CHAPTER 09
Saglit na nawala ang pandinig ko dahil sa lakas ng pagsabog. Nang makabawi ay agad akong tumayo at binunot ang baril sa holster. Kahit madilim ay inilibot ko ang paningin. May naaamoy akong nasusunog.
Everyone started to make noise, naramdaman ko rin ang pagtayo ni Brian sa tabi ko.
“Calm down everyone, calm down!” sigaw ng kung sino. Ilang segundo pa ay umilaw na ang mga emergency lights, hindi ko alam kung bakit delay ‘yon.
“Please don’t panic and follow the instructions where to go,” sabi ng isang nagsasalita gamit ang microphone. Ang iba ay natataranta na, may iba namang nanatiling kalmado. Nagkalat sa paligid ang mga bantay at soldiers na kanina lang ay nagkakatuwaan sa party. Kagaya ko ay may hawak na rin silang mga baril.
“Hartiana, let’s go. Hayaan mo na sila rito.” Binalingan ko si Brian at kinunotan ng noo. Halos sagasaan na ako ng mga taong dumadagsa para makalabas.
Sasagutin ko na sana si Brian nang mapabaling ako sa pintuan papasok ng kitchen. Nagsisimula ng matupok ng apoy ‘yon. Doon nangyari ang pambobomba.
Talagang ginagalit nila ako, ah? Sa dami ng araw na pwede silang sumugod ngayon pa talaga? Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ito.
Tatakbo na sana ako nang hawakan ni Brian ang braso ko. “Umalis na tayo Hart,” mariin niyang utos. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
“Bibitiw ka o bibitiw ka?” galit kong ani. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ako.
“Hartiana!” sigaw niya sa pangalan ko. I glared at him, marahas kong binawi ang braso at agad na tumakbo.
I immediately run to the kitchen’s exit. Hawak ng dalawang kamay ko ang baril na binigay ni Shanon. Dalawa lang ang daan papunta at palabas ng main kitchen. Kung nandito pa ang taong may pasimuno nito, sigurado akong sa exit siya lumabas para makatakbo papuntang pader malapit sa garden. Doon siya dadaan para makatakas.
Kahit na nagsisimula ng matupok ang buong kitchen, walang pagdadalawang isip akong lumapit para masuri ang exit. May mga tumatakbong kitchen personel pa akong nakasalubong.
I surveyed the area at wala ng ibang tao ang naroon, nakaalis na ang lahat. May pakiramdam ako kung anong klase ng bomba ang ginamit nila. Wala namang kahina-hinala sa exit. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang kakaibang bagay na nakatago sa bush malapit. Nang lapitan ko ito ay nakita ko ang nakatagong uniform ng kitchen’s personnel at ibang PPE’s. Nakasalampak ito roon at mukhang madaliang nilagay.
“Sinasabi ko na nga ba!” Binitiwan ko ang uniform at agad na nilibot ang tingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko nang may makitang naka-itim at tumatakbo papuntang garden. Tama ang hinala ko.
Kinasa ko ang baril at agad na tumakbo upang sundan siya. Habang tumatakbo ay sinubukan kong magpaputok, ilang metro lang ang layo ko sa kanya. Nakasuot siya ng bonet kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Sa hubog ng katawan niya, alam kong babae siya.
Ngayon ko lang pinagsisihan kung bakit nagsuot ako ng mataas na boots. Sobrang bilis niyang tumakbo. Nananakit na ang mga paa ko ngunit hindi ko naisip na sumuko. Muli akong nagpaputok ngunit hindi man lang siya natamaan.
“Dang!” singhal ko nang ako naman ang paputokan niya. Yumuko ako at agad na nagtago sa malapit na puno. Ilang sandali ay sumilip ako, napatalon pa ako sa gulat nang magpaputok ulit siya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at agad akong nakatago muli. Muntik na ako roon.
Huminga ako nang malalim bago itinaas ang braso at sunod-sunod na nagpaputok. Lumabas ako sa pinagtataguan at walang tigil na pinagbabaril ang puno kung saan siya nakatago habang paisa-isan humahakbang.
Hawak ko ang hininga habang ginagawa ‘yon. Desidido na akong patayin ang tao sa likod ng puno na ‘yan.
Itinigil ko ang pagpapaputok nang malapit na ako sa kanya. “Get out,” I said.
Lumabas siya at agad na itinutok ang baril sa ‘kin. She’s five feet tall and petite. Her black v-neck shirt and black jeans are hugging her body tightly.
I stared at her eyes and saw the smile on it. My jaw clenched, humigpit din ang hawak ko sa dalang baril.
“Sino ka?”
“At sino naman ang tanga na sasabihin ang pangalan sa ‘yo?” Sa isip ay binibilang ko na kung ilang beses akong nagpaputok gamit ang baril. Wala na akong bala.
“Put your gun down.” Nanatili akong kalmado. Sa aming dalawa, ako ang mas dehado ngayon kaya kailangan kong mag-isip ng paraan. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang higpitan ng babae ang kanyang hawak sa baril.
“Sana alam mong hindi ka nakikipag-usap sa bata ngayon.” Puno ng pangungutya ang kanyang tono.
“Pwes, kung ayaw mong ibaba ang baril mo. Ako na mismo ang magbababa.” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay mabilis kong inagaw ang baril sa kanya.
She’s fast, inalayo niya sa ‘kin ‘yon pero agad ko ring nahabol. “Dang!” she groaned habang pilit kong inaagaw ang baril sa kanya.
Sinusubukan niya akong itulak ngunit hindi niya magawa dahil sa pwersang binibigay ko. Kinuyom ko ang panga, sa isip ng babaeng ‘to ay sigurado akong minumura na niya ako.
I stepped on her foot and she immediately groaned. Ngunit hindi naging sapat ‘yon upang mawalan siya ng pwersa sa pakikipag-agawan sa ‘kin. She tried to headbutt me ngunit mabilis akong naka-iwas. Ginamit ko ang pagkakataon na ‘yon upang masiko siya sa mukha.
“Shookt,” aniya. Natamaan siya at agad na natumba. Pareho naming nabitawan ang baril dahil sa nangyari. Napatingin ako roon at ilang metro lang ang layo nito. She followed my gaze, and before I could dig to get the gun. Mabilis niya itong sinipa palayo. “‘Yan lang ba ang kayang gawin ng isang Amora Mafia Princess?” She laughed, obviously she’s mocking me and my title.
“Huwag mo akong hahamonin.” Pahesterya lang siyang tumawa sa sinabi ko. I raised my both hands to prepare for a fight.
Nang sumugod ako ay agad kong inangat ang benti upang masipa siya. Paulit-ulit ko ‘yong ginawa, puros iwas at atras naman siya bilang depensa.
Nang mapagod kakahabol sa pag-atras niya ay pinalipad ko ang palad. Mabilis niyang nasalo ang suntok ko, sinubukan kong bawiin ang kamay ngunit mahigpit niya itong hinawakan. Hinila niya ako sa braso at agad na tinuhod sa sikmura.
“Dang!” Napaluhod ako sa dahil sa sakit na tinamo.
“Hindi ka pa bagay maging prinsesa, palitan kaya kita?” aniya habang umiikot sa ‘kin.
“Shut up!” Mabilis akong tumayo at sunod-sunod na nagpalipad ng suntok. Isang beses siyang tinamaan ngunit parang wala lang ito sa kanya.
Muli niyang hinawakan ang braso ko at agad na inikot sa ‘king likuran. Mabilis at kalkulado ang mga galaw niya at halatang bihasa na siya sa pakikipaglaban.
Napasigaw ako nang pigain niya ang braso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang hawak niyang baril na ngayon ay tinututok niya sa ‘kin. Nasa likuran ko siya at hawak ng isang kamay niya ang dalawa kong braso.
“Gusto sana kitang patayin—”
“Edi gawin mo!” matapang kong hamon. Kumuyom ang panga ko sa galit na nararamdaman. Pamilyar sa ‘kin ang boses niya, sobrang pamilyar.
“Na!” Umiling siya sa ‘kin. Pilit ko siyang tinitingnan sa likuran ko, kahit natatabonan ang kanyang mukha ay kita ko ang pagngisi niya. “Too early for that, sayang naman ang nag-iisang may hawak ng title na ‘yan sa Amora.”
“Ang dami mong daldal.”
“Kahit dehado ang ingay mo pa rin, eh no?” Napaluhod ako ng sipain niya ang likuran ng tuhod ko.
“May bunganga bakit?” pamimilosopo ko. I sounded like a kid ngunit gusto ko ang ginagawa.
“Tss!” Binitiwan niya ang kamay ko. Hindi ako gumalaw dahil nakatutok ang bunganga ng baril sa ulo ko. Isang maling kilos, hindi malayong mabasag ang bungo ko.
“Stay put, Darling,” nanunuyang bulong niya sa ‘kin. Umatras siya ngunit nanatling naka-angat ang braso upang tutukan ako ng baril.
May kinuha siya sa bulsa at agad na hinagis malapit sa ‘kin. Nakita ko ang pag -ngiti niya bago siya nawala sa makapal na usok. Mabilis itong kumalat sa paligid at halos wala akong makita. Nang makabawi ay agad kong kinuha ang baril na kanina ay pinag-aagawan namin. Mabilis akong tumakbo para habolin siya.
Naabutan ko siya sa taas ng pader. Lumingon pa siya sa ‘kin ng isang beses bago tumalon.
“Dang you, Hartiana! Walang kwenta!” frustrated kong ani nang tuluyan na siyang makatakas.
Sigurado akong wala siyang balak na patayin ang kung sino sa loob. Kung may balak siya, sa venue sana niya pinasabog ang bomba. Nandito lang siya para magmanman.
Ang babaeng ‘yon, malakas siya at talagang bihasa sa pakikipaglaban. Kinaya niya akong paglaruan kanina at mukhang tuwang-tuwa siya. Hindi na ako papayag na maulit pa ang ganoong pagkakataon.
Pamilyar siya sa ‘kin at may pakiramdam akong nakita ko na siya dati. Sana lang ay mali ang naiisip ko. Hindi ko ikatutuwa kung siya nga ang taong ‘yon.
Napahawak ako sa sikmura nang maramdaman ang kirot doon. Saglit ko ‘yung ininda bago tinahak ang daan pabalik. Bitbit ko pa rin ang baril na hindi ko pagmamay-ari.
Nalagpasan ko na ang sementong bench kaharap ng maliit na fountain malapit sa garden nang mapatigil ako. May narinig akong kaluskos.
Humigpit ang hawak ko sa dalang baril at in-alerto ang sarili. Hinawakan ko ito gamit ang aking dalawang kamay bago dahan-dahang humarap.
Napakunot ang noo ko nang makitang may nakahilig na paa sa bench. Hindi ito gumagalaw na tila ba isang patay. Dahan-dahan akong lumapit.
Maingat ang bawat hakbang ko, sinisigurado kong hindi ko matatapakan ang mga malulutong na dahon na gagawa ng ingay.
“Sinong nand’yan?” tanong ko. Malapad ang batong sandalan ng bench kaya hindi ko makita kung sino ang nakahiga. Sigurado akong lalaki iyon base sa suot na sapatos.
Lumapit ako at agad na tinutukan ng baril ang lalaki. Noong una ay aakalain mong patay ito dahil sa postura, ang parehong kamay ay nakapahinga sa kanyang tiyan at payapa ang pagpikit ng mata. Nasigurado ko lang na buhay siya dahil sa pagtaas-baba ng kanyang tiyan at. . . paghilik.
“Sino ka?” sigaw ko ulit para magising siya. Walang epekto kaya marahas kong sinipa ang tuhod niya.
“Sharmaine!” singhal niya sabay bangon. Nagpalinga-linga siya sa paligid sabay kusot ng mata. Naaamoy ko ang alak sa kanya kaya nakasisiguro akong wala siyang muwang sa mga nangyayari.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” sabi ko. Ang baril ay nakatutok pa rin sa kanya.
Tumingin siya sa ‘kin gamit ang inaantok niyang mga mata. “Babe?” sambit niya sabay ngisi.