CHAPTER 7.2
Nang makauwi sa mansion ay saglit akong naligo para makapag handa sa dinner namin nina Donna at Brian. Nang may hinanap ako sa drawer ay muli ko na namang nakita ang sticker na ibinigay ni Leron. Gusto ko ng idikit ‘yon kaya lang ay may naiisip pa akong gawin.
At dahil luxurious ang pupuntahan naming restaurant, pinili kong magsuot ng pormal na kasuotan. I wore my black stringed dress na abot hanggang tuhod ko. It has a slit on the right side showing a little of my thigh. I also wear a black strappy sandals for my footwear. I tied my hair in a bun and pulled some strands to add extra drama. Nilagyan ko lang ng konting kolorete ang mukha bago nagpasyang umalis. Late na rin ako pero wala akong pake.
I dropped my Mustang at the restaurant. Malapit lang kaya mabilis ang biyahe. I walked confidently at the restaurant’s premises. Nang pumasok ako sa double doors ay agad kong pinasadahan ang buong lugar para hanapin sila.
Madali ko lang nakita si Donna na nakangiti habang kumakaway sa akin. She mouthed, “Dito.” Kasama na niya si Brian at talagang ako na lang ang hinihintay.
Agad na tumayo si Donna nang lumapit ako. She’s smiling from ear to ear, I miss her genuine smile.
“Oh, gosh. You’re so pretty, Hart! No, you’re gorgeous,” aniya nang sinuyod ako ng tingin pagkatapos makipabeso sa akin. Tipid lang akong ngumiti. She’s wearing a white and blue floral dress, her hair in a half ponytail and light make-up. She looks pretty as well. Her innocent beauty is incomparable.
She hugged me once more. Her arm remained on my waist as we faced Brian na nanatiling nakaupo.
“You’re late,” he coldly said.
“Obviously.” Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagpalipat-lipat ang tingin sa ‘min ni Donna. Awkward siyang natawa bago sinuway si Brian. “Shut up, Brian! Baka may mahalagang ginawa lang si, Hart kaya na-late. Upo ka na,” depensa sa ‘kin ni Donna.
Uupo na sana ako nang tumayo si Brian. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at hinalikan ako sa pisngi. Napaawang na lang ang labi ko sa pagkabigla, I felt his soft lips against my check and I smelled his fancy perfume.
Donna gasped. Umubo siya pagkatapos ay nahihiyang natawa. Nang tumalikod si Brian upang makabalik sa inuupuan ay binigyan ako ng kakaibang titig ni Donna. She’s looking at me with malice.
“Welcome back daw.” Kinagat niya ang labi upang pigilan ang sariling matawa. Umirap na lang ako bago umupo.
“What do you want to order, guys?” Donna asked while I’m reading the restaurant’s menu. “Baka gusto niyo nitong for couple meal nila?” Obviously, nang-aasaar lang siya. Kanina pa may malisya ang tingin niya sa ‘min mula nang halikan ako ni Brian sa pisngi.
“Donna,” banta sa kanya ni Brian. Nakikinig ako ngunit nasa hawak na menu ang mata.
“What?” Kahit hindi ko kita ay alam kong tinataas na ni Donna ang dalawang kilay upang magmaang-maangan.
“You’re obvious, stop that,” prangka sa kanya ni Brian.
Donna barked a laugh, “Mukhang masarap kasi, eh. Ito naman!” she said defensively.
We ordered a four course meal and like what I expected, ako ang hot seat sa dinner na ito.
“Saan ka sa America nag-stay?” Hindi ko na alam kung pang-ilang tanong na ito ni Donna.
“I don’t have a distinct address, I traveled a lot and palipat-lipat ako ng lugar.” Tumango siya sa ‘kin. “But I stayed in New York for a long time,” I added.
“I’m guessing that you did so many things at those times. I’m relieved that you’re doing good. I can see that you have changed a lot.” Dama ko ang lungkot sa boses ni Donna nang sabihin iyon.
She’s right. I really did so many things. I undergo trainings, both in martial arts and using gun. I studied the mafia organization. I did a lot of research and made a plan. I prepared myself well in coming back here.
“Yeah, I did.” Ramdam ko ang titig sa ‘kin ni Brian kaya napatingin ako sa kanya. He’s looking at me intently, I’m not sure but I can see the pain and longing in his eyes.
I don’t know what to feel at the moment. I set aside or it is right to say that I left all the unnecessary feelings I’m feeling inside of me five years ago, including my love for him. Now that he’s staring at me like that, I remembered how much I adore him secretly as friend and a guy before. I felt vagueness in my heart right now.
“Alam mo? Pangarap ko ring makapag-travel sa ibang bansa. Hindi pa ako nakakalabas ng Pilipinas, balak ko ‘yung gawin ‘pag nakapasa na ako ng board exam. Bale, reward ko na lang sa sarili ko,” she said with her eyes in adoration.
I envy her. Mabuti pa siya at may mabuti at madaling pangarap. Mukhang maginhawa at hindi nakakabagabag. Iba kasi ang gusto kong gawin.
“Alam ko na! Samahan niyo kaya ako? Mayaman naman kayo kaya hindi niyo kailangan isipin ang gatusin. Travel tayo abroad pagka-graduate ko?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa ‘min.
Siya lang ang salita nang salita pero hindi siya napapagod para hindi maging awkward ang dinner na ito.
“Brian, what do you think? Sama ka na dali!” Umiling si Brian sa kanya at natawa.
“Okay, I’m in. Sagot ko na airplane ticket mo.” Napapalakpak sa tuwa si Donna.
“Bongga ka talaga! Sinabi mo ‘yan, ah? Dapat ni;record ko ‘yon, eh.” Bumaling siya sa ‘kin. “Dapat kasama ka rin.”
Tumango lang ako. Sasama ako kapag buhay pa ako sa mga oras na ‘yon.
Listening to them makes me realize a lot of things. I’m glad and relieved that both of them are living fine after I left.
“Gusto ko sanang pumunta pa tayo sa ibang lugar kaya lang gabi na rin at may tatapusin pa akong research paper,” si Donna pagkatapos ng mahabang dinner namin.
“It’s fine,” I said to her. Ngumiti siya sa akin at muli na naman akong niyakap. Saglit niya pang pinahinga ang baba sa braso ko bago ako binitiwan.
“Hayst! I really miss my best friend.” My heart warmed at what she said.
“Sakay na, hatid na kita,” sabi ni Brian kay Donna nang makarating kami sa parking lot. Tumango ako kay Brian, tipid naman siyang ngumiti sa ‘kin.
“No, huwag na, Brian.” Pareho kaming napatingin ni Brian kay Donna.
“Bakit? May dadaanan ka pa? Samahan na kita, saan ba?” tanong niya rito. Umiling naman si Donna at palipat-lipat na tumingin sa aming dalawa.
She smiled at us, “I know that the two of you still have things to talk about. Naabala ko kayo kanina kaya sige na, mag-usap muna kayo. I’ll be fine, magko-commute lang ako, malapit lang ang apartment ko rito.”
“Wala naman kaming pag-uusapan.” Walang reaksyon si Brian sa sinabi ko.
“I insist, huwag mo na akong ihatid, Brian.” Ngumiti siya rito bago bumaling muli sa akin.
“Pero—”
“Naku! Ito namang mga ‘to. Sige na, aalis na ako. Bye!” Kumaway siya sa amin bago nagmamadaling umalis. Tumakbo pa siya sa parking.
Umilin lang ako at bumuntonghininga. Pupuntahan ko na sana ang sasakyan nang tawagin ako ni Brian.
“Hart, can I talk to you for a minute?” Nagtiim-bagang ako bago muling humarap sa kanya.
“Nagkausap na tayo kanina,” I coldly uttered. Pumungay ang mga mata niya sa ‘kin.
“Saglit lang,” aniya bago tinungo ang sasakyan. “Follow my car.”
“Fine.” Humalukipkip ako bago nagpunta sa sarili kong sasakyan. Isang beses pa akong napabuntonghininga bago pinaandar ang Mustang. I followed his car at napansin kong papunta kami sa mataas na parte ng syudad. Sa huli ay tumigil siya sa cliff kung saan tanaw ang city lights.
Nauna siyang bumaba kaya sumunod ako. Saglit pa akong namangha sa lugar bago siya binalingan. “What are we doing here?”
“To talk?” patanong na aniya. Umirap ako at nakahalukipkip na humilig sa sasakyan niya. I heard him sighed, humilig din siya sa sasakyan niya katabi ko.
I silently admire the city lights. Maraming ganito sa New York pero kakaiba pa rin dito. Malamig ang hangin kaya nayakap ko ang sarili, manipis pa naman ang dress ko, too much skin is also showing.
“Oh, I’m sorry. I forgot,” ani Brian nang mapansin niyang nilalamig ako. Umayos siya ng tayo at hinubad ang sout na coat “Wear this.” Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita, lumapit siya sa ‘kin at siya na mismo ang nagsuot ng coat sa balikat ko. Habang ginagawa niya ‘yon ay nakatitig siya sa mga mata ko.
Mas matangkad si Brian sa ‘kin kaya nakatingala ako sa kanya. Tapos na siya sa ginagawa pero hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan. Ang kanyang kamay ay nanatili sa magkabilang braso ko.
“Alis, tinatabunan mo ang view,” sabi ko nang magtagal na siya sa harap ko. Mukhang natauhan siya at agad na tumabi. Muli siyang sumandal sa sasakyan niya.
Hinayaan ko ang katahimikan sa aming dalawa para makapa ko ang sarili. Hindi ko maintindihan, wala akong maramdaman.
“What do you want to talk about?” tanong ko makalipas ang ilang minuto. Hindi ko siya binalingan pero ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi siya sumagot kaya napabuntonghininga ako. “Umalis na tayo—” Natigilan ako sa sasabihin nang bigla niyang hinila ang braso ko. Hindi ko nabalanse ang sarili kaya agad akong sumalampak sa dibdib niya.
Mahigpit niya akong niyakap at pinahinga ang baba sa kaliwang braso ko. Nagulat ako pero agd ding nakabawi. “Bitaw,” naiirita kong ani. Sinubukan ko siyang itulak ngunit hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Please, sandali lang.” Tumigil ako sa pagtulak sa kanya nang marinig ang nagmamakaawa niyang boses. “I miss you, Hart.” His voice sent shivers down my spine, bigla ay nahirapan ako sa paghinga. “I miss you.”