CHAPTER 08
KINABUKASAN ay maaga na naman ako sa klase. Nakatulala lang ako sa kawalan habang sinusubukang labanan ang antok. Marami akong files na binasa kagabi kaya hindi ako nakatulog nang maayos. Tatlong oras lang yata ang tinulog ko.
Napatingala ako nang may maglapag ng kape sa mesa ko. My forehead creased when I saw who it was. Umupo siya sa tabi ko.
“Ano ‘yan?” I coldly uttered. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok upang hawiin ang mga hibla na gumugulo sa aking mukha.
“Kape?” patanong niyang sagot. Tumaas ang isa niyang kilay, nakakainsulto niya akong tiningnan na para bang hindi ko alam kung ano ang nilagay niya sa mesa ko.
“Wala akong Gcash, hindi ko mababayaran ‘yan.” Umirap ako at humalukipkip, kami pa lang dalawa ang tao sa silid.
“That’s for free,” aniya. Sinuot niya ang headphones sabay talikod sa ‘kin. Malalim akong bumuntonghininga pagkatapos ay ngumisi.
Tumayo ako at kinuha ang kapeng ibinigay niya sa ‘kin. Muli ko iyong nilagay sa kanyang mesa. Walang pasintabi kong kinuha ang headphones sa tainga niya. He immediately glared at what I did.
“Pasensya ka na, ah? Naniniwala kasi akong walang libre sa mundo.” Umalis ako at iniwan siya roon.
Mahaba pa naman ang oras kaya nagpasya muna akong pumunta sa school garden. Malapit lang kaya madali ko lang narating.
Hinayaan ko ang sarili na umidlip saglit, nagising lang ako dahil sa masamang panaginip. Namulatan ko na lang ang sarili na may luha na naman sa pisngi. Kinakapos ako sa paghinga at mabigat ang dibdib ko. Hindi naman gaanong mainit sa garden pero pinagpapawisan ako.
That night keeps haunting me. Hindi nga talaga ako patatahimikin ng alaalang iyon.
“This is, Shanon. . .” Pagpapakilala sa ‘kin ni papa sa isang petite at matangkad na babae. Pamilyar siya at sigurado akong ilang beses ko na siyang nakita rito. Her prominent jaw is flaunting, so as her morena skin. Maganda siya ngunit nakakatakot kung tumitig. Dama mo rin ang kayabangan at angas sa tindig niya. Marami akong nakakasalubong na mga ganitong babae rito ngunit hindi ko pinapansin. “She’s a capos and one of my trusted people here. Shanon, this is my daughter Hartiana.”
Ang organisasyon ay nahahati sa mga posisyon. Ang royals kung saan nabibilang ang ama ko, si Leron, at si Rome na ama ni Brian. Masasabi kong kasali kami ni Brian sa royals dahil anak kami ng isa sa mga tatlong pinakamataas na pinuno. Si Leron bilang consigliere o tagapayo, si Rome na underboss o second in command, at si papa o mas kilala bilang Zin sa organisasyon bilang pinakamataas na leader. Sumunod sa hanay ay ang mga capos o caporegime, isa na nga roon ang babaeng kaharap ko ngayon. Marami sila at distrito ang kanilang mga sakop. Karamihan sa kanila ay naglalakihang businessman ng bansa. Sila ay parang mga kapitan na nag-uutos ng mga maruruming gawain sa kanilang soldier. Soldier ang sumunod, sila ang kadalasang gumagawa ng mga pagpatay at ang naglilinis ng mga ebidensya sa utos ng kanilang capo. Pinakahuli sa hanay ay ang mga associates, kadalasang inosenti at hindi pa nakakapatay ng tao. Marami sa kanila ay ang anak ng mga capo o soldier, parte pa rin sila ng organisasyon kaya may hinahawakan silang posisyon.
Nasa tuktok ang posisyon ko ngunit maaari rin akong ilagay sa ibaba.
Inabot sa ‘kin ng babae ang kamay niya, “It’s nice to finally meet you.”
I shook her hand and felt the hard calloused on it. Bata siyang tingnan ngunit nakasisiguro akong mas matanda siya sa akin ng ilang taon.
“It’s also nice to meet you,” replied.
“Have a sit girls.” Umupo si papa sa swivel chair niya. Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang opisina.
“Anong dahilan at pinatawag niyo po ako rito?” Ni hindi man lang kumurap ang babae nang tanongin niya si Zin. Ibig sabihin lang nun ay sanay na talaga siya sa gawain at talagang pinagkakatiwalaan siya ng ama ko.
“Pinatawag kita upang humingi ng pabor sa ‘yo,” seryusong ani ng ama ko.
“Kahit ano ay gagawin ko.” Tumango ang babae.
“Hindi naman ito gaanong seryososo. Gusto ko lang na tulungan mo si, Hart sa paghahanda para sa nalalapit na welcome party.”
Napatingin ako kay Zin. Sa akin naman tumingin si Shanon kaya sinalubong ko ang mata niya. Kitang-kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Ano po bang pahahanda ang gusto niyong itulong ko?” tanong nito.
“Lahat ng alam mong tama, I trust you with this, Shanon. I’ll send you some files about the party.”
“Hindi ko magagawa ang tumanggi sa ‘yo, Zin. Alam mo ’yan.”
“Kaya ikaw ang pinapunta ko rito.” Bumaling sa ‘kin si papa. “Hartiana, makakaalis ka na. May pag-uusapan lang kami ni Shanon.” Medyo hindi ko gusto ang narinig na utos ngunit alam kong wala akong magagawa. Tumayo ako at saglit na nagpaalam bago lumabas ng opisina.
Sa tulong ni Shanon ay nakapaghanda ako sa party. Formal gothic theme ang okasyon, marami ang dadalo kaya kailangan talagang paghandaan. Sinabi rin sa ‘kin ni Shanon na isasabay sa celebration ng pagbabalik ko ang 30th anniversary ng Amora Mafia Organization. Inaasahang dadalo ang lahat ng mga miyembro sa organisasyon sa pagtitipong ito.
“Kung gusto mong makuha ang paghanga at respeto nila sa ‘yo, establish them a strong first appearance,” aniya habang sinusukatan ako para sa napiling gown.
“Alam ko na ang gagawin.” Tumango siya sa ‘kin.
“One thing, talasan mo ang mga mata at pakiramdam mo. Malakas ang Amora Mafia Organization ngunit may mga traydor din sa loob nito. Mga pesteng kailangang alisin sa pananim para mas lalong lumabong.”
“Kahit saan naman yata may traydor,” I said. “May nabasa akong file ng isang associate, kahina-hinala ang kilos at labas pasok niya sa organisasyon.” Muling tumango sa ‘kin si Shanon.
“Ashiro ba ang pangalan?” Tumango ako at saglit na nag-isip. Ang nasabing pangalan ay anak ng isang capos. “Iyon naman talaga ang papel niya sa organisasyon. Spy siya ng kabilang organisasyon ngunit palabas lang iyon, kabaliktaran ang tunay na nangyayari.”
“Ibig mo bang sabihin ay spy siya ng Amora sa kabilang organisasyon?” Pinitik ni Shanon ang daliri.
“Tama!”
Marami pa kaming napag-usapan na ganun ni Shanon. I don’t easily trust people and I don’t trust Shanon pero pinagkakatiwalaan siya ni papa kaya kampante ang loob ko sa kanya.
I chose to wear the black long glitter gown. It has a black see thru cape sleeve and a long slit on the right side showing my long leg. I wore four inch black lita shoes for my footwear. My hair is tied in a perfect bun with a little stand pulled and curled in front. I wore heavy make-up to highlight my features, there’s not a need for that but I want to show people how powerful I am through my look for the night.
“Are you ready?” Katatapos ko lang maghanda nang pumasok si Shanon sa kwarto ko. She’s wearing a black mini tube dres and a scrunch boots.
“I’m always ready.” Tumayo ako at inayos ang suot na dress.
“Here.” Pagbaling ko kay Shanon ay may hawak na siyang baril. Inaabot niya sa ‘kin. “Just in case something will happen tonight. I have a feeling of. . . “ Hindi niya maituloy ang sasabihin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“So, you have a strong instinct, ha?” I questioned. She just smirked at me. Kinuha ko ang baril at isinilid sa thigh holster, maingat ko itong sinuot sa hita. Tapos na ako sa paghahanda at naghihintay na lang ng oras.
“Nasabi sa akin ni Zin na gusto mo raw ang maghiganti.” Tinitigan ko si Shanon na ngayon ay prenti ang upo sa sofa ng kwarto ko. May hawak na siyang wine at panaka-naka itong iniinom. Mariin na titig lang ang ipinukol ko sa kanya. “Sinabi niya rin na tutol siya roon.”
“Alam ko.” Sa simula pa lang, parehong gusto at ayaw ni papa na umuwi ako ng bansa. Alam niya na sa oras na iyon, isa lang ang magiging pakay ko. Vindicta.
“Sang-ayon ako sa gusto mong mangyari ngunit tapat akong naninilbihan kay, Zin. Ang gusto ko lang naman sabihin ay itigil mo ang pinaplano.” I smirked at her.
“Pasensya ka na, ah? Wala kasi akong pinagsisilbihan kaya wala akong sinusunod.” Ngumisi ako sa kanya.
“Isa ka ngang Amora. Matapang. . .” Tumayo siya at nilapag ang wine sa malapit na mesa. She walked near me. Tahimik ko lang siyang tinitingnan habang inaayos ang suot ko. “Pero sana lang, hindi ka lang hanggang sa salita.”
HIndi nagtagal ay may dumating na lalaki upang sunduin kami. Aniya ay pinapatawag na raw ako.
Huminga ako nang malalim habang naglalakad sa malawak na pasilyo. Ito na ‘yon, Hartiana. Magsisimula na ang lahat.
“Maaari ka nang bumaba,” sabi sa ‘kin ng babaeng hula ko ay organizer ng event. Rinig na rinig ko ang masayang musika na pinapatugtog sa bulwagan dito sa mansion. Isang hakbang ang ginawa ko nang haklitin ni Shanon ang braso ko paharap sa kanya.
“Huwag mo akong bibiguin.” Sagit akong nagulat sa pahayag niya, nababasa ko ang galit, hinagpis, at puot sa kanyang mga mata.
“Good evening ladies and gentlemen! Hail to the Amora Mafia Princess!” Nagpalakpakan ang mga tao nang e-anunsyo ang pangalan ko. Binitiwan ako ni Shanon kaya nagpatuloy ako sa paghakbang.
Nasa itaas ako ng grand staircase at tanaw na tanaw ko silang lahat. Puti at itim lamang ang kulay ng kanilang mga kasuotan, lahat sila ay nakangiti at tinitingala ako.
Nakasisilaw ang ilaw ng mga naglalakihang chandeliers. Sa gilid ng bulwagan ay ang mga musikero bitbit ang iba’t ibang instrumento na mas lalong nagpasigla sa gabing ito. Sa dulo ng grand staircase ay naghihintay ang aking ama.
Ngumiti ako. Sinisigurado ko na simula sa araw na ito, mamumuhay ako hindi lang bilang ordinaryong babae.
Muli kong inilibot ang tingin sa dagat ng mga tao. Aksidenteng tumama ang mga mata ko sa pamilyar na paris ng mga mata. The guy with the deep set of eyes and furrowed brows. Imbes na tumingin sa iba, ipinako ko ang titig sa kanya.
His name is Ashiro Kier Lemuels. Twenty-four years old. Son of Karlo Lemuels, a famous businessman in the field of car manufacturing. His father is one of the biggest shareholders in the Amora Mafia. He is an associate and the so-called spy of our organization. My organization.
I smirked at him. Sigurado akong umatras ang yabang niya, sino siya para banggain ako? Lucky for him, gulong lang ng sasakyan niya ang binaril ko at hindi siya. Mabuti na rin iyon ang ginawa ko dahil malaki ang silbi niya sa organisasyon.