CHAPTER 9.2

1816 Words
CHAPTER 9.2 Itinutok ko ang baril sa kanyang ulo. Sira na ang gabi ko kaya huwag sanang dagdagan ng baliw na ‘to. “Hey, you have a gun!” He pointed his index to what I’m holding, niyakap niya ang sarili pagkatapos na para bang natatakot. Inaantok ang mga mata niya, lasing ang isang ito. “Sino ka?” Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak na baril. Ngumisi siya nang makita ang ginawa ko, tinaasan niya ako ng kilay. “Curious ka? Bakit, type mo ‘ko?” I scoffed, kapal din naman ng apog nito, ah! “Oo, type kitang barilin ngayon.” “Tss, I’m Liam.” Muntik pa siyang mabuwal sa kinauupuan nang inabot niya ang kamay sa ‘kin. “Mayaman ako kaya hindi ka lugi.” Tumaas ang kilay ko. Liam Femiano? Isa sa napakaraming apo ni Don Romaulo. Walang kwentang associates. . . ang pangit niya pala sa personal. “Tss.” Umirap ako at agad siyang tinalikuran. Walang nasawi sa nangyaring pagsabog. Konti lang ang sugatan at hindi naman masyadong kritikal. Tama ako sa isiping pag-espya ang pakay ng babaeng ‘yon. Buong gabi kong pinag-isipan ang nangyari sa party. Kulang sa seguridad ang Amora Mafia, masyadong kampante ang lahat ng mga tauhan kaya madaling nakakapasok ang mga espya. Hindi na ako nagulat ng kinabukasan din ay nagpatawag ng meeting ang organisasyon. Pagdating ko sa conference room ay nandoon na si Shanon at ang ibang capo. Exclusive ang meeting na ito kaya hula ko ay hindi lalampas sa bente ang a-attend. Umupo ako sa tabi ni Shanon. Kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko. Tumigil pa ito sa labi kong pumutok. “Anong nangyari sa ‘yo?” kunot-noong tanong niya. I crossed my arms and legs, humilig ako sa swivel chair at seryosong tinitigan ang kulay puting screen na nasa harapan. Wala pa si Zin kaya hindi pa nagsisimula ang meeting. “Nakaharap ko ang nagpasabog kagabi,” walang gana kong ani. Hindi ko pa rin matanggap ang pagkatalo. “Ano?” naguguluhan niyang tanong. Hindi na ako nagsalita pa, nakakapagod ulitin ang mga bagay. Lahat kami ay napatayo nang pumasok si Zin. Sa likod niya ay si Leron na nakangiti na agad sa ‘kin. Kasama niya rin si Rome, isa pang capo at si. . . Ashiro Lemuels. Anong ginagawa ng isang mababang associates rito? “Have a seat everyone,” seryosong ani Zin. Halata sa boses niya na hindi siya natutuwa sa nangyari. Ito ang unang pormal na meeting ko kasama ang ibang nagtataasang nasa posisyon. I paid attention and silently observed everyone. “This is about what happened last night,” Zin immediately dropped the ball. Samo’t sari ang naging konklusyon ng lahat. Isa lang ang malinaw, kalaban ang may gawa. Habang nag-uusap ang mga matatanda ay tahimik kong pinasadahan ng tingin si Ashiro. Nakakunot lang ang noo niya at tila ba inaantok. “Sigurado akong pakana na naman ito ng mga, Yakuza.” “We can’t just point a finger to someone, kailangan natin ng matibay na ebidensya.” “I agree.” “Sigurado akong nasa, Yakuza, Furtori, o El Gramoso lang ang kalaban natin. Matindi na talaga ang kompetensya sa merkado. I can’t believe they would do this. Ni hindi na nga tayo nakikialam sa mga ginagawa nila. Nananahimik ang organisasyon at mukhang gusto talaga nila ng digmaan.” Napasimangot ako sa matabang capo. Ang dami niyang sinasabi wala namang solusyon. Muli akong napatingin kay Ashiro. Nakapikit na ang mata niya at konti na lang ay babagsak na ang ulo sa lamesa. “I guess we have to listen to, Ian. Ang sabi niya ay nakaharap niya ang may pakana ng pagsabog.” Bumaling ako sa harap nang marinig ang pangalan. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa ni Zin. Kita ko ang pagkuyom ng panga niya, dahan-dahan din syang bumuntonghininga. “I fought with her ngunit hindi ko nakita ang mukha niya. Nakatakas din siya.” Yumuko ako sa huling sinabi. “Do you mean, babae ang may pakana ng pagsabog?” Tumango ako sa tanong niya. “Nagpanggap siya bilang isang kitchen personnel, doon niya rin pinasabog ang bomba sa kusina. Sa nangyari kagabi, sigurado akong ang magmaman lang ang pakay ng taong ‘yon. They do not intend to kill someone, walang namatay at hindi gaanong malaki ang naging pinsala.” Tumango-tango sa ‘kin ang lahat. “Sino naman kaya ang may pakana nito?” tanong ng isa. Humalukipkip ako at binalingan ng tingin si Ashiro Lemuels, gising na siya at nakatingin na sa ‘kin. Ang walang hiya, tinulogan ang pagpupulong. “Bakit hindi ninyo tanongin ang lalaking ‘to?” Tinuro ko si Ashiro. “Mukhang may alam siya.” Lahat ay napabaling sa kanya. He glared at me kaya tinaasan ko siya ng kilay. Naalala kong may binanggit siya sa ‘kin tungkol sa explosion bago pa man naganap ang pagsabog kagabi. Ibig sabihin ay alam niyang mangyayayari ‘yon. Bumaling siya kay Zin kaya kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya. “Nalaman kong may magaganap na pagsabog kagabi dahil sa isa kong source, malabo kaya hindi ko na siniwalat.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.” “Parehong tahimik ang El Gramoso at Furtori.” Namamalat ang boses niya at mukhang galing lang sa pagpupuyat. “Wala pa akong access sa loob kaya hindi ko alam ang bawat galaw nila. Mahigpit ang seguridad ng dalawa at matindi ang kailangan pagdaanan para maging opisyal sa loob. Tahimik din ang Yakuza at abala sa sariling negosyo. Mas lumalawak ang distribusyon nila ng dr*ga kaya doon sila abala. I’m sure it’s not the Yakuza’s. Hindi rin natin maaaring pagbintangan ang dalawa dahil gaya ng sinabi ninyo, wala tayong matibay na ebidensya. Ngunit possibleng nasa dalawang organisasyon na ‘yon ang may pakana ng pagsabog. Sila lang naman yata ang malakas ang loob na pagbantaan tayo.” “You can’t say that,” bulong ko. Ako lang ang nakarinig kaya walang pumansin sa ‘kin. Ang nabanggit na mga organisasyon ay parehong naglalakihan. Kapantay nila ang estado ng organisasyon namin kaya matindi ang kompetensya. Yakuza, El Gramoso, Furtori. Sino sa inyong tatlo? Sa mga tao rito, wala man lang ang nakapagtanong kung bakit hindi niya sinabi na hindi lingid sa kanyang kaalaman ang naganap na pagsabog kagabi. Nakakapagtaka iyon. Kahit pa maliit na impormasyon, kailangan niyang ipaalam dahil ‘yon ang trabaho niya. We moved on to our next topic. Nag-iisip na sila ng maaaring solusyon upang hindi maulit ang nangyari kagabi. Hindi na ako nakinig, I’m busy spacing out thinking what I’m going to do the next time it will happen. “We need to tighten our security. I guess that’s the solution we can do for now. Ayon sa imbestigasyon, parehong bomba lang ang ginamit kagabi sa bombang pinasabog sa opening ng hotel sa Aklan. Ibig sabihin, iisang organisasyon lang talaga ang gustong humamon sa ‘tin.” “May naiisip na kaming plano ni Leron ngunit pinag-aaralan pa namin kung iyon ba talaga ang tamang gawin.” Tumingin sa ‘kin si Zin. Tila ba may gusto siyang ipahiwatig sa tingin niya. “Hindi na talaga ako mapapanatag kung mauulit pa ito.” Umiling si Shanon. Sino ba ang organisasyon na ‘to? Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nila nilalantad ang katauhan. Nang matapos ang meeting ay agad na akong dumiretso sa kwarto upang magpahinga. Hindi naging maayos ang tulog ko kagabi kaya inaantok na rin ako. “Hartiana. . . ha! Tulungan mo ‘ko. Tulong! Hartiana tulungan mo ang Mama.” Nagising na naman ako sa isang masamang panaginip. Tagaktak ang pawis ko at mabilis ang paggalaw ng aking dibdib. Napapikit ako nang mariin, pinunasan ko ang noo gamit ang likod ng palad bago napasabunot sa ulo. Kakatulog ko pa lang pero pakiramdam ko ay nanggaling ako sa malayong pagtakbo. Tumayo ako at dumeritso sa medicine box, uminom ako ng gamot para pakalmahin ang sarili. Ilang sandali pa akong natulala bago nagdesisyong maligo. Nagpalit ako ng komportableng damit dahil bigla kong naisipang mag-jogging. Hapon na at hindi na mainit ang sikat ng araw. I wore my grey leggings and black sando. Nagdala lang ako ng isang pamunas bago ni-lock ang kwarto. Pababa na ako ng hagdanan nang mapansin kong may tao sa balkonahe. Natigilan ako, imbes na bumaba ay naglakad ako papunta roon. He was there, staring at nowhere while his arms are resting on the banister. Hindi ko alam ngunit naisipan kong tabihan siya, may gusto akong itanong. “Bakit hindi mo pinaalam ang magaganap na pagsabog kagabi?” tanong ko. Saglit niya lang akong binalingan ng tingin. “To see your reaction? To see what you’re going to do.” Kinunotan ko ng noo si Ashiro. Masyado siyang misteryuso at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi ka ba nakakaintindi ng English?” pamimilosopo niya. He sighed and face me. “I’m not here to joke with you,” seryoso kong sabi. He smirked and laugh mockingly. “I’m just bothered, babae ang tagapagmana ng Amora Mafia Organization. In ten years or so. . . mapapa sa kamay niya ang pamamahala. Gusto kong malaman kung ano ang kayang gawin ng isang hamak na babaeng kagaya mo.” I closed my fist. Isa sa mga pinaka-ayaw ko ay ang hinahamak ang pagkatao ko. “Wala ka sa posisyon para hamonin ako. Baka nakakalimutan mong isa ka lang hamak na associates?” Mas lalong humigpit ang pagkuyom ng kamao ko. Kung hindi ko mapipigilan ang sarili ay masusuntok ko siya. He laughed, “Bakit? Ano ka ba? If not because of your father, associate ka lang din ngayon. Or can you even consider yourself as that? Don’t blame me if I don’t trust you, woman. I’m working hard as an associate, hindi ako papayag na isang hamak na babae lang ang pagsisilbihan ko sa hinaharap. Lalo na ‘yung nagtago ng limang taon sa ibang bansa.” Hindi ko na napigilan ang galit, kwenilyuhan ko siya at tinulak sa banister ng balkonahe. “Wala kang alam.” Nagtagis ang bagang ko. “Wala kang alam para magsalita. How dare you degrade me as a woman? You don’t know my capabilities. Hindi mo ‘ko kilala.” Pakiramdam ko ay sasabog na ako dahil sa galit. “Hindi pa ba?” Tinaas niya ang kilay sa ‘kin. Hinawakan niya ang kamay ko at agad na inalis sa kwelyo niyang nagusot. “I have no time for your easy words. Excuse me Miss,” aniya bago naglakad paalis. How dare him! Wala siyang karapatan na kwestyonin ang pagkatao ko. Sino ba siya sa tingin niya? Papatunayan ko ang sarili ko sa kanila. Maghintay lang kayo at sisiguraduhin kong hindi lang ako magaling sa salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD