CHAPTER 11
MALALIM akong napabuntonghininga matapos titigan ang maliit na kalendaryo sa loob ng kwarto ko. Isang Linggo na rin ang nakalipas simula nang ma-kidnap ako. Isang Linggo na rin akong walang ginagawa dahil sa utos ni Zin. Parang naging normal na college student ang buhay ko sa Linggo na lumipas.
Tinanggal ko ang pagkakatali sa buhok bago dumeritso sa banyo. Naligo ako at saglit na nagpatuyo bago dumiretso sa kama. Nagbasa lang ako ng libro hanggang sa bumagsak na ang mga talukap ko.
Mahibing ang aking tulog ngunit nagising ang diwa ko sa mahinang kaluskos. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata habang pinapakiramdaman kung ano ang naririnig. It’s a footsteps. Ang mga yabag ng paa ay palapit nang palapit sa kama ko.
Huminga ako nang malalim at nanatiling kalmado. Nang maramdaman ko ang kung sino na nasa gilid ko, muli kong ipinikit ang mata upang magpanggap na tulog. Naramdaman kong inangat niya ang kamay upang hawakan ako kaya agad na akong kumilos.
Idinilat ko ang mata at mabilis na dinampot ang braso niya saka ako umupo mula sa pagkakahiga. Kahit na madilim ay kita ko ang laki ng katawan niya, the guys is wearing a black hoddie and mask to hide his face.
“Sino ka? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?” Hindi siya sumagot. Kikilos na sana ako nang mabilis niyang inikot ang brasong hawak ko upang mabitiwan ko siya. Nang magawa niya iyon ay mabilisan niyang dinampot at hinila ang braso ko upang iikot sa aking likuran. “Argh!” I groaned in pain.
Mabilis akong tumayo sa aking kama at siniko ang kanyang mukha. Sa lakas nun ay agad siyang natumba sa sahig. Bumaba ako ng kama at sumampa sa kanya, paulit-ulit kong pinakawalan ng suntok ang mukha niya gamit ang kanang kamay, sa kaliwa ay hawak ko ang kwelyo ng suot niyang hoodie. “Sino ka?”
Akma kong tatanggalin ang suot niyang mask ngunit mabilis siyang bumangon. Dahil sa ginawa niya ay napaupo ako sa sahig. Tumayo siya kaya ganun din ang ginawa ko. Hindi pa niya tuluyang nababawi ang balanse dahil sa pagkahilo sa mga suntok ko.
Ipinulupot ko ang isang braso sa leeg niya upang sakalin siya. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi ko hahayaan na makawala ang lalaking ‘to. “Sino ka para pumasok sa kwarto ko?” nanggagalaiti kong sigaw. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagsakal sa kanya.
May kinuha siyang kung ano sa bulsa at ganun na lang gulat ko nang makita ang dala niya. Mabilis niyang tinanggal ang lock nito at tinapon sa kama ko.
Akala ko ay sasabog ngunit mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang usok ang lumabas doon. Mabilis iyong kumalat sa paligid at nang masinghot ko ay agad na sumakit ang aking ulo. Nawala ang balanse at lakas ko dahil sa pagkahilo, nabitawan ko na lang ang lalaki dahil sa panghihina.
Pilit ko mang labanan ang sarili na bumangon at huwag pumikit, hindi ko na nagawa. Naipit ko ang mata at kadiliman ang agad na bumalot sa ‘kin.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mata nang maramdaman ang pangangalay ng leeg. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko’y masusuka ako. Inaantok pa ako kaya bumgsak ulit ang talukap ko.
“Hell, I’m sure magagalit na naman si, Abuelo sa ‘kin.”
“Alam niyo ba nasaan tayo? Pera na naman ba ang habol nito sa ‘kin?”
“Hindi ko rin alam kung nasaan tayo.”
I heard some noises kaya tuluyan ko nang iminulat ang mata. Inangat ko ang ulo kaya agad silang napatingin sa ‘kin.
“Hartiana!” Boses ni Brian. Kunot-noo akong napatingin sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang t-shirt at cotton shorts. Nabalik lang ako sa tamang ulirat nang makita ang nakagapos niyang kamay at paa sa upuan. Napatingin ako sa sarili at nakitang ganun din ang disposisyon ko.
Sinubukan kung magsalita ngunit may telang nakatali sa aking bibig. Tinanggal ko iyon sa pamamagitan ng balikat at baba. “Anong ginagawa mo rito?” Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan, sinubukan kong igalaw ang mga paa ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali roon.
“Hindi ko rin alam,” sagot ni Brian. “Ayos ka lang ba?”
Napabaling ako sa aking kaliwa at ganun na lang ang gulat ko nang makitang katabi kong si Ashiro. “Nandito ka rin?” gulat kong tanong. Gaya namin ni Brian ay nakatali rin ang mga kamay at paa niya, may tela ring nakatakip sa kanyang bibig.
Seryoso lang ang titig niya sa harap na para bang walang pake sa nangyayari sa kanya. Hindi man lang siya gumalaw at nag-effort na tanggalin ang pagkakabusal sa bibig niya.
“Ikaw! Pamilyar ka sa ‘kin, ah? Ikaw ba ‘yon?” Kumunot ang noo ko at napabaling sa isa pang katabi ni Ashiro. Nanlalaki ang mata niya at talagang gulat na gulat na makita ako rito. Inirapan ko lang siya at hindi na sinagot.
Siya ‘yung nakita kong lasing sa bench noong araw ng welcoming party ko. Liam Femiano, anak at apo ng sikat na businessman sa bansa. Ang pinaka rebeldeng apo ni Don Romaulo.
“Ikaw nga ‘yon!” Pilit niya akong tinuro gamit ang nakatali niyang kamay.
“You know him?” tanong ni Brian sa tabi ko. Umiling lang ako pagkatapos ay sinuri ang paligid.
It feels nostalgic, ganitong-ganito rin ang nangyari sa ‘kin isang Linggo pa lang ang nakalipas. Guumising din ako na nakatali ang parehong mga paa at kamay. The only difference is nasa maayos akong lugar imbes na sa abandunadung gusali.
Malawak ang celling at may malaking magarbong chandelier sa taas namin. Sa harap ay may isang grandstair case na kulay ginto pa ang banister. Maraming kagamitan sa loob at naaayon ang lahat sa makalumang tema. Mula sa kinauupuan ay nakikita ko ang napakaraming pasilyo at pinto. Nakasisiguro akong malaki ang bahay, mali. . . mansion ito.
Walang maririnig na ingay sa loob at labas bukod sa reklamo ng isa sa ‘min at huni ng mga ibon.
“Alam mo ba kung nasaan tayo?” tanong ko kay Brian.
“Kanina ko pa ‘yan tinatanong,” sumabat ang isang hindi ko tinanong. Brian sighed beside me. Matamaan niya akong tiningnan gamit ang mga mapupungay niyang mata. Dahan-dahan siyang umiling sa ‘kin.
Bumaling ako sa isa pang katabi, sobrang sama ng tingin niya sa ‘kin kaya kinunotan ko siya ng noo. Anong problema nito?
“Ikaw? Bakit ka napunta rito?” tanong ko sa maingay na si Liam.
“Ako?” Tinuro niya pa ang sarili kaya napakagat labi na lang ako upang pigilan ang inis. “Ako nga. Ewan ko! Nagpa-party lang naman ako sa club nang biglang may humila sa ‘kin. Argh! Ang sakit ng ulo ko.” Ngumiwi siya at sinubukang hilutin ang sentido gamit ang nakataling kamay.
“Walang kwenta,” umiirap kong sabi.
“Grabe ka sa walang kwenta, ah!” maang ni Liam. Para siyang bata. Si Ashiro ay mabilis na tinanggal ang tali sa kanyang bibig kagaya ng ginawa ko kanina. “Ikaw? Sino ka? Bakit ka rin nandito? Saka paano ka—”
“Will you just shut up!” Muntik na akong mapatalon sa lakas ng sigaw ni Shiro. Irritado at galit ang boses niya, kulang na lang ay makapatay siya ng tao sa galit.
“Ikaw nga ‘tong sumisigaw, eh,” nakangusong bulong ni Liam. Siya naman ang sinamaan ko ng tingin.
“Ikaw? Paano ka napunta rito?” sinubukan kong tanongin si Shiro ngunit wala siyang isinagot. Saglit niya lang akong pinasadahan ng tingin bago muling bumaling sa harapan. My jaw clenched, ilang beses na niya itong ginagawa sa ‘kin.
I glared at Liam when he laughed. Binigyan niya ako ng nakakainsultong tingin dahil hindi sinagot ni Shiro ang tanong ko.
“Hart, just calm down,” si Brian. Umiling ako at pinilig ang ulo, sumasakit ang leeg ko.
“Ikaw? Paano ka napunta rito?” tanong ko naman kay Brian.
He sighed, “I’m studying and this mysterious guy suddenly appeared. Ang naaalala ko lang ay nagpakawala siya ng sleeping gas kaya nawalan ako ng malay.”
Lahat kami ay napatingin sa itaas nang makarinig ng yabag ng mga paa roon. The two people showed up. Unti-unting kumunot ang noo ko nang makilala ang dalawang pamilyar na tao.
Looking good, sabay silang bumaba ng grand staircase dalawa. Shanon with her stoic facade and poise, Leron with a menacing look on us. Nakaangat ang gilid ng labi niya at tila ba natutuwa sa nakikita.
“What the h*ck. . .” Hindi ko napigilang sabihin.
“Leron?” si Brian sa tabi ko. Pareho silang humalukipkip habang isa-isa kaming pinapasadahan ng tingin. Shanon is wearing a black sleeveless and camouflage jeans partnered with armor boots. Si Leron naman ay pormal na pormal sa suot niyang suit at manipis na salamin.
“Ate, Shanon?” Napatingin ako kay Liam nang magsalita siya. Gulat na gulat at nakaawang pa ang labi. Ngumisi lang ang babae sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
“So, what is this thing all about?” Ashiro asked boredly. Ang kanyang mata ay inaantok at parang walang kabuhay-buhay.
“You all are probably curious bakit kayo nandito,” Leron said.
“Obviously.” Napairap ako.
“Tss.”
“I must say, welcome?” Ngumiti siya sa ‘min habang nakalahad ang mga braso. “Kayong apat ang napili upang maging miyembro ng espesyal na grupo na bubuoin ng Amora Mafia Organization.”
“Ano ‘to? Recruitment ng power rangers?” nayayamot na ani Liam. Nakita ko kung paano siya inirapan ni Shanon.
“The four of you will become the ace of Amora Organization. From this day onward, the four of you will live together in this mansion as you undergo different training, both physical fights, discipline, nurturing your skills and plotting.” Kumunot lang ang noo ko. Nalilito ako kaya halos walang pumapasok sa utak ko.
“Alam ba ‘to ng mga magulang namin?” tanong ni Brian. Tumango naman sa kanya si Leron.
“Your parents willingly sent you here.” Bigla kong naalala si Zin.
“Habang nandito kayo, batas ko ang masusunod. You will only follow rules and mandate given by the organization. Wala tayong sasayangin na oras simula sa araw na ito.”
“Save your questions at sasagutin namin ‘yan mamaaya,” sumingit si Shanon. “For now, gusto kong ihanda ninyo ang mga sarili para sa unang dalawang misyon.”
“Ano ba naman ‘to? Nananaginip pa ba ako? Bakit—”
“Liam!” sigaw ni Shanon sa nagreklamo. Agad naman itong natakot at sinarado ang bunganga.
“Anong misyon?” Napatingin ako kay Ashiro. “Isa pa, do you really have to kidnap us and tie me in this stupid dang chair!”
“Unang misyon, tuluyang pabagsakin ang Deliero.” Ang tinutukoy ni Shanon ay ang organisasyon na dumukot sa akin. Lubog na sila kaya magiging madali na lang ‘yon.
“Ano ang pangalawa?” I asked. Nagtagal ang titig sa ‘kin ni Shanon bago nagsalita.
“Ang hanapin ang pumatay sa, Mama mo.” Natigilan ako sa narinig. I don’t know but I just felt something vague inside me.
Ito na ba ang sinasabing plano ni Zin?