CHAPTER 06

1781 Words
CHAPTER 06 “I suffered a mental illness kaya pinadala ako sa ibang bansa. I didn’t have the chance to bid my goodbye because of my condition,” I said to Donna. She was listening to me attentively while in tears. Pinahid niya ang luha pagkatapos kong magkwento. It was a white lie. Pinadala talaga ako sa ibang bansa para maprotektahan at mailayo sa mga kalaban namin. “I’m sorry dahil wala ako ng mga panahon na ‘yon. You were always there for me everytime I’m at the edge. You lost your mother at wala man lang akong nagawa.” Donna sobbed. Umiling ako at hinawakan ang nakapatong niyang kamay sa mesa. “Hindi mo kasalanan ‘yon.” “Ang lakas pa ng loob kong balakin na hindi ka na pansinin ‘pag nagkita ulit tayo. I was hurt, kasi akala ko wala kang pake sa ‘kin. Hindi ko man lang naisip na naghihirap ka noong mga panahong iyon.” “Donna, stop blaming yourself.” Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang braso. “Again, wala kang kasalanan.” “Bali-balita noon na lumipat kayo ng bahay. Hindi ko alam na wala na pala si, Tita. Ang sabi raw sa report ay pinasok kayo ng mga magnanakaw. Hindi pala iyon totoo.” Nahulog sa malalim na pag-iisip ang utak ko. Ipinalabas nga na robbery ang naganap sa bahay. My mother’s wake was very intimate and private. Hindi sinabi o isinapubliko ang totoong nangyari. It was for the organization’s image and safety. Hangga’t maaari, hindi pwedeng makita ng mga kalaban namin ang kahinaan sa loob ng organisasyon. “I’m glad that your back.” Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Donna nang sabihin niya iyon. Dahan-dahan naman akong napatango. Actually, hindi pa dapat ngayong taon ang uwi ko. Napaaga lang dahil meron lead na nagtuturo sa organisasyong pumatay sa ina ko. “Let’s not talk about the past. Ikaw, kamusta ka?” pag-iiba ko sa topic. She sighed, “I’m sorry for that. Ayos lang naman ako, I’m studying Education right now.” Dahan-dahan akong napatango. I can see that she really pursued what she wanted. “Third year?” I asked. Umiling naman siya sa ‘kin. “Second year pa lang, I stopped when. . . Lola Rosarya died.” Napaawang labi ko sa narinig. Bigla kong naalala ang magiliw na matanda noon. Hindi ko naisip na wala na siya ngayon. “I’m sorry to hear that.” “No, it’s fine. Matanda na rin si, Lola. Ikaw? Nag-aaral ka ba ngayon?” tanong niya naman sa akin. Saglit pa akong nag-isip nang isasagot. “Ahm, I will be continuing my study here. Third Year Business Add, sa Deviega University siguro.” “Deviega? I’m currently studying there,” nanlalaking mata na aniya. “Talaga?” Ilang beses siyang tumango sa akin. “Sa katunayan nga ay nakatira ako sa malapit na apartment doon. I’m glad na magkikita pa tayo ulit.” Tila may kumirot sa puso ko dahil sa huling narinig. Sobrang dami na ngang pinagbago. Parang kahapon lang nang halos hindi kami mapaghiwalay sa isa’t isa. But now. . . things have changed already. “Masaya rin ako,” I genuinely said. I’m glad that she’s still the Donna that I used to love. Her innocent type of beauty, her feminine features and bubbly smiles. She’s still the same, samantalang ako. . . ang daming ipinagbago. “Bakit nga pala may sugat ka? Kanina ko pa ‘yan napapansin. Masyado akong na-excite sa pagkikita natin kaya nakalimutan ko.” Agad akong napahawak at napatingin sa braso. “Wala ‘to, don’t mind this.” Malayo ‘to sa kamatayan. “Anong wala? Eh, ang lala tingnan, oh? Gusto mo gamutin natin? May malapit na clinic rito, kilala ko ang may-ari.” “Huwag na, sa Manila ko na lang ‘to ipapagamot.” Saglit pa kaming nag-usap ni Donna bago nagpaalam sa isa’t isa. We exchanged numbers and promised to each other na magkikita kami ulit sa University. Mabuti na rin na nakita ko siya, I felt at ease. Pag-uwi ko sa mansion ay nasa hapag na si Zin, naghihintay na sa akin. My father is still the same and seems like didn’t age at all. His soft but intimidating features are still the same as mine. Sa mukha niya ngayon ay para na talaga kaming carbon copy ng isa’t isa. Sobrang dami ng pagkain sa hapag, kami lang naman dalawa ang kakain. The dining table’s aura is very intimidating as well. Parang may kung anong masamang hangin. “Mabuti naman at nandito ka na,” salubong niya sa ‘kin. Tumayo siya at sinuri ang kabuuan ko bago hinalikan sa pisngi. “Nauna ko siyang binisita kaysa sa ‘yo, pasensya na.” Hindi ko alam kung sarkastiko o mapaglaro ang tonong iyon. We immediately settled and casually talked about random stuff. Sinasagot ko naman ang mga tanong niya at minsan ding tipid na nagkukwento. “Let’s talk about your welcome party. Do you have any plans in mind?” Hindi ko siya tiningnan at ipinagpatuloy ang paghihiwa sa steak. “Don’t ask me that question when you have a plan already,” I told him. Pagak naman siyang natawa. “Anak nga kita.” I spinned my eyes at him. “Just tell me the date and some other info. Wala namang ibang mahalaga sa ‘kin bukod sa makilala ako bilang anak mo,” diretso kong ani. Malalim siyang napabuntonghininga bago nagsalita. “I’m always willing to do that for you, Hartiana. Ikaw naman talaga ang anak ko.” Then I’m glad that we’re almost at the same page. Alam kong alam niya ang balak ko at kung bakit ko gusto na maipakilala bilang anak niya. I want the power and authority. “Maybe I’ll set the welcome party next week. Mas maganda na ang maaga.” Tumango lang ako habang nakikinig sa kanya. “Anyways, you are already enrolled at Deviega University. Sa susunod na araw ay papasok ka na, is that okay with you?” “I don’t have a problem with that,” I answered. Mabuti na lang at hindi napuna ni Papa ang sugat ko. Pagkatapos kumain ay agad na akong dumiritso sa pamilyar na kwarto. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid bago umupo sa malambot nitong queen size bed. Puti ang pintura ng silid at malawak ang space. Sa gitna ay may sofa at maliit na coffee table. May malaking bedside table rin sa gilid. May tatlong pinto sa loob na alam kong para sa bathroom, walk-in closet at balkonahe. Nandito na rin ang mga dala kong maleta. Muli akong tumayo at nagtungo sa balkonahe, nang buksan ko ang glassdoor ay agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Konti lang ang bituin sa langit nang tumingala ako. Mukhang uulan pa yata. Nagtagal ako roon hanggang sa may kumatok na kasambahay. Naka-uniporme ito at mukhang bago lang yata, ni hindi ako matingnan sa mga mata. “P-pinapabigay po ni Sir Leron,” anito sa kinakabahan na boses. Bumaba naman ang tingin ko sa tray na dala niya. Medicine kit at isang pulang pouch na hindi ko alam kung ano ang laman. Inabot ko ang tray bago muling pumasok sa kwarto. Pinatong ko ito sa bedside table bago nag-abala sa paggamot sa sarili. Nagkamali ako nang isipin na hindi napansin ni Papa ang sugat ko. Alam kong hindi si Leron ang nagpadala nito kun’di siya. Madali ko lang nalinisan ang sugat at nalagyan ng gamot. Habang ginagawa ko ‘yon ay naaalala ko ang pagmumukha ng mayabang na iyon. Tingnan lang natin ang yabang mo sa oras na magkita tayo ulit. Hindi na ako makapaghintay na makita ang itsura niya. Thanks to my skills and knowledge, ang dami ko ng ano alam gawin. Pagkatapos maka-recover ng sistema ko sa mga nangyari ay agad kong sinanay ang sarili sa napakaraming bagay. My father was against it but he couldn’t do anything. I studied martial arts, how to use guns, and I learned how to be closer and play with danger. It’s addicting. Pagkatapos palitan ang bandage ay ang maliit na pouch naman ang tiningnan ko. Binuksan ko ito at nakita ang sticker na simbolo ng Amora Mafia Organization. Pamilyar ito sa akin dahil nakita ko rin ito sa sinakyang SUV kanina. Ang sticker na ‘to ay nilalagay sa kotse o motor. Ngumisi lang akong nang may maalala. May gasgas pa ang motor ko kaya hindi ko pa iyon magagamit. Tinatamad din ako na lagyan ang kotse. NANG sumunod na araw ay maaga akong nagising upang ihanda ang sarili. Ginamit ko muna ang pula kong Mustang para mapaayos ang motor ko. Isa rin ito sa mga naunang dumating dito sa Pinas. I just wore a black, high waisted jeans and black boots. I let my long jet black hair fall while wearing a black sando, I put a Dolce and Gabbana coat on my shoulder to make it look formal. My schedules and room numbers were emailed to me last night. Pati lockers ko at mga Professors ay nakadetalye rin roon. Nasa parking lot palang ako ng Deviega University, tinginan na ang mga tao sa akin. Hindi naman ganun ka garbo ang sasakyan ko pero kung makatingin sila ay wagas. I’m not used to the attention they are giving me. Hindi naman ganito sa ibang bansa. Kinuha ko ang maliit na bag bago nagpasyang pumasok. Sa malawak na hallway ay masyado akong agaw atensyon. Marami akong naririnig na bulongan, mga nagtatanong kung sino ba raw ako, anong kurso ko o nag-aaral ba raw ako rito. Hindi ko na lang pinansin dahil wala naman akong pake. Nang makapasok sa room ay deri-deritso lang ang pasok ko. Hindi ko na tiningnan ang mga taong naroon, basta na lang akong umupo sa bakanteng upuan na nasa likuran. I don’t want to have friends kaya mabuti na rin na malamig ako. I want them to be intimidated of me, effortless ko naman iyong nagagawa dahil sa ugaling meron ako. Dahil siguro sa aura ko ay walang nagbalak na umupo sa katabi kong upuan. Maaga ako kaya wala pa ang Prof, inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng mga text messages galing kay Donna. Marami iyon at isang beses lang akong nakapag-reply. Naramdaman kong may naglakas loob ng umupo sa katabi kong upuan. Wala naman sana akong pake kung hindi ko lang naamoy ang mamahalin at hindi masakit sa ilong niyang pabango. Ibinaba ko ang cellphone at nag-angat ng tingin. Ganun na lang ang gulat ko nang mapagsino ang lalaki. Hindi ko akalain na makikita ko siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD