CHAPTER 07

2320 Words
CHAPTER 07 His dark hooded and furrowed brows are very familiar. He’s staring at me. . . glaring at me intently. Kulang na lang ay kulamin niya ako sa malamig niyang titig. I smirked at him. Kung akala niya ay matatakot ako, nagkakamali siya. Umirap ako at binalewala ang kanyang presensya. Hindi nagtagal ay dumating na ang prof namin para sa unang subject. At dahil transferry ako sa klase niya, kinakailangan ko pang tumayo para ipakilala ang sarili. “I’m, Hartiana and it’s nice meeting all of you. I hope we all get along. Thank you.” Tipid akong ngumiti sa klase bago umupo. “What a sweet introduction for a monster.” Tila kumulo ang dugo ko sa sinabi ng katabi. Mahina lang ang pagkakasabi niya ngumit sapat upang marinig ko. Hindi man niya sabihin, alam kong ako ang pinapatamaan niya. I need to calm down. This guy beside me is very good at pissing me off. Itsura niya palang nakakairita na. I shrugged my shoulder and sarcastically laughed a little. “Power of innocence.” Isang oras lang ang klase na iyon kaya madaling natapos. The professor hand me some books and papers para makahabol ako sa lessons nila. I don’t know why do I have to do that papers, It’s so easy and waste of time for me. Tumayo ako nang makalabas na ang prof namin. Pinili kong huli lumabas para maiwasan ang makipaghalubilo sa iba. The guy beside me was gone already. Palabas na ako nang bigla na lang may marahas na humaklit sa braso ko. I was caught off guard! Tumama ang likod ko sa pader kaya napangiwi ako. I groaned in pain, tinitigan ko nang masama ang lalaking nagtulak sa akin sa pader. Wala ng ibang tao sa room kaya walang nakakita sa ginawa niya. Tinukod niya ang kamay sa pader malapit sa ulohan ko. He’s cornering me. “What do you need?” malamig kong ani. Mabilis akong nakabawi sa pagkakagulat sa ginawa niya. “Sino ka ba talaga?” kunot-noo niyang tanong sa ‘kin. His voice is different, I don’t know why but I was amazed by it. Amoy na amoy ko ang hininga niyang pinaghalong mint at mouth wash, sobrang lapit ng mukha niya sa ‘kin. I gave him a sleepy stare. Tila ba hindi ako interesado sa tanong niya. Napatingin ako sa braso niyang nakatukod sa pader, his veins are showing and it distracted me a little. Sa huli ay natawa ako. “Do you really want to know me?” I smiled teasingly at him. Kumuyom ang panga niya at tila ba nairita na sa ‘kin. Gusto ko sanang sipain ang kaniya para makaalis ako pero mukhang hindi magandang idea iyon. “I’m not playing with you woman,” he coldly uttered. Mas lalo akong napangisi. “Then I love playing with things.” Mariin ko siyang tinitigan. His dark eyes are like deep holes that will make you lost. “You really want to know me? You’ll find it out next week.” Ngumisi ako at agad na hinuli ang isa niyang kamay. Mabilis ko itong hinila at inikot sa likuran niya. I tightened my grip and he immediately groaned in pain. Nang makontinto ako sa pagpiga ng braso niya ay agad ko siyang pinakawalan. Ngumisi lang ako at lumabas na parang walang nangyari. I checked my schedule and immediately went to my second class. Naging maayos naman ang sumunod na klase, mabuti at hindi ko ka-blockmates ang lalaking iyon. May ibang naglakas loob na kausapin ako pero hindi ko pinansin. Meron pang iba na ang sama o ‘di kaya ay takot ang tingin sa ‘kin. Pagkatapos ng pangatlong klase ay dumiritso na ako sa locker area. Marami akong dalang papel kaya kailangan ko iyong iwan doon bago kumain ng lunch. “Is she a model? Ang tangkad, ah?” “She’s a little familiar na hindi. Look at the outfit and the walk.” Iilan lang ‘yan sa mga bulongan na naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway. Nang matagpuan ko ang locker ay agad ko itong binuksan, malinis naman na kaya nilapag ko na ang mga gamit. Naiinitan ako kaya tinali ko muna ang nakaladlad na buhok. Nang matapos sa ginagawa ay dahan-dahan kong sinara ang pinto ng locker. Tama ako nang may maramdamang presensya roon. Leaning on the lockers while crossing his arms is Liam Zamura. Wearing a white pollo with two buttons down, sleeves are folded up to his forearm. The same with his clean cut hair, both sporting the boyish ang innocent look. Kahit na nakahilig siya ay masasabi kong mas lalo pa siyang tumangkad. His body is much leaner now compared to the last time I saw him five year ago. He changed a lot but his eyes are still the same. “Long time. . . no see,” he said. His soft voice brings me a lot of memories. It feels nostalgic. We end up on a bench in front of our school’s soccer field. Pareho kaming tahimik ngunit nagustuhan ko ang katahimikang iyon. Seeing him again gives me a lot of emotions. I felt the excitement but I couldn’t get it ‘cause I feel vague inside. “How are you?” basag niya sa katahimikan ilang minuto ang makalipas. “If you want the honest answer. I don’t know.” I heard him sigh kaya napatingin ako sa kanya. His familiar natural scent reminds me a lot of things. Reminds me a lot of our time together before. Unti-unti akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Ilang taon na ang lumipas pero ngayon pa lang tumama sa akin ang sakit ng ibang mga bagay na nawala ko. I was lost for years. My mother died, I forgot my bestfriend and boyfriend. The family I dreamed of was gone and I also lost myself. I suffered in pain and darkness, I want vengeance and I will never stop until I get the justice I deserve. Destiny put me on a bitter path. So, tell me? Am I even going to be okay? Not. No. I will forever be miserable even if I will get what I want. “About the organization. . .” he opened up a topic. “I’m sure you have plans.” Mapait akong ngumisi. Years passed but Brian still knows me well. He knows how far I can go with my rage. “I know everything now,” I said. His father is the under boss of the Amora Mafia Organization. Brian knows everything too at itinago niya iyon sa ‘kin. “Sana lang, hindi tama ang naiisip ko na gagawin mo.” Tumingin siya sa mga mata ko. I locked my gaze to him para maramdaman niyang buo na ang desisyon ko sa gagawin. “If you’re thinking about revenge then you are not wrong. That’s exactly what I want.” “Hartiana—” I cut him off. “You know where I can get for my loved ones, Brian. Walang sino naman ang makakapigil sa ‘kin. Hindi ikaw, hindi si, Papa. Wala kahit na sino.” “Hindi sila basta-basta lang, Hart. Ikapapahamak mo ang binabalak.” I know he’s just concerned of me pero hindi ko gusto na pinipigilan niya ako. “Wala ng silbi ang buhay ko kaya para ano pa na protektahan ito?” Napamaang ang labi niya sa sinabi ko. Simula nang mamatay si mommy, namatay na rin ako. At hanggang ngayon, patuloy pa rin akong namamatay. Araw-araw. I chose not to move on that’s why I’m living in misery. And I care not. “Huwag na huwag mong sasabihin ‘yan.” Inangat niya ang braso upang hawakan ako ngunit pinigilan niya ang sarili. Napatingin lang ako sa kamay niya nang bawiin niya ito. Umiwas siya ng tingin sa ‘kin at huminga nang malalim. “Hart!” Pareho kaming napatingin kay Donna nang tawagin niya kami. Nasa malayo pa lang siya pero sinisigaw na niya ang pangalan ko. She’s smiling and very happy to see me. Tipid akong napangiti. I don’t know why my heart is hurting. Tumakbo siya palapit sa akin. Kung maka-akto siya ay para bang hindi kami nagkita ng ilang araw. “Oh, Brin,” gulat na aniya nang makita ang kasama ko, natigilan pa siya sa pagtakbo. Donna’s lips parted and she’s really in shock. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa ‘min. She’s giving us a both weird and awkward look. “I can see na nagkita na kayo,” mahinang aniya. Lumapit siya sa ‘min. Agad namang tumayo si Brian upang paupuin siya. “Yeah, I saw her kanina sa locker area. Nalaman ko rin kay Tito na naka-uwi na siya.” Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. After years, ito ang unang beses na nagkasama ulit kami. Kumunot ang noo ni Donna. “You have a contact with Tito Leo?” Donna said shortly after the silence. Pareho kaming nagkatinginan ni Brian dahil doon. “Ah, yeah. We bumped in sa isang meeting ni Dad kasama ako,” Brian lied. He seemed very expert to it. Ni hindi man lang siya kumurap. “I see, bakit hindi ko ’yan alam?” Nagtatampong tiningnan ni Donna si Brian. Natawa si Brian sa kanya. He pinched Donna’s checks ang pat her head. “Hindi naman lahat kailangan mong malaman, no.” “Ang sama mo!” Donna glared at her. Staring at the two of them gave me a vague feeling inside. I can see that they are still close to each other after I left. “Ang sama mo,” natatawang panggagaya sa kanya ni Brian. Tumayo ako kaya pareho silang napatingin sa akin. Mukhang ngayon lang nila napansin na nandito rin ako. “I have to go.” “Ha?” Tumayo rin si Donna na nakakunot ang noo. “I need to go for a lunch,” I reasoned out. Ang totoo ay may pait akong nararamdaman sa loob ko. “Kung ganun sabay na tayo, Hart. Tapos na ako pero samahan na kita. Wala na akong klase, eh. Ikaw, Brian may klase ka mamaya ‘di ba? Kumain ka na—” “Hindi na, may pupuntahan pa ako,” I coldly said. Nagkatinginan silang dalawa. “Ganun ba? Sayang naman.” Saglit na nag-isip si Donna. “How about dinner?” tanong niya sa ‘kin. Handa na akong tumanggi nang muli siyang nagsalita. “Welcome dinner for you! We didn’t see each other for a long time kaya sige na. Ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit, we should be celebrating.” Ngumuso si Donna, binigyan niya pa ako ng nagmamakaawang tingin. Si Brian naman ay seryoso lang ang tingin sa akin. “Okay,” tipid kong ani. “Okay good! I’ll just text you the details. Ako na ang maghahanap ng restaurant, anong gusto niyong kainin?” excited niyang tanong sa ‘min. “Saka Hart, mag-reply ka naman sa ’kin.” “Anything,” I said before turning my back to them. Tinawag pa ako ni Donna ngunit hindi ko na siya binalingan. Dumiritso ako sa sunod na klase at hindi na nag-lunch. Sobrang aga ko kaya wala pang ibang tao sa room. Inabala ko na lang ang sarili sa pagsaulo ng mga tao sa loob ng organisasyon namin. Leron secretly sent me their files kaya may access ako. Nabasa ko na ito dati ngunit ilang beses kong inulit. Gusto kong saulo ko ang mga taong gumagalaw sa loob ng Amora Mafia Organization. Katulad sa mga naunang klase ang nangyari sa sunod. Pinapatayo ako ng mga Professors para ipakilala ang sarili. Nakakatamad ang ganun. “I’m Hartiana Amora, it’s good to meet you all. I hope we get along very well—” Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. Napairap ako nang makita ang aroganteng lalaki. Magkaklase na naman kami sa subject na ito. “Why are you late Mr. Lemuels?” tanong ng prof sa kanya. Hindi na ako nagulat nang marinig ang apelyido niya. Dahil wala na sa akin ang attention ng lahat, kinuha kong pagkakataon iyon upang bumalik sa kinauupuan. “None of your business, Ms.” Napasinghap ang lahat nang marinig ang sagot niya. Maging ako ay mabilis ding napabaling sa kanya sa gulat. Arrogante talaga eh, no. I don’t know if I want an attitude like that or not. Our professor scoffed. Nanatiling tikom ang bibig niya hanggang sa makaupo ang lalaki sa bakanteng upuan sa tabi ko. Again, seatmates na naman kami. Umiling na lang ako at binalewala iyon. Pagkatapos ng klase ay dumiritso na ako sa last period. Naglalakad ako sa hallway nang matanggap ko ang text ni Donna. She sent me the address of a famous luxurious restaurant nearby. Wala akong balak na pumunta pero pagbibigyan ko siya ngayon. Sinabi niya rin sa text kung anong oras. Alas otso pa naman ng gabi ang dinner kaya uuwi na muna ako. “I heard she’s an Amora.” “Oo, Amora ang apelyido niya. She introduced herself kanina, classmates kami sa isang minor.” “Amora? Do you mean the famous chains of hotel?” Ngayon pa lang ay kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga ganyan. Ayaw ko pa naman na pinag-uusapan ako. Isa pa, hindi ko gustong makilala bilang anak ng tagapagmana ng chains of hotel. I want power so I’m aiming for higher. I put my things at the back of my car. Tapos na ang klase at uwian na ng iba. Pasakay na ako sa driver’s seat nang makita ko kung sino ang may-ari ng sasakyan na katabi ko sa parking. Nagtama ang mata naming dalawa. Ang dala niyang sasakyan ay iba na sa kotseng binaril ko. I smirked before going inside my car. I can’t wait to see his reaction the moment he’ll find out the truth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD