CHAPTER 5.3

2728 Words
CHAPTER 5.3 I don’t know what to feel the moment I saw my mother fell down on the floor. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo, ang pandinig ko ay nawala at tila sasabog ang utak ko. My jaw dropped and the dripping pain inside of me flowed like an acid. Para akong sinaksak nang paulit-ulit. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay ikamamatay ko iyon. “M-mommy!” I shouted in a horrified voice. Nanghina ako at agad na napaluhod sa sahig. My lips shivered, natulala ako habang tinitingnan ang wala ng buhay na ina. Nagkalat ang dugo sa sahig kung saan siya mismo nakahiga. “H-hindi, hindi. Hindi, M-mommy tumayo ka r’yan!” puno ng takot at pagkabigla ang boses ko. Hindi ko magawang kumilos, pakiramdam ko ay hindi ko kayang lapitan ang ina. “Ganun lang ‘yon? Akala ko naman ay sobrang hirap makapasok sa organization.” Nangangatal kong tiningnan ang babaeng nagsalita na siyang bumaril kay mommy. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may suot siyang itim na bonet. Nakasalampak lang ako sa sahig. Hindi alam ang gagawin at gulat na gulat sa mga nangyayari. “Importante ang tao na napatay mo. Maswerte ka at naging madali lang ang lahat.” “Tss. Ito? Hindi ba natin siya tatapusin?” Bumaling sa akin ang babae at tinutukan ako ng baril. Naririnig ko sila ngunit walang pumapasok sa utak ko sa mga oras na ito. “Huwag na muna. Balita ko ay walang muwang ang batang iyan sa organisasyon. Hayaan mo siyang magulat.” “Kung ganun, makikita pa pala ulit kita.” Tumingin sa akin ang babae at tinitigan ako sa mga mata. Nakangiti ang mga mata niya at hindi ko ‘yon matanggap. “Let’s go, baka maabutan pa tayo.” HIndi ko na alam ang mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ilang segundo akong nakatulala sa sahig hanggang sa balingan ko ang ina. Nanghihina ang buong katawan ko kaya hindi ko kinaya ang tumayo. Ginapang ko ang distansya naming dalawa upang maabot siya. “M-mommy.” Maingat ko siyang hinawakan at kinandong sa aking hita. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng aking palad. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi pagkatapos. “Wake up, Mom. W-wala na po sila.” Nanginginig ang boses ko. Nagbabadya ang luha sa aking mata habang hinahaplos ang pisngi niya. Bawat paghinga ko ay mas lalong bumibigat, bawat segundo ay padagdag nang padagdag ang tila punyal na sakit na nakatarak sa aking dibdib. “Gumising ka, Mom. Pakiusap!” Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Inalog ko si mommy ngunit ayaw niya talagang gumising. Ilang minuto akong umiyak roon habang pilit siyang ginigising. Ilang minuto pa bago ako nawalan ng pag-asa na hindi na talaga siya magigising. My hand shivered when I lift it up to close her eyes. Mariin akong napapikit, gusto kong sumigaw sa hapdi na nararamdaman sa aking puso. Hindi ko matatanggap ang nangyari. Hindi ito totoo, panaginip lang ito. “Ahh!” malakas kong sigaw sa kawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo roon habang yakap-yakap ang walang buhay na ina. Ni hindi ko na naramdaman ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa sobrang sakit ng aking paghihinagpis. Gusto ko na ring mawala, I want my mommy back! Gusto kong sumama. My thoughts are corrupted, lumilipad ang utak ko sa napakaraming blangkong bagay hanggang sa dumating ang ninong Leron ko. Tulala na ako at tila nawalan na ng malay sa mga nangyayari kahit na dilat ang aking mata. Ang alam ko lang ay sumakay kami ng sasakyan ni ninong Leron. Dinala niya ako sa isang malaking mansion at magarbong kwarto hanggang sa nakatulog ako sa pagod. Gumising ako na lupaypay ang katawan. I’m tired at all, mentally, emotionally, and physically. I don’t know why until I remembered what happened. Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong bumangon sa hinihigaang malambot na kama. Nagtataka kong sinuri ang hindi pamilyar na paligid ngunit saglit lang iyon. Tumayo ako at agad na napagtantong iba na ang suot kong damit. Nakaputing mahaba na bestida na ako. Impossible. Panaginip lang ang lahat ‘di ba? Bumigat ang dibdib ko. Naiiyak ako ngunit pinilit kong kumalma. Sumasakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay mababaliw na ako. “Mommy!” Nakayapak akong sumisigaw habang bumababa sa engrandeng grand staircase. Hindi pamilyar sa akin ang lugar ngunit desperada akong hanapin ang ina rito. “Mommy!” sigaw ko ulit. Natigilan ako pagbaba nang tumambad sa akin ang mga armadong nakaitim na lalaki. Nang makita ko ang malalaking baril na nakasukbit sa katawan nila ay agad akong nangatal. Natumba ako sa panghihina at agad na napatabon sa aking tainga nang makarinig ng putok ng baril. Katulad nito ang narinig ko kagabi. “Miss.” Akmang lalapit sa aking ang armadong lalaki ngunit agad akong pagapang na umtras. “Huwag kang lalapit sa akin!” Sumakit ang lalamunan ko dahil sa sigaw na iyon. Taas baba ang dibdib ko. Nakayuko ako habang sapo-sapo ng dalawang kamay ang magkabilang tainga. Muli na naman akong nakarinig ng putok ng baril kaya napasigaw ulit ako. Sa sobrang lakas nun ay halos nag-echo sa buong mansion. “Miss, kumalma ka. Hindi ka namin sasaktan.” “Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit!” paulit-ulit kong ani habang umiiling. Maraming boses ang naririnig ko at nagugulohan ako. “Anong nangyayari rito?” Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ang boses ni ninong Leron. Tumayo ako at agad na tumakbo sa kanya. “Ninong! Ilayo mo ako rito! Sasaktan nila ako, sasaktan nila ako! May baril sila, tumakas na tayo. Isama natin si, Mommy!” nagmamakaawa kong ani sa kanya. Bakas ang gulat at pag-aalala sa mukha niya ngunit wala na kaming panahon. “Ninong tara na! Babarilin nila tayo!” “H-hartiana, kumalma ka.” Hinawakan niya ang magkabilang bras ko. Naiiyak akong umiling sa kanya habang namimiilit. “Ahh!” malakas akong napasigaw nang makarinig na naman ng putok ng baril. “Ninong may binaril!” naghehestiryang ani ko. Napahawak ako sa ulo nang muli na namang kumirot. “Hartiana, walang nagpapaputok. You’re safe here. Nasa kampo tayo, teritoryo natin ‘to.” Pilit akong kinakalma ni ninong. Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi niya. Anong walang nagpapaputok? May naririnig ako. “Ninong, meron!” pamimilit ko. Napatingin ako sa paligid at napagtantong may hinahanap nga pala ako. “Si, Mommy. Kailangan nating puntahan ang Mommy ko. Baka barilin nila siya.” Bumitiw ako kay ninong Leron. Humakbang ako upang hanapin ang ina ngunit agad ding natigilan nang biglang inatake ng sakit ang ulo ko. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko ay ikamamatay ko. Napahawak ako sa ulo, hahakbang pa sana ulit ako ngunit hindi ko na nagawa. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig. I don’t know how many days I passed out. Naalala ko lang na hindi ako maayos nang mga araw na ‘yon. I stayed up inside that strange room, I locked myself up there. Hindi ako makatulog at makakain ng ilang araw. Palagi akong tulala at masakit ang ulo. Hindi ako nakakaramdam ng gutom at uhaw kahit na tinatapon ko lang ang mga pagkain ko. Palagi akong takot at talagang ikababaliw ko ang pabalik-balik na eksena sa utak nang gabing iyon. Gusto kong kalimutan pero ayaw ng utak ko. Parang sirang plaka na kahit sa konting oras ng tulog ko ay binabangungot ako. That night keeps coming back and it’s haunting me. Ayaw kong makakita ng tao at baril. Napapasigaw ako lagi dahil madalas akong makarinig ng putok ng baril. I want to end my life so bad, I’m at my lowest of low. My mother just died and I’m unfunctional. Hindi ko alam kung ilaw araw akong ganun. The doctor consulted me and I was diagnosed with acute stress disorder. Maski sakit ko ay hindi ko maintindihan. Medyo natauhan lang ako nang sabihin sa ‘kin ni papa na ililibing na raw si mommy. It hurt me even more. Akala ko ay ikamamatay ko na ang sakit. Kahit na nahihirapan, I know I have to go there. It’s my mother. Wala ako sa lamay niya at alam kong magtatampo siya kapag hindi ko siya hinatid sa kanyang huling hantungan. “Mommy, m-mahal na mahal po kita,” basag ang boses kong ani. Sa tahimik na lugar na ito napili siyang ilagay ni papa. “Mahal na mahal po kita!” sigaw ko habang umiiyak nang malakas. It feels like I’m going to lose my soul. I lost myself already, I felt like nothing. I felt like a thin paper, an air, a hollow. Paulit-ulit ang iyak at ang mga sinasabi ko. Hinayaan ako ni papa sa mga hindi maubos kong luha at hinagpis. She’s everything to me. She’s my ship’s anchor and the reason why I sail. Ngayong wala na siya, pakiramdam ko ay naiwan ako sa malawak at malamig na karagatan. I’m cold, I’m drowning. “Kasalanan mo kung bakit namatay si, Mommy,” sisi ko kay papa nang makabalik kami sa malaking mansion na hindi pamilyar sa akin. Tumigil siya at pagod akong tiningnan. “Tama ka, kasalanan ko nga, Hartiana.” Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay magagalit siya sa sinabi ko, I was so ready to receive his anger. Manhid na ako at pakiramdam ko wala ng silbi ang mabuhay. Hindi ko akalaing papabulaan niya ang sinabi ko. “Kasalanan mo kung bakit namatay si, Mommy,” ulit ko sa basag na boses. Nagsimulang manlabo ulit ang mga mata ko. Muli na naman akong umiyak, pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa tuwing iisiping wala na ang unang babae na nagmahal sa akin. Kung alam ko lang na iyon na ang huling araw niya sa mundo. Ginawa ko sana ang lahat para mapasaya siya. We should have stay late outside, baka sakaling napigilan ko ang nangyari. Kulang yata ang pagmamakaawa ko para sa buhay ng ina, sana lumuhod ako sa harap nila upang pakiusapan ang buhay niya. Kung ganito man lang din, sana ako na lang ang namatay. “Patawarin mo ako, Hartiana. Hindi ko kayo na protektahan ng ina mo.” Lumapit sa akin si papa at niyakap ako. Bakas ang takot, pagsisisi, at pag-aalala sa kanyang mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa buong buhay ko. My very respected father is hugging me. In lost and at his lowest point because of the death of our dearest one. I’m hurting, so is he. I’m wrong in blaming my father and myself. Kasalanan ng mga killer na iyon ang nangyari. Sila ang may gawa nito. Hindi ko sila mapapatawad! NAKATULALA ako habang nakaupo sa loob ng conference room rito sa loob ng mansion. Sobrang laki nito at hindi ko inaasahang may conference room na ganito. Halos isang buwan na rin simula nang mangyari ang lahat ng ‘yon. Walang pinagbago, wala pa rin ako sa tamang kondisyon. I’m having an illness and each passing day, it’s getting painful. Dahan-dahan nang rumerihistro sa utak ko ang mga nangyayari. Napabaling ako sa malaking double doors nang bumukas ito. Pumasok si ninong Leron sout ang pormal na itim na suit at kulay asul na necktie. Madalas ko siyang makita rito ngunit hindi ko pinapansin. “Hartiana,” tawag niya sa ‘kin. I just nodded to acknowledge his presence. Pinapunta niya ako rito dahil may gusto siyang ipaliwanag. “I’m sorry for bothering your rest, may importanteng bagay lang akong gustong sabihin.” “It’s fine with me,” I coldly said. Tumango siya at saglit na may hinanda sa dala niyang laptop. Umilaw ang malaking screen sa harap namin kaya napagtanto kong gagamitin niya iyon. “I know you are not ready for this. You are not in the right state of your mind to know this.” I glared at ninong Leron because of what he said. I don’t like his last words. “I’m sorry,” aniya nang makita ang titig ko. “Just go on,” malamig kong ani. “Okay,” patango-tangong aniya. “Hartiana, do you know what’s mafia?” he asked me. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. “Obviously, you know what it is,” dagdag niya nang hindi ako sumagot. “Your father is a mafia boss.” Hindi na ako nagulat sa narinig. Given the situation and aura of this mansion. Something is wrong. Something is illegal. “Amora Chains of Hotel is just a cover up to hide your family’s true business.” Tumigil si ninong Leron, tahimik naman akong nakikinig sa kanya. Sinuri niya ako at mukhang tinitingnan ang magiging reaksyon ko sa nalaman. “I’m surprise you’re not shock,” he said. “What do you expect me to do then?” I boredly said. Umubo siya at nagpatuloy sa ginagawa. “Buying and selling of illegal firearms under the black market is your family’s true business. As I’ve said, your father is the Amora Mafia Organization’s biggest boss.” The big screen shows a picture of my father at the top. He pressed some buttons and it revealed two familiar faces. Kilala ko ang mga tao na ‘yan. Sa gitna, at sa ibaba ni papa ay walang iba kun’di ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. “I’m pleased to introduce myself to you again, Hartiana. Hindi bilang ninong mo kun’di dahil ikaw ang prinsesa ng Amora Mafia.” I scoffed of what he said. Hearing it makes me cringe. “I’m Leron Menchaves, consigliere ng iyong Papa. I’m his adviser and counselor at the same time.” “Is it please to meet you?” I sarcastically said. “Ano namang papel ni Ninong Rome rito?” Humalukipkip ako at humilig sa sandalan ng swivel chair. “Rome Zamura is the underboss. Kung sa politika, may president at vice president. Sa mafia organization, underboss ang tawag sa vice president.” Sa haba ng mga araw na lumipas, ngayon ko lang naisip si Brian. May alam kaya siya tungkol rito? Ninong Leron explained everything to me. How our organization moves and its status right now. He also told me about the positions in mafia organization. Aniya pa ay kung mas maaga ko ‘to nalaman, o kung lalaki ako. Possibleng ako ang tumatayong underboss ngayon. I also found out that this organization started twenty-five years ago. Ibig sabihin, wala pa ako nandito na ‘to. Belib din naman ako sa husay magtago ng mga magulang ko nito sa akin. Marami akong nalaman ngunit wala ako sa huwisyo para tanggapin ng utak ko. “Sunod nating pag-uusapan ay ang kalaban na organisasyon.” Doon nagpanting ang tainga ko. Kalaban? Ibig sabihin. . . dahan-dahan akong may napagtanto. Bigla ko na lang naalala ang nangyari sa gabing iyon. Tila umiikot ang paligid at naririnig ko na naman ang pamilyar na putok ng baril. Napahawak ako sa aking ulo, pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa kinauupuan. “Hartiana, ayos ka lang?” Lumapit sa akin si ninong Leron. Hinawakan niya ang balikat ko ngunit wala akong maisagot sa kanya. “Baril,” nanghihina kong ani. “A-ano?” kunot-noong aniya. Nakita kong pinindot niya ang intercom at agad na nagtawag ng doctor. Pinagpahinga muna nila ako sa aking silid. Sumasakit ang ulo ko kaya bagsak ako at agad na nakatulog. Ilang oras lang ang tulog ko at agad na akong nagising. “She’s experiencing an acute stress disorder due to her traumatic experience. Gumaling na siya, Leo. Ilayo mo siya sa stress at sa mga bagay at lugar na magpapa-trigger sa kanya sa masamang alaala na nakikita niya. Kapag nagpatuloy ito, it might get worse. She might experience PTSD. Mas long term iyon kaysa sa ASD.” “That’s why I have a plan for her. Ang akala ko ay makakatulong na malaman niya ang katotohanan. I was wrong, ngayon ay may ibang plano na ako para sa kanya. I’ll send her to America.” Nakatulala lang ako habang pinapakinggan si papa. Wala akong pake sa plano niya para sa ‘kin. Isa lang ang naiisip ko ngayon. Paghihiganti. Aalis ako, but I’ll make sure to come back. I’m a real mafia princess, I’ll make use of that power to get even. Hindi. . . sobra pala ang gusto kong singil. Sobra-sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD