CHAPTER 10.1
“Argh!” I groaned. Dahan-dahan kong minulat ang mata, unang bumungad sa ‘kin ay ang sapatos kong nakatapak sa maalikabok na semento. Nang e-angat ko ang ulo ay muli akong napangiwi dahil sa kirot na naramdaman sa ‘king leeg. Bumabagsak pa ang talukap ng mata ko kaya ilang beses akong napakurap-kurap. Saka ko lang napagtanto ang nangyari sa ‘kin kanina.
Agad kong nilibot ang paningin sa paligid. Madilim ang lugar at tanging patay sinding ilaw, at buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. Walang ibang tao bukod sa ‘kin. Base sa nakikita ko, nasa mataas akong parte ng abandonadong gusali.
Malalim akong napabuntonghininga nang maalala ang nangyari kanina. Sinubukan kong gumalaw ngunit parehong nakatali ang kamay, paa, at bewang ko sa kinauupuang kahoy na bangko. Sinubukan kong kapain ang tali sa likod ngunit sobrang higpit kaya muli na naman akong napangiwi.
Agad akong napabaling sa pinto nang may pumasok na dalawang armadong lalaki. Walang takip ang mga mukha nila kaya kita ko ang mga lapastangan nilang pagmumukha. Ngumisi ang isa nang makita niyang gising na ako. Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kanila.
“Gising na ang mahal na prinsesa!” Ang lalaking may makapal na bigote ang nagsalita. Tumawa siya bago inutosan ang kasama na tawagin ang boss nila.
Umirap ako. Tahimik kong nilibot ng tingin ang paligid, naghahanap ng maaring solusyon kahit na halatang wala.
“Maganda ka ‘pag tulog, lalo na ngayong gising ka. Napakaamo ng mukha mo.” Pinilig ko ang ulo ng pinadapo niya ang maduming palad sa pisngi ko. Nakakadiri ang ngisi niya. Bukod sa naninilaw niyang ngipin, mukhang siyang maniac.
“Alam mo kung ano ang maganda?” I coldly uttered. “Ang umalis ka sa harap ko.”
Nakakainsulto niya lang akong tinawanan. “Bihag ka na nga, matapang pa rin. Isa ka talagang Amora.”
Ako naman ngayon ang ngumisi, “Tama ka, isa akong Amora. Kaya sisiguraduhin kong magsisisi kayo sa oras na makawala ako rito.”
Magsasalita pa sana siya nang dumating ang boss nila. Kasama niya ang iba pa nilang mga tauhan. Ang boss nila ay ‘yung duwag na nag-uutos sa mga tauhan niya kanina.
“Anong kailangan ninyo?” inunahan ko na siyang tanongin sa kalmadong boses. Tinitigan ako nang mariin ng lalaki bago ngumisi.
“Matapang ka nga talaga, sabagay! Amora, eh.” Muli na naman akong napairap. Wala ba silang ibang sasabihin bukod sa pagpuna na isa akong Amora?
Hindi malaki ang kanilang organisasyon kaya nasisiguro ko ang kanilang pakay. Malas ko lang at nahuli ako sa madaling paraan ng mga ‘to. Walang kwenta.
“Wala akong panahon sa mga ganito.” Muli akong nagsalita. “Inuulit ko, anong kailangan ninyo?” Humalukipkip ang lalaki at lumapit sa ‘kin. He leaned towards me hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa.
“Pera.” Hinawakan niya ang pisngi ko kaya agad akong umiwas para mailayo ‘yon sa mukha niya.
“Magkano?” deritso kong tanong para matapos na ito. Humalakhak ang lalaki at dumistansya sa ‘kin.
“Sobrang bilis mo naman kausap. I didn’t expect this.” Bumaling siya sa mga kasamahan niya, may inutos siya saglit bago binalik ang atensyon sa ‘kin. Ang mga kamay ko ay nangangati ng suntokin ang mukha niya.
Sinubukan kong igalaw ang paa ngunit maging doon ay mahigpit din ang pagkakatali sa ‘kin. I’m hopeless.
Hinawakan niya ang panga ko kaya napatingala ako sa kanya. Madilim ang titig niya sa ‘kin at humihigpit ang kamay niya na nakahawak doon. His eyes are dark and he has a very furrowed thick brows. Parang hindi nadaanan ng sibilisasyon ang mukha niya.
“Balita ko, kakauwi mo pa lang sa bansa?” Marahas niyang binitiwan ang panga ko. I clenched my jaw trying to ease the pain.
“Sino ba source mo? Huli naman yata siya magbalita?” patanong kong sagot. I’m trying to act cool while thinking a way to escape. Ngumisi siya sa ‘kin.
“Anong plano mo?” pagak akong natawa sa tanong niya.
“Close ba tayo?” sarkastikong tanong ko pabalik.
“Bakit? Kailangan ko pa bang lumapit sa ‘yo para maging close tayo?” He leaned towards me again kaya inatras ko ang katawan. Nakakainis siyang ngumisi sa ‘kin nang samaan ko siya ng tingin.
Lahat kami ay napabaling sa pinto nang may umalingawngaw na putok ng baril. Kumunot ang noo ng boss nila at agad na nag-utos.
“Sino ‘yon?” naaalarma niyang tanong. Nagkatinginan pa muna silang lahat sa isa’t isa bago kumilos. “Puntahan niyo! Kayong lahat, tingnan niyo sino ‘yon. Jeric at Lordi, maiwan kayo rito.”
Nagsialisan silang lahat maliban sa kanya at sa dalawa niya pang kasama. Kalmado lang ako habang tinitingnan silang nagpapanic. Hindi ko alam kung kanino ‘yon galing ngunit may pakiramdam akong malapit na akong makatakas dito.
The guy made some calls, mukhang inaalam niya kung ano ang nangyayari sa baba. Galit siya at sinisigawan na ang sino mang kausap.
“Ano? Hindi niyo kilala? Hello? Hello!” sigaw niya nang mukhang nawala ang kausap sa kabilang linya.
Sunod-sunod ang mga putok ng baril sa labas. Nakasisiguro akong konti lang sila rito dahil masyadong kabado ang boss nila.
“Kayong dalawa, bantayan niyo ‘yan!” sabi niya sa dalawang kasama na ang tinutukoy ay ako. Isang beses niya akong pinasadahan ng tingin bago humakbang palabas. “Mga walang silbi!” Kita ko ang pagbunot niya ng baril sa tagiliran.
Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ay may nagpaputok na ng baril sa pinto. Napayuko ako nang tumama ang bala sa yerong nakatambak malapit sa gilid ko.
“Dang!” The guy cursed. Nagtago siya sa likod ng pader. “Kayong dalawa! Kunin niyo ‘yan!” sigaw niya sa dalawang kasama.
Nanatili naman akong kalmado kahit na parang masisira na ang loob ko sa tindi ng tensyon. Lumapit sa akin ang dalawang lalaki habang nagkakaputokan sa labas. Una nilang ginawa ay ang kalagan ang paa ko.
“Bilisan niyo mga inutil!” inis niyang sigaw sa mga kasamang mababagal. Kakalagan na sana nila ang kamay ko nang matigilan sila. Bumagsak ang kanilang pinuno habang sapo-sapo ang duguang braso. Nadaplisan ito ng bala. Dahil sa nangyari ay nabitiwan nito ang baril sa sahig.
“Boss!” Hindi pa nakakalapit ang lalaking tauhan ay agad na siyang napaluhod sa sahig. Deritsong nagtama ang paningin naming dalawa nang pumasok siya sa silid.
Anong ginagawa niya rito?
“Sino ka?” Bubunot na sana ng baril ang isa pang lalaki kaya inunahan ko na siya. Mabilis kong sinipa ang kaniya kaya napahawak siya roon at napaluhod sa sahig.
“Paalam sa future anak mo!” Tiniim ko ang bagang matapos sabihin ‘yon.
Akmang dadamputin ng boss nila ang nahulog na baril ngunit mabilis itong nasipa palayo ni Ashiro. Sinipa niya sa ulo ang lalaki kaya tuluyan na itong nawalan ng malay.
“Tss.” His cold eyes darted at me bago hinarap ang isang tinamaan niya sa benti. Dinampot niya ito sa kwelyo at sinapak ng isang beses sa mukha gamit ang hawak na baril.
Kumilos ang lalaki sa tabi ko kaya muli ko siyang sinipa. “Gusto mo talagang tinatamaan ng sapatos ko, eh no?” Isang beses ko pa siyang sinipa ulit kaya nawalan na siya ng malay. Ang tanga lang dahil tinanggalan nila ako ng tali.
Natahimik ang paligid. Malamig ang titig sa ‘kin ni Ashiro nang lumapit siya. Pinantayan ko ang titig niya at kinunotan siya ng noo.
“Tanggalin mo ang tali,” utos ko. Hindi siya kumibo at dumeritso lang sa likuran upang gawin ang aking inutos. Saglit niya pang isinilid sa holster ang baril bago lumuhod.
“May tao!” sigaw ko nang may isang nagpaputok mula sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko nang magtago sa likuran ko si Ashiro. “Anong ginagawa mo?” Pilit ko siyang sinisilip nang pumasok ang matangkad na lalaki dala-dala ang naka-angat niyang baril. I froze and my mouth dropped open. Akma niya akong babarilin nang inunahan siya ng lalaking nagtatago sa likuran ko.
“D*mn you! Ginawa mo akong panangga!” nanggagalaiti kong sigaw. Hindi siya nagsalita. May kinuha siyang kutsilyo at agad na pinutol ang tali na nasa bewang ko. Agad akong tumayo at hinarap siya, nilahad ko ang kamay upang putolin niya rin ang tali roon ngunit umiling lang siya sa ‘kin.
“Cut this,” mariin kong utos.
“Let’s go,” imbes ay sabi niya sabay kaladkad sa ‘kin palabas.
“Cut this tie first!” galit kong giit. Muli kaming napabalik sa loob nang salubongin kami ng putok ng baril.
“Huwag kang maingay,” he said seriously while hiding at the wall. Hawak niya ang baril habang habol ang hininga.
“Cut this!” Muling may nagpaputok ng baril kaya napayuko ako. “Ashiro, I said cut—”
“Will you please shut the freaking up!” Galit niya akong binalingan, his jaw clenched and I can almost see the veins on his neck up to his arms. Ashiro tightened his hold on his gun. Muli siyang dumungaw sa labas at ilang beses na nakipagpalitan ng bala.
Nang masiguro niyang wala ng tao sa labas ay muli na naman niya akong hinila. Muntik pa akong madapa sa sobrang rahas ng ginawa niya.
“Cut this so I can use a gun,” pamimilit ko.
“Pwede bang lunukin mo na lang ang dila mo at tumahimik ka na d’yan.” I glared at what he said. Muli niya akong hinila hanggang sa makababa kami sa sunod na palapag.
Someone suddenly appeared at Ashiro’s back. Hindi niya iyon napansin kaya ako na ang kumilos. Mabilis akong nagpalipad ng sipa ngunit agad siyang nakaiwas. Napatingin sa ‘min si Ashiro kaya lang hindi niya nagawang lumapit nang may magpaputok na naman ng baril.
The guy tried to punch me on my gut ngunit naiwasan ko ‘yon. I grabbed that chance para masiko ang leeg niya, mabilis siyang napahandusay sa sahig. I grabbed the broken hollow block I saw and immediately threw it to him. Tinamaan siya sa ulo at agad na tumulo ang dugo roon. Akala ko ay makakatulog na siya ngunit nakayanan niya pa ring tumayo.
He punch me on my gut and this time, hindi na ako nakaiwas. “Dang!” Hinawakan ko ang sikmura dahil sa sakit. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lakas ko, nakayuko pa ako nang muli siyang sumugod. Mabuti na lang at agad akong nakabawi.
Sinabit ko ang nakataling kamay sa leeg niya at sunod-sunod siyang sinipa sa sikmura. “Taste your own dose of medicine!” I said angrily.
“Hartiana, let’s go!” Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yon ay hinila na ako ni Ashiro. Malaki ang bawat hakbang niya, halos makaladkad na ako. Ano bang akala niya sa ‘kin dito kalabaw?
Mabilis kaming nakababa sa unang palapag ng abandunadong gusali. Dumaan pa kami sa madilim at makating damuhan bago nakarating sa naghihintay na kulay itim niyang Aston Martin.
Mabilis ang kilos ni Ashiro, binuksan niya ang passenger’s seat para sa ‘kin at halos itulak ako roon. “Dahan-dahan, pwede ba!” reklamo ko.
Mabilis siyang umikot sa driver’s seat at halos paliparin ang sasakyan sa bilis niyang magmaneho.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Ikapapahamak mo ang mga ginagawa mo!” Pagod na pagod pa ako sa nangyari nguni sermon na agad ang sumalubong sa ‘kin mula kay Zin pagdating ko.
Wala siyang alam sa nangyari sa ‘kin, nalaman niya lang nang iuwi ako ni Ashiro sa mansion.
“You really love risking your life, ha? Baka nakakalimutan mong isa lang ang buhay na meron ka!” sigaw niya ulit. Sa loob ng opisina niya ay nandito si Leron, Shanon, at Ashiro.
May pumasok na kasambahay upang gamutin ang sugat namin ngunit hindi iyon pinansin ng ama kong nanggagalaiti sa galit.
“I told you, it’s just noting—”
“Nothing!” naghehisteryang sigaw niya. Nagugulat pa ako dahil ngayon lang siya nagalit sa ‘kin ng ganito. “You were kidnapped and almost killed! Tapos sasabihin mo nothing?”
“Zin, gamutin na muna natin ang sugat ni Ian,” singit ni Shanon. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Shiro.
“Mamaya na!” parehong sagot namin ng ama. Ako sa kalmadong boses, siya sa kabaliktaran na tono.
“Kidnapped for ransom ang dahilan nila kaya nila ako kinuha. Malas ko lang at natyempohan nila ako habang naglilibot sa lugar na ‘yon. They are not a big organization, nalulugi pwede pa,” I explained calmly.
“Bakit ka naglilibot sa lugar na ‘yon?” seryosong tanong niya. Sasagutin ko na sana siya na inaaliw ko lang ang sarili ngunit pinutol niya ako. “Para maghanap ng lead?” Kumunot ang noo ko.
“Lead saan?” malamig kong ani. Hindi na nagawang sumingit ng mga nanonood sa ‘min dahil sa tensyon sa pagitan naming mag-ama.
“Huwag mo akong sasagutin ng tanong, Ian.” Nakakatakot ang boses na ginamit niya ngunit hindi ko nagawang maapektuhan. Something inside me is burning up. “Dropped everything your plotting—”
“You can’t just tell me that,” malamig kong sabat.
“Hartiana!” His voice thundered inside the four corners of the room. Hindi na ako nagulat sa sigaw na ‘yon. He sighed, pumikit siya nang mariin at mukhang sinusubukan kumalma. “Ian,” tawag niya sa ‘kin sa mas kalmadong boses.
Tumayo ako upang pantayan ang titig na pilit niyang pinapaamo. “Umuwi ako rito na may plano, sa ayaw at sa gusto mo. . . ‘yon ang susundin ko. Ilang beses ko ba dapat ulitin na walang sino man ang makakapigil sa ‘kin?”
“Kung ganun, anong paraan ang naiisip mo upang makapaghinte sa pagkamatay ng Mama mo?” Pakiramdam ko ay may sumugat na punyal sa dibdib ko dahil sa pangalang nabanggit. “Hahanapin mo sila at papatayin?”
“Oo!” I answered without even flinching.
“Akala mo ba madali lang ‘yon? Akala mo ba ganun ka na kagaling?” Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Ano na ba ang napatunayan mo? Ano na ba ang nagawa at nasimulan mo? Wala! Wala, Ian!” Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.
Because of what he said, the hard truth slapped me. That even after all I experienced, after all the years of hardship and pain, all was not enough. I spent twenty-four hours of training everyday abroad for almost four years. I tried so hard to master everything my wrath pushed me to do. I bear all the physical and mental suffering but still. . . everything was not enough. Here is my father telling me that after everything I have been through, I’m still that innocent Hartiana who lost her mother in front of her. That I am weak and incapable of executing my plan.
“I’m g-gonna prove myself to you.” Nanginig ang boses ko at hindi ko na napigilan ang luhang lumandas sa aking pisngi.
“You want to prove yourself?” Naghahamon ang boses niya. “Then follow my own plan of revenge. Kapag napatunayan mo ang sarili sa ‘kin, hahayaan kitang patayin ang pumatay sa Mama mo.” His words are powerful, sure, and indestructible.
“Hartiana.” Isang hakbang pa ulit ang ginawa niya palapit sa akin. Pinalandas ni Zin ang mainit na palad sa aking pisngi upang alisin ang luha roon.
“Kung gusto mo talagang maghiganti at maningil nang matindi. Make it not easy for them.”