CHATER 12
“This will be your room, Ian.” Humalukipkip ako at isang beses na pinasadahan ng tingin ang kwartong binuksan ni Shanon. Napanguso na lang ako nang makita ang isa sa mga maleta ko sa loob.
Tss, pinaghandaan talaga ‘to nila, ah?
Isang oras na ang nakalilipas nang kalagan nila kami sa pagkakatali. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ko ang ano ba talaga ang plano ni Zin. Maraming pinaliwanag sina Shanon at Leron sa ‘min ngunit wala talagang pumapasok sa utak ko.
Maayos ang plano ko nang umuwi ako rito. Buo ang isipan ko sa ano ang gusto kong makuha. Buhay kapalit ng buhay. But at some point, Zin was right. Wala akong hawak na kung ano sa ngayon kun’di ang madilim na nakaraan at alaala. My eagerness to take revenge and my anger. Hindi sapat ‘yon para makuha ang gusto.
Gusto kong ako lang ang gagawa ng paghihiganti, kumpyansa ako sa sarili na kaya ko. Kahit ikamatay ko pa. Ang hindi ko makuha ay kung bakit kailangan akong ilagay sa mansion na ito, kasama pa ang tatlong lalaki na alam kong hindi ko kakailanganin. Ano ba talaga ang gustong gawin ni Zin upang mapatunayan ko ang sarili sa kanya? Nagkamali ako nang isipin na tanggap na niya ang plano at pinili kong buhay. Talagang kinakalaban niya ang gusto ko.
“Ian, are you listening?” Pinitik ni Shanonn ang daliri sa harapan ko. Bahagya akong napatalon sa ginawa niya, hindi ko napansin na nakatulala na pala ako.
“Y-yeah, continue what you’re discussing.” Kumurap ako at pinilit ang sarili na makinig sa kanya. Nagsimula siyang maglakad sa malawak na pasilyo ng ikalawang palapag kaya sumunod ako.
“Brian and Liam will be your roommate.” Kumunot ang noo ko nang ituro niya ang dalawa pang silid sa magkabilang gilid ng kwarto ko.
“I’m fine with, Brian but. . . that weird guy?” Napairap ako. Hindi ko alam ang kakayahan ni Brian ngunit may tiwala naman ako sa kanya kahit papaano. I saw Ashiro’s capabilities first hand, he has also experience in working inside the organization. Ayaw ko mang sabihin ngunit aminado akong magaling nga siya. And that Liam Femiano? Hindi ko alam kung bakit nandito ang rebelde na ‘yon. Marami namang apo si Don Romaulo kaya hindi ko alam kung bakit siya ang pinadala. Naiinis ako sa pagmumukha niya.
Shanon smirked at me, “Don’t underestimate someon in your mind Ian,” pahayag niya. “At isa pa, wala ka ng magagawa. Makakasama mo sila sa ayaw at sa gusto mo.” Matamaan kong tiningnan ang babae. Nakangisi siya na para bang nasa kanya ang lahat ng autoridad.
“May iba pa ba kayong rason kung bakit ninyo ginagawa ito?” seryoso kong tanong. Saglit niya akong kinunotan ng noo bago malalim na bumuntonghininga.
“Hustisya ang gusto mo tama?” Lumapit siya sa ‘kin at pinilig ang ulo. Hinawakan niya ang braso ko. “Kung ako sa ‘yo, magtitiwala na lang ako kay, Zin. Alam mo kung bakit? Dahil ginagawa niya ‘to para sa ‘yo.”
“Ginagawa para sa ‘kin o para hadlangan ako sa gusto kong gawin?” matapang kong sagot. Hindi ko makuha kung paano ito makakatulong sa ‘kin. Para sa ‘kin ay aksaya lang ito ng oras, wala akong mapapala sa pagtira sa mansion na ito.
“Hindi ko inaakala na mas matigas pala ang bungo mo,” bulong niya bago ako nilampasan. Bumaba siya ng hagdan kaya ganun din ang ginawa ko. Sa baba ay naroon na sina Leron at at ang tatlo pang lalaki. May pinag-uusapan silang kung ano.
“For now, itutuloy natin ang paglilibot sa mansion. Sumunod kayo,” ani Leron. Alam kong malaki ang mansion ngunit hindi ko inakala na may mas ilalaki pa ito. It’s a gothic style old mansion sorrunded by brown and red brick wall. Mataas ang celling at magagarbo ang chandelier na mga nakasabit. Kung hindi ako nagkakamali, mas malaki pa ito kaysa sa hideout.
Lumabas kami sa isang pintuan at bumungad sa ‘kin ang isa pang malawak na pasilyo. It’s an open space kaya kita ang malaking swimming pool sa gilid, tatlong bleachers at coffe table. Hula ko ay nasa kanang bahagi kami ng mansion.
Sinikop ko ang buhok dahil sumasayaw ito sa maaliwalas na hangin. Maraming puno sa paligid at wala akong ibang nakikitang kulay ng mga halaman bukod sa puti at berde.
“Here.” Napatingin ako kay Brian nang iabot niya sa ‘kin ang panali ko. “Nahulog mo kanina.” Tumango lang ako bago kinuha sa kamay niya.
Nang pumasok kami sa isa na namang pintuan ay bumungad sa ‘min ang isang maaliwalas na sala. Kompleto ang mga gamit at may fireplace pa sa gilid. Malapit sa fireplace ay may maliit na hagdan papuntang ikalawang palapag.
“This is going to be your living room. Ang hagdan na iyan ay mas malapit sa mga kwarto ninyo,” si Leron.
“Hay! Nakakapagod,” ani Liam sabay hilata roon sa sofa.
“And here’s interesting. Follow me,” pagpapatuloy ni Leron. I curiously eyed him when he moved the replica of Guernica painting of Picasso. May pinindot siyang kung ano sa dingding kung saan nakasabit ang painting. Ganun na lang ang pagkamangha ko nang may sekretong pintuan ang nagbukas sa gilid namin.
“Woah!” Liam said with amuzement. Nauna akong pumasok sa maaliwalas na kwarto. Hindi pa natapos ang pagkamangha ko nang makita kung ano ang nasa loob. My jaw dropped at the sight.
Maging ang mga kasama ko ay nagsinghapan na rin sa nakita.
“This is. . . cool,” Ashiro said beside me.
“I definitely agree.” Napatingin ako kay Brian. Gaya ko ay napanganga na rin siya.
May malaking mesa sa gitna ng sikretong silid. Doon nakalatag ang iba’t ibang mga kagamitan. Mula sa maliliit na mga combat knives papunta sa mga nagtataasang machetes. Iba’t iba ang estilo ng mga nagkikislapan na blades, kung bibilangin ay hindi sapat ang mga daliri kong pambilang. Maging ang mga kutsilyong hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko ay nandito gaya ng talon at wharncliffe. Army knives and trench looks so delicate. Pakiramdam ko ay isang hawak ko lang dito ay masusugatan na ako.
From small types of gun like pistols, derringer, and revolver up to rifles and machine guns. Lahat ay perpektong nakahelira sa mesa base sa laki nito. Hindi biro ang mga baril lalo na’t nanggaling pa sa ibang bansa. I shouldn’t be shocked. Dealer ng illegal firearms ang Amora Mafia Organization so I should expect this. Hindi ko lang talaga maiwasang mamangha gayong nakalatag ang mga ito sa harapan ko.
All of them look so new and dangerous. Different varieties of shotguns, pistol grips, and AK Types. Meron ding submachine gun na nakahilig sa babasaging aparador sa gilid. Accessories are also present, from branded holsters, majestic silencers, bullets, magazines, and so. . .
There’s also a wooden rack where five samurai swords are placed. I want to touch it but I refrain myself. Sa bandang kanan ay may isa pang shelf na babasagin ang takip, puno naman ito ng mga explosive devices. Gustong-gusto ko ang amoy ng silid na ito, amoy mamahling kalawang.
“These guns came from Germany, Italy, Japan, Mexico, and Israel. Marami sa mga baril na ito ay mahirap hanapin, consider yourself lucky at nasaksihan niyo ito.” Napatango ako sa sinabi ni Leron.
“Can we used that?” Mabuti na lang at tinanong ni Ashiro ang tanong na ‘yon. I want to asked that too. Leron gave him a smirked.
“Of course you can.” Ako naman ang napangisi ngayon. Now, I’m starting to love this place. “Next stop is the technology room.” Lumabas kami sa silid na iyon at muling sinundan si Leron.
Malapit lang ‘yon sa kwarto ng mga baril. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa ‘kin ang napakaraming monitors at computers. Malawak ngunit madilim sa loob, nandito rin ang monitor ng mga CCTV camera’s sa paligid. Nagtagal ko ang tingin ko sa mga monitor at tahimik na sinuri ang mga video. Nagkalat ang mga bantay sa loob at labas ng mansion.
“Bukod sa physical fights, martial arts, at paggamit ng baril. Tuturuan din namin kayo na gamitin ang sistema ng teknolohiya. This will help you a lot so I’m hoping that you prepare yourselves.”
Pagkatapos namin sa technology room ay muli kaming bumalik sa sala. Ani Leron ay pwede na raw kaming magpahinga.
Pabagsak kong inupo ang sarili sa malambot na sofa. May kulay itim na glass table sa tapat at malaking TV screen, sa magkabilang gilid naman nito ay may maliit na stereo.
Umupo si Brian sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. I suddenly wonder kung kagustohan niya ba na nandito siya ngayon.
“Aish! Mukhang nawala ko pa yata ang cellphone ko!” reklamo ni Liam na umupo na rin sa sofa.
“Brian,” I called him. Agad naman siyang napabaling sa ‘kin.
“Hmm?” Matamaan niya akong tiningnan. He’s closing his eyes at tila ba inaantok pa siya.
“Do you like it here?” I don’t care at all ngunit bigla kong naalala ang mga desisyon na hindi niya gusto ngunit pinipilit ng ama rati. Tumingin siya sa ‘kin.
Tumagal pa muna ang titig niya sa ‘kin bago siya nagsalita. “I like it when you’re near me.” Saglit na kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Agad ding nakabawi nang muling sumulpot sina Leron at Shanon mula sa kung saan. Tumingin ako sa kanila at hindi na pinabulaanan pa ang sinabi ni Brian.
Bago sila lumapit ay nakita kong may nilagay na mga baril si Shanon malapit sa fireplace. Hindi ko alam para saan ‘yon kaya kumunot ang noo ko.
“Maiwan na muna namin kayong lahat ni Shanon. We have something to do at babalik agad kami,” Leron announced. Wala akong pake sa sinasabi niya dahil busy ako sa pagmamata sa mga baril na nilagay ni Shanon.
Paalis na sina Leron nang sumingit si Liam. “Wala bang cell phone? I have to call someone.” Ngumuso si Leron sa kanya at may kinuha sa bulsa. Hinagis niya ito kay Liam na agad din namang sinalo ng isa. “Oh, my phone!”
Tinitigan ako ni Leron kaya tumagal din ang titig ko sa kanya. His eyes are saying something to me.