sa pamamahay namin?” matapang kong ani. “Silly you, Harriet. Dito mo pa talaga napiling itago ang anak mo.” “Subukan niyo lang na saktan ang anak ko,” banta ni mommy sa kanila. Nanginginig ang boses niya kaya alam kong natatakot siya. “Bakit? May magagawa ka ba kapag malamig na ang katawan mo?” Her words sent shivers down my spine. Nanginig ang buo kong katawan. “Sino ba kayo? Anong binabalak ninyo?” “Tumahimik ka na lang!” Mas lalong diniinan ng babaeng may hawak sa ‘kin ang baril na nakatutok sa aking sentido. Madilim ang paligid at walang ibang tao bukod sa ‘min. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa. “Shoot her.” Takot ang bumulatay sa ‘kin nang sabihin iyon ng babae. Umatras siya at umabante naman ang isa pang babae na naka-angat ang baril. “HIndi, hindi. Tigilan mo ‘yan!” sigaw ko. Sinubukan kong pumiglas ngunit mahigpit ang hawak sa akin. Tumingin sa ‘kin si mommy at kita ko ang ngiti niya. Paulit-ulit akong umiling habang sunod-sunod ang patak ng luha. “Noli facere vindictam mihi. Placita vivite. I love you, Hartiana—” “Mom!” sigaw ko nang marinig ang malakas na putok ng baril. Pakiramdam ko ay nabingi ako at tinakasan ako ng ulirat. Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang dahan-dahan niyang pagbagsak. Kalat ang dugo, nakadilat ang mga mata habang nakahiga sa malamig na sahig. “M-mommy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD