CHAPTER 10

1951 Words
CHAPTER 10 Inubos ko ang oras sa boxing ring imbes na mag-jogging. Doon ko binuhos ang galit sa pangmamaliit sa akin ng lalaking ‘yon. Sobrang yabang niya dahil may nagagawa siya sa organisasyon. Akala mo kung sino. Nang mapagod kasusuntok sa punching bag ay umupo muna ako. Tinanggal ko ang suot na gloves bago pinunasan ang pawisang noo. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina. Kontinto na ako sa nagawa kaya nagpasya na akong bumalik. Saglit pa akong naligo bago inabala ang cellphone na kanina pa tumutunog. Naka-ilang missed calls sa ‘kin si Brian. May mga messages din mula sa kanya at kay Donna. Isang beses ko lang silang ni-replyan bago binato ang cellphone sa bedside table. Gusto ko na lang matulog. MABUTI naman at madaling naayos ang motor ko. Maraming pinalitan na parte at muling pininturahan ngunit hindi naman nagbago ang itsura. Sa harap nito ay nakatatak na ang pulang sticker na sumisimbolo sa Amora Mafia Organization. Nakalagay doon ang kulay pulang bulaklak ng anemone, it symbolizes death and forsaken love. Maaga pa kaya tahimik ang campus nang dumating ako. Dumiritso ako sa unang klase at pumwesto sa upuan malapit sa bintana. Mas komportable ako dahil maaliwalas. Humalukipkip lang ako habang nakatingin sa labas, mula sa kinauupun ko ay tanaw na tanaw ang malawak na soccer field. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Alam kong siya ‘yon dahil pamilyar na sa ‘kin ang kanyang pabango. Hindi ako bumaling sa kanya. Buong klase ay ‘yon ang ginawa ko hanggang sa matapos. “Hart!” Nagulat ako nang salubungin ako ni Donna paglabas. Nakasuot siya ng floral dress habang may bitbit na mga libro sa bisig. “Dito pala ang unang klase niyo,” aniya nang makalapit. Sumilip pa siya sa classroom namin na akala mo ay may makikita siya roon. Saglit na nagtama ang paningin naming dalawa ni Ashiro nang lumabas siya. Napatingin din siya kay Donna bago umalis. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “Ah, may hinabol akong portfolio sa isang professor, nandito kasi ang klase niya. Na-late ako ng pasa, naubos kasi budget ko.” Ngumiti siya at nagkamot ng ulo. “I can lend you money, Donna.” Sabay kaming naglakad sa hallway. “Yamanin!” Pabiro niyang tinapik ang braso ko. “Okay na, nakuha ko na ‘yung monthly allowance ko kaya may budget na ulit ako.” “If you need anything, don’t hesitate to call me,” I said to her. “We? Hindi mo nga sinasagot mga text messages ko.” Tahimik akong na-guilty dahil sa sinabi niya. “I’m just busy.” Ang totoo ay gusto kong e-distansya ang sarili ko sa kanya. . . sa kanila. It’s vague but I want to draw an imaginary line between my relationship to others and myself. I felt like I need to do that. “Ayos lang, naiintindihan ko naman. But of course! I’ll count on what you just said. Actually, may kailangan ako ngayon, eh.” Tumigil ako sa paglalakad at seryoso siyang tiningnan. “Ano ‘yon?” “Oras,” she answered and smiled at me genuinely. Miss ko na ang bestfriend ko, kaya kung may time ka sa weekend labas tayo. Kagaya ng ginagawa natin dati?” “Busy ako, Donna,” agad kong tanggi. Nagpatuloy ako sa paglalakad, ganun din ang pagsunod niya sa ‘kin. “Okay lang, may next weekend pa naman, o ‘di kaya next next weekend, o pwede ring next month. Text mo lang ako kailan ka free.” Tumango ako sa kanya. “Mauna na ako, nandito ang sunod kong klase.” “Bye!” She waved her hand to me. Nang sumunod na mga araw ay ganun pa rin ang nangyari. Sa gabi ay nagtatrabaho ako sa organisasyon, nasa data gathering ako kaya madali lang. Tuwing nakakasingit ng oras ay nage-ensayo ako ng martial arts. “Kumain ka naman nang marami, pumapayat ka na, oh.” Halos mapuno na ang tray ko sa dami ng pagkain na nilagay ni Donna. Nahuli nila ako sa cafeteria ni Brian kaya nagsabay na kaming tatlo. “Huwag mong ibigay sa ‘kin lahat ng pagkain mo. Mas kailangan mo ‘yan,” sita ko sa kanya. “It’s fine, mabubusog naman ako sa ganito, eh.” “Donna is right, kailangan mong kumain nang marami,” segunda naman ni Brian. Ang dalawang ‘to. “Balita ko ay nagtatrabaho ka na raw sa Amora?” Brian asked casually. Kung makatanong siya ay akala mo hindi illegal ang usapan, nandito pa naman si Donna! I sighed. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin, wala lang naman sa kanya iyon. “Nagtatrabaho? Saan? Sa hotel niyo ba?” inosenting tanong ni Donna. Tumango lang ako sa kanya. “Anong trabaho mo roon?” “I’m just working with the files, hindi na ako pumupunta ng hotel.” “So you’re working from home?” Sinamaan ko ulit ng tingin si Brian. “Yeah,” tipid kong ani. Marami pang tinanong si Donna tungkol sa negosyo. Sinasagot ko naman ito ng kalahating katotohanan at kalahating kasinungalingan. Watching Donna right now makes me think of her reaction once she finds out that her two best friends are involved in an illegal organization. Sigurado akong lalayo at kakamuhian niya kaming dalawa ni Brian. The lunch was short kay saglit lamang iyon. Hindi rin ako komportable sa mga tanong nila kaya midali kong tapusin ang pagkain. “How are you?” tanong ni Brian. Magkasama kaming naglalakad pabalik ng building, aniya ay madadaanan niya raw ang classroom namin. Si Donna naman ay nauna na sa ‘min. “Hindi na kita nakausap pagkatapos ng party. You don’t even reply to my text messages.” “I’m busy, Brian. Isa pa, ayos lang ako. You don’t have to worry.” Humalukipkip ako at nagpatuloy sa paglalakad. “You can’t just say to me to stop worrying on you. Hindi na kita kilala kaya mas lalo akong nag-aalala.” I just smirked at him. “Nasa mansion lang naman ako buong weekend. It’s safe there.” “Mas delikado nga sa mansion ninyo, eh.” “Sometimes, the most dangerous place is the safest.” He just sighed. Alam kong sa isip niya ay sinasabi na ni Brian na wala siyang magagawa sa mga baluktot kong paniniwala. Nang matapos ang klase ay dumeritso na ako sa parking lot. I wore my helmet before riding my MV Agusta. Balak kong maglibot-libot muna bago umuwi sa mansion. Hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo ko pero sapat para mag-enjoy ako. Hindi naman traffic sa kalyeng dinaanan ko pero kailangan mag-ingat dahil marami ang dumadaang tao sa gilid. Isang oras na siguro akong nagpapatakbo nang mapansin kong may sumusunod sa akin. I looked through my side mirror and saw the unfamiliar white SUV. Lumiko ako sa makipot na kanto upang ikompirma kung sinusundan nga nila ako. Nang lumiko rin ang SUV ay napapikit na lang ako nang mariin. Nasa loob ng U box ang baril ko, at kung titigil ako sa pagmamaneho. Maabutan nila ako. “Sino na naman ba ‘to?” Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Lumiko ako sa isang makipot na kanto at tumagos sa malawak na kalsada. Hindi ko alam saan ako pupunta dahil hindi ko saulo ang lugar. Kulang na lang ay lumipad ang motor ko sa bilis kong magpatakbo. Naningkit ang mata ko nang makita ang tatlong itim na SUV na naka-park sa gitna ng kalsada. Death end. Tiningnan ko ang likuran at nakitang nakasunod na sa ‘kin ang puting SUV kanina, may kasama pa itong mga naka-motor. Habang palapit ako sa tatlong SUV, kita ko ang mga tauhan na nasa labas at may mga dalang baril. Nakatutok na ito sa ‘kin. May barriers ang gilid ng kalsada kaya wala akong kawala. Ilang metro ang layo ko sa SUV nang tumigil ako. Matapang akong bumaba ng motor upang harapin sila. Hindi ko nga lang maiwasang kabahan sa dami ng mga kalaban. Walang tabon ang kanilang mga mukha kaya kitang-kita ko ang mga lalaking nakapalibot sa ‘kin. Lahat sila ay tinututukan na ako ng baril. Maging ang mga tao sa loob ng SUV na sumusunod sa ‘kin ay bumaba na rin. This is a dang set-up! Ang talino naman yata nila. “Anong kailangan niyo?” sigaw ko dahil sa malayong distansya namin. “Hindi ba obvious? Ikaw!” sagot ng lalaking nakasuot ng itim na jacket. Tahimik ko silang pinasadahan ng tingin. Hula ko ay nasa twenty sila, lahat ay mga lalaki at may dalang mga baril. Kung makikipagbarilan ako sa kanila, ubos ang bala ko butas pa bungo ko. Hindi rin pwede ang physical fight. Masyado silang marami. Napatingin ako sa SUV nila at nakita ang pamilyar na kulay itim na sticker. Deliero? Gaya namin, illegal na pagbebenta ng baril ang negosyo nila. Maliit lang ang organisasyon ng Deliero at hindi pa nakakapantay sa Amora. Parang nakaraang taon lang nang halos bumagsak ang organisasyon nila. Anong kailangan ng mga ‘to sa ‘kin? May lumapit na matabang lalaki sa ‘kin kaya hinanda ko ang sarili. Binaba niya ang baril at mukhang hahamonin ako sa pisikalan. Kung ganitong paisa-isa sila, siguradong kaya ko. Huwag lang silang magsasabay. Hindi pa nakakalapit ang lalaki ay nilapitan ko na siya. Inangat ko ang paa at sinalubong siya ng sipa, nasalo niya ang paa ko kaya inikot ko ‘yon para mabitiwan niya. Nang lumuwag ang hawak niya sa paa ko, walang pagdadalawang isip na sinipa ko ang kaniya. Napahawak siya roon at agad na napaluhod. Sumunod na lumapit ang dalawang payat na lalaki. Hinintay ko silang makalapit bago sinalubong ng suntok ang isa, agad siyang natumba sa lupa. Nagpalipad ng suntok ang isa niyang kasama ngunit agad akong nakaiwas. Nang umangat ay sinalubong ko siya ng suntok sa panga. Muling bumangon ang isa at hinawakan ako sa braso. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa braso ko at mabilis na inikot. Hindi na ako nag-aksaya ng segundo, agad kong binali ang braso niya. Napasigaw na lang siya habang gumagapang sa sahig. “Walang kwenta.” Umirap ako at pinasadahan ng kamay ang buhok kong nagulo. “Tama na ‘yan, kunin niyo na at baka makawala pa,” sabi ng lalaking nag-uutos sa kanila. Napailing ako nang sabay-sabay na silang lumapit lahat sa ‘kin. “Oh, dang!” Napahilot ako sa sentido. Ano na naman ‘tong pinasok mo Ian. Ang pinakaunang lumapit ay sinalubong ko ng sapak. Sasapakin ko pa sana ang isa kaya lang ay may humawak na sa kamay ko. Gagamitin ko pa sana ang isang libreng kamay nag may humawak din doon. Pinilit kong magpumiglas ngunit apat na silang may hawak sa ‘kin. I tried to kick my both feet ngunit hindi sapat ‘yon para makatakas ako. “Patulogin niyo ‘yan!” “You all will suffer!” sigaw ko habang nagpupumiglas. May isang nagtakip ng panyo sa ilong at bunganga ko. Masakit sa ilong ang amoy na ‘yon, bigla akong nahilo ngunit nakaya ko pang kagatin ang kamay niya. “Ah!” sigaw ng lalaki. Nabitawan niya ang hawak na panyo. Napailing ako dahil nararamdaman ko ang hilo sa aking sestima. “Wala kang kwenta!” sabi ng isang lalaki. Binatukan niya pa ang lalaking kinagat ko. Pinilig ko ang ulo nang subukan niya ulit takpan ang ilong ko. I groaned when he pulled my hair para hindi ako makagalaw. Tuluyan na akong nawalan ng lakas dahil sa hilo. Mabilis niyang natakpan ang ilong ko kaya tuluyan ko ng naipkit ang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD