CHAPTER 8.2
My father extended his arm to me. I smiled, inabot ko rin ang braso upang maalalayan niya ako.
“You looked good Ian,” he whispered to me. Saglit pa akong natigilan sa tinawag niyang pangalan sa ‘kin. He never called me that way. Siguro ay talagang tanggap na niya na magiging parte na ako ng Amora Mafia. He is looking at me with adoration, I can almost see the glitter in his eyes.
As a father, I understand him. Sinubukan nilang itago sa ‘kin ang tunay na negosyo dahil alam nilang hindi ko iyon magugustuhan. Illegal is illegal, no question no validation. They know that I will be angry once I found out that I’m living while ruining others life. Sana nga ganun na lang ang nangyari.
But things changed when that fateful night happened. Imbes na magalit sa nalaman ay nawalan ako ng pake dahil sa sariling dinadamdam. I see the illegal as a power, even up to this day. Madaya sa ‘kin ang mundo kaya kailangan ko ring maging madaya. Siningil ako ng mahal kaya ganun din ang gagawin ko.
Siguro nga, ganito na isinulat ang tadhana ko. Ako ang kabayaran sa kasamaan ng organisasyon, ako ang kailangan na magdusa. At gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, wala na akong pake. Tanggap ko na ang kapalarang ito. Basta magawa ko lang ang paghihiganting gusto ko, makokontinto na ako sa buhay na binigay sa akin. Kahit habang buhay pa akong magdusa o kahit maagang mawala sa mundo. I’m a mafia princess, I have to live with the life given to me.
Everyone is clapping their hands. I smiled and shortly waved my hand. May nag-abot sa ‘kin ng wine glass kaya kinuha ko ‘yon. Habang naglalakad kami papuntang mini stage ay iba’t ibang bati ang mga natatanggap ko.
A someone handed the microphone to my father bago kami umakyat ng stage. “Good evening ladies and gentlemen,” paunang bati niya. Natahimik ang lahat, kita ko sa mga mata nila ang respito at galak para sa mga taong nakatayo sa entablado. “I’m happy to see all of us here, gathering for this very special day for me and for the Amora Mafia Organization.” Muli ay nagpalakpakan ang lahat. Saglit na tumigil si Zin bago nagpatuloy. “Three decades had passed but Amora Mafia is still paving its way to the top. I’m so pleased and truly grateful for all the effort you’ve exerted to make our organization stand tall above others. Let’s make a toast for that.” Itinaas niya ang kanyang wine glass, ganun din ang ginawa ko at ng lahat. “Cheers! Cheers for the thirty years and more!”
“Cheers!” everyone shouted. I sipped on my wine glass and my tongue immediately tasted its sweetness.
“And before I get overwhelmed, isang espesyal na anunsyo pa ang gagawin ko para sa gabing ito.” My father looked at me. “I am also pleased to announce the return of my daughter. Many things have happened over the past few years that's why I’m forced to send her abroad, but now she’s back. And she’s now ready to take part in our organization. Everyone, nasisiyahan akong ipakilala ang aking nag-iisang anak, Hartiana “Ian” Amora. Our only Mafia Princess.
Everyone clapped their hands for me. Ngumiti ako at paulit-ulit na tumango sa mga taong nakapalibot sa amin. My father unexpectedly handed me the microphone. Hindi ko inaasahan kaya nagulat ako. Inabot ko ang mikropono.
I smiled at him before facing the people. “Good evening everyone, I’m grateful for each and everyone who is here today and is part of Amora Mafia Organization’s success throughout the years.” Inilibot ko ang tingin sa paligid. Sagit na nagtama ang tingin namin ni Brian bago ako nagpatuloy. “My mother once told me na dati raw ay mas gusto ni Zin na magkaroon ng anak na lalaki kaysa babae.” Everyone laughed kaya natawa rin ako ng bahagya. Umiling lang sa ‘kin ang ama. “Well, he’s unlucky. Babae ako.” I smirked.
Tuluyan nang natawa ang ama sa ‘kin. Bumuntonghininga ako at sumeryuso. “Why am I saying this anyway? That is to tell you that I am not just a woman, that I am also capable of what others can do. Amora, my name. It means love and compassion. Sweet right? Those traits are close to mine but I am more than that. Cheers for my comeback!” I said as I raised my glass for a toast.
“I just want you to know that I am always at your side no matter what happens.” My father whispered to me. Hindi ko siya binalingan ngunit naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. I’m glad that he’s finally accepting what I want.
“I finally had the chance to meet you!” Maraming bumati sa ‘kin at nagpakilala. Ang hindi nila alam, kilala ko na sila bago pa man makalapit sa ‘kin. I just pretend to not know them and give them a bored expression every time they brag about what they have.
“It’s pleased to meet you, Mrs. Femiano.” I said to the first wife, sa likod niya ay ang dalawang kabit ng asawa.
“You’re so beautiful, hija.” Ngumiti lang ako, nakakapagod ngunit kailangan ko itong gawin. Natutuwa rin akong makita ang mga taong pinag-aaralan ko lang noon.
“Ms. Amora, please to meet you,” bati sa ‘kin ni Mr. Lemuels. Sa kaliwa niya ay si Mrs. Lemuels na nakangiti sa ‘kin.
“You can call me, Ian. I am more please to hear that.” Tumango sa ‘kin si Mr. Lemuels.
“Ian, a beautiful code name for you. I am Karlo Lemuels and this is my wife, Kiera.” Nakipag-kamay ako sa mag-asawa.
“It’s nice to meet the two of you. I’m hoping you both enjoy the party.”
“Yeah, surely.” Saglit lang kaming nag-usap at agad na akong nagpaalam. Sa dagat ng mga tao, nahanap ko ang pares ng mga malalamig na mata. He’s alone leaning at the stand table while holding a whiskey on his right hand. He’s wearing a white tuxedo and black pants with his disheveled hair. Inubos ko ang iniinom na wine at kumuha ulit ng isa sa dumaang waiter bago nagtungo sa kanya.
Pinaglalaruan niya lang ang inumin sa kamay at hindi iniinom. Maging ang ice na naroon ay natutunaw na.
“Not enjoying the party?” Lumapit ako at humilig din sa stand table. Kitang-kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Tss.” binalewala niya lang ang presensya ko. The music changed into a sweet melody, everyone stepped out on the dance floor. Mukhang magsisimula na ang sayawan. “Tss, I’m looking forward to the explosion later,” he said boredly.
I clearly heard it but I did not understand.
“What did you say?” Pakiramdam ko ay kumulo na naman ang dugo ko ng hindi niya ako sagutin.
“Ashiro Kier Lemuels,” banggit ko sa buong pangalan niya. “Now you know who I am,” mayabang kong ani. I sipped on my wine and watched the dance floor, may iba ng nagkayayaan na sumayaw roon.
“Mafia princess, ha!” Napatingin ako sa kanya nang sarkastiko niyang sabihin ‘yon. He’s like mocking me! My brows furrowed.
“Are you mocking me?” I asked angrily. Bumaling siya sa ‘kin at umayos ng tayo.
He smirked, “Are you expecting me to get afraid just because I know who you are now? Tss. I’m sorry to burst your bubble pero wala akong pake kahit sino ka pa.” Tuluyan nang nangunot ang noo ko. Humigpit ang hawak ko sa baso at kulang na lang ay mabasag ko ito. My jaw clenched, kung hindi ko mapipigilan ang sarili ay mababasag ko ang baso sa mukha niya.
“Hart.” Mabuti na lang at dumating si Brian. I kept my cool and faced him. Lumapit siya sa ‘min, saglit pa siyang tumingin kay Ashiro at nagtataka itong pinasadahan bago tumingin ulit sa ‘kin. “Kanina pa kita hinahanap.”
“I’m just talking to some guests while drinking. Bakit?”
“Ah, wala naman.” Tumingin siya sa dance floor kaya napatingin din ako roon. “May I?” aniya nang bumaling ulit sa ‘kin. Inabot niya ang kamay para makipag-sayaw.
Kahit ayaw ko ay tinanggap ko ang kamay niya. I admit, napahiya ako sa lalaking ‘yon at kailangan ko ng paraan para makaalis sa tabi niya. I can’t believe what just happened, it was far from what I’ve expected!
Brian put his hand on my waist while I put mine on his shoulder. The music and ambiance is sweet but I don’t have time to appreciate it. Ang isip ko ay abala pa rin sa pag-iisip kung paano ako pinahiya ng lalaking ‘yon sa napakaraming beses.
“Are you okay? You’re spacing,” he asked while we’re dancing. Umiling ako sa kanya.
“Nothing, may naisip lang ako.” Kita ko ang pagkuyom ng panga niya at pagpungay ng mata.
“Sino ‘yung kausap mo kanina?” tanong niya. Muntik na akong mapairap pinigilan ko lang ang sarili.
“Marami akong nakausap kanina, Brian. Don’t expect me na iisa-isahin ko silang sabihin sa ‘yo.” He sighed.
We continue dancing and I suddenly felt weird. Tiningnan ko ang paligid ngunit wala namang kakaiba. Everyone is celebrating and don’t seem bothered at all. Maging ang mga bantay sa paligid ay hindi gaanong abala. Nakita ko pa si Zin na nasa isang mesa at nakikipagtuwaan kasama sina Leron, Rome, at iba.
I trust my gut. Something is really strange, kagaya ng sinabi ni Shanon sa ‘kin kanina. Tahimik lang akong nagmamatyaga habang nakikipagsayaw kay Brian.
“So, no one can really stop you?” Brian asked. Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.
“Ilang beses ko ba dapat ulitin?”
He sighed, “I don’t have a choice but to support you then.”
“You always have your choice Brian. And I don’t need a man for support. I can do it on my own,” mariin kong sinabi.
“Anong plano mo?” tanong niya.
“Ang patayin sila,” deritso kong sinabi. Iyon naman talaga ang plano ko simula pa lang. Kapag nahanap ko sila, walang pag-aatubiling tatapusin ko ang mga buhay nila. Sisiguraduhin ko ring magiging miserable ang buhay ng mga taong nagmamahal sa kanila kagaya ng ginawa nila sa ‘kin.
“Handa ka talagang pumatay para lang doon?” seryoso niyang tanong. I gritted my teeth.
“Hindi lang ‘yon basta lang, Brian. Alam mo ang nawala sa ‘kin, kilala mo kung sino ang kinuha sa ‘kin.”
“Still, natanong mo ba kung matutuwa si, Tita Harriet sa gagawin mo?” Our conversation heated up. Binitiwan ko siya kaya tumigil kami sa pagsasayaw. Alam ko na saan patungo ang usapang ito.
“Pwede bang huwag ka na lang makialam, Brian? Masyado kang pakialamero.” Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya nang sabihin ko iyon.
Hindi naman ako tanga para hindi maisip ang tanong niya. My mother’s last words to me is to not do a revenge. Mahal ko siya pero hindi ko kayang sundin ang huli niyang habilin. Para na rin sa sarili ko.
“Nakikialam ako kasi may pake ako sa ‘yo, Hartiana,” he said.
Ang ibang nagsasayawan sa dance floor ay nakatingin na sa ‘min. Nasa gitna kami at halatang gumagawa ng eksena.
“Pwes, hindi ko kailangan ng pake mo dahil gaya ng sinabi ko, kaya kong—” Natigilan ako sa sasabihin nang bigla na lang mawalan ng ilaw. Sobrang dilim ng paligid at wala akong makitang kahit ano.
I felt Brian’s hand on my shoulder. Hinawakan niya ako.
“What’s happening?”
“Is there a problem?”
“Black out?”
Narinig ko ang iba’t ibang reklamo ng mga taong malapit sa ‘min. Masama ang kutob ko rito. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ngunit naalala kong iniwan ko nga pala iyon sa kwarto.
“Brian, your phone. Give me—” Naantala ang sasabihin ko nang bigla na lang yumanig dahil sa malakas na pagsabog.