CHAPTER 12.2

2913 Words
CHAPTER 12.2 Hinilig ko ang ulo sa sandalan ng sofa. Hindi ko alam pero kumikirot ang ulo ko, gusto kong matulog ngunit hindi ako komportable. Hinilot ko ang sentido, nagbabakasakaling makatulong ito upang mawala ang sakit sa ulo ko. “Are you tired? I guess you can go to your room.” Minulat ko ang mata. Tiningnan ko si Brian at inilingan. “Mabuti naman at may signal dito!” Nakakunot ang noo na minata ko si Liam. Abot tenga ang ngiti niya at kulang na lang ay tumalon siya sa tuwa. “Tss.” Pairap akong bumaling kay Ashiro na ngayon ay tulog na sa sofa. Ibang klase talaga ang lalaking ‘to, kahit saan kayang matulog. Sa classroom din ay lagi ko siyang naaabutan na ganyan. “Argh! Ang hina ng signal,” reklamo ni Liam habang abala sa kapipindot ng cellphone niya. Nag-iingay na rin ang mga notification at messages niya. “Isa-isa lang babes! Oh, I have to call my, Abuelo.” “Pwede bang patahimikin mo ‘yan!” reklamo ni Ashiro. Nakakunot ang noo niya at sobrang sama kung tumingin kay Liam. Ngumiwi naman ang lalaki sa kanya at imbes na sundin ang inutos ni Shiro, mas pinalakasan niya pa ‘ata ang volume. “Nagugutom na ako,” tahimik kong reklamo nang maramdaman ang paghilab ng tiyan. “Tara sa kitchen, I’ll cook for you." Hindi ko na tinanggihan ang alok ni Brian. Agad na akong tumango dahil sa gutom. Nauna siyang tumayo sa ‘kin. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay upang matulungan ako sa pagtayo. “Hindi ako baldado, no,” ani ko bago nagkusang tumayo. I heard him sighed kaya nauna na ako sa kitchen. Pumwesto ako sa high stool at pinasadahan ng tingin ang buong kusina. Malawak ang counter at mukhang kumpleto na rin sa gamit. May malaking chandelier din sa taas at isang malaking ceiling fan. Maraming kulay itim na cabinet ang nagkalat sa taas ng sink. The ten seater wooden table looks so expensive. May mamahaling mantel rin nakapatong sa taas nito. I watch Brian open the double door fridge. Mabuti na lang at maraming laman ‘yon, akala ko talaga magugutom ako. The mansion is big and it’s quite empty despite the expensive furnitures and appliances. Siguro nga ay masyado lang malaki ang mansion kaya naiisip ko ‘yon. “What do you want to eat?” Brian asked me while checking something on the fridge. “Kahit ano na lang. Nagugutom na ako,” tamad kong ani. “Wait, do you know how to cook?” Tinaasan ko siya ng kilay. He eyed me from head to toe. Tila ba nainsulto siya sa tanong kong ‘yon. “You don’t trust me?” he smiled teasingly. Ngumuso ako at umiling, “I’m just asking.” He barked a laugh kaya bahagya na rin akong natawa. “I know how to cook, wanna bet?” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Tuluyan ko na siyang hinarap, ang boses niya ay puno nang kayabangan. “What kind of bet is that?” “Easy, When you like my cooking, we’ll go out.” Matamaan niya akong tinitigan na para bang naghahamon. I scoffed, “Well then, I already decided. I don’t like your cooking.” Natawa siya at umiling sa ’kin. “So, ayaw mo akong maka-date?” Walang pagdadalawang isip akong umiling. “I have no time for that,” I said. Ni hindi man lang ako kumurap nang sabihin ko ‘yon. He just, “Tss.” Before facing the fridge to get the ingredients. Ang sabi niya ay sinigang ang lulutuin niya. Wala akong alam sa kusina kaya hindi na ako tumulong. I just watched him cook while he’s wearing a blue apron. Hindi naman ako na-bore dahil sa mga pinag-uusapan namin. “I’m sure, Donna will get mad at us.” Pinag-uusapan namin ngayon ang possibleng maging reaction ni Donna kapag nalaman niya ang tungkol sa pamilya at kinakasangkutan namin ni Brian. “She will understand," he said genuinely while staring at me. Sana nga ay ‘yon ang maging reaction ni Donna. Maybe he noticed that I’m bothered because of what we’re talking kaya nagsalita ulit siya. “Marami akong pagkakataon na sabihin kay Donna ang totoo, I even planned of telling her who really I am. Kaya lang, naisip ko na wala namang alam si Donna sa organisasyon kaya mas mabuting manatili na lang na ganun. Wala rin namang maidudulot na maganda sa kanya kapag nalaman niya.” I stared at him. It’s good to know that we’re on the same page of the reason why we are hiding this from Donna. “You really cared for, Donna,” I said out of context. Walang pagdadalawang-isip naman siyang tumango. Mas una kaming nagkakilala ni Donna, nakilala lang ni Brian ang kaibigan ko dahil sa ‘kin. I didn’t expect na magiging magandang trio kaming tatlo. “I do, she’s like a little sister to me,” Brian said while mixing something. Naaamoy ko na ang niluluto niya at mukhang masarap. “Honestly, I’m glad to know that the two of you became closer to each other.” “Umalis ka, eh.” Saglit akong natigilan sa sinabi ni Brian. He stared at me and I’m not gonna deny that I saw pain in his eyes. “The situation pushed me to.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa, binabalikan na naman ako ng nakaraan at nga mga napakaraming sana at kung. Kung hindi ba namatay si Mama, magkakaroon ba ‘ko ng normal na buhay? Natawa ako nang sagutin ang sariling tanong sa isip, hindi pa rin ang magiging sagot. Sana, hindi na lang sangkot sa illegal na gawain ang pamilya ko. Pero kapag ‘yon ang nangyari, hindi ko alam kung ano ang nakatadhana para sa ‘kin. Pero sana nga, ‘yon na lang. “Hartiana, are you blaming yourself for what happened?” tanong ni Brian. Nasa seryoso kaming pag-uusap nang pumasok si Ashiro sa kusina. Namumula ang mata niya at halatang kagigising lang mula sa pagkakatulog. I saw him eyed me and Brian. Dumeritso siya sa fridge at kumuha ng pitsel. He went to the cupboard na para bang saulo niya na talaga ang kusinang ito. Nagsalin siya ng tubig at agad na inubos sa isang tunggaan. Seryoso lang siya habang ginagawa ang pag-inom ng tubig. Nang matapos ay walang salita lang itong umalis. “Do you know him?” tanong ni Brian habang sinusundan ko ng tingin si Ashiro. Bumaling ako sa kanya at tumango. “Yeah, he’s a classmate,” tipid kong ani. “He’s Ashiro Lemuels if I’m not mistaken.” “You know him too?” “Well, I saw him at several parties. His family is also famous. According to Dad, he’s doing a work in the organization.” Tumango lang ako at hindi na sinabi pa kay Brian ang alam. Hindi lahat ng tao sa organisasyon, alam ang bawat galaw at trabaho ng isa’t isa. Ashiro is the organization’s secret spy, confidential ang profile niya dahil doon. “By the way, malapit nang maluto ‘to, let’s just wait for the rice," aniya saka ngumiti sa ‘kin. Nagugutom na talaga ako. “May pagkain ba rito?” Napatingin ulit ako sa pinto nang pumasok si Liam. Dala-dala niya pa rin ang cellphone at abala pa rin sa pagtitipa. “Uy, ano ‘yan? Sinigang?” Nag-angat siya ng tingin bago umupo sa tabi ko. I glared at him, hindi ko gusto ang tabas ng bunganga niya. Masyado siyang maingay at maraming sinasabi. “I cook, hintayin na lang natin,” sagot ni Brian sa kanya. Ngumisi si Liam at nag-thumbs up sa kausap. “Yes, bro!” Nagkatinginan kami ni Brian. Ngumiti lang siya sa akin at nagkibit ng balikat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga makuha bakit nandito ang Liam Femiano na ito. Binaba niya ang cellphone at tumingin sa akin, hindi ko naman iniwas ang masamang tingin sa kanya. “Kanina pa masama ang titig mo sa ‘kin.” Ngumiwi siya at pinadaan ang dila sa magkakapantay na ngipin. “Peace na tayo pwede? Lasing lang ako nun, ang pangit ng first encounter natin, eh.” Ngumisi naman siya at nag-peace sign sa ’kin. Umirap lang ako at hindi na nagsalita pa. “Ang sungit ng mga tao rito. Sa labas may time bomb, dito naman may silencer. Hay buhay, parang life! Hindi talaga ako bagay rito!” he exclaimed. “Pwede ka namang lumayas na lang,” walang pake kong sagot. “Himala at kinausap mo ako?" aniya na umusog pa talaga para pabulaanan ang pagpaparinig ko. “Tama na ‘yan, kumain na muna tayo,” singit ni Brian. “Hayaan mo na si, Ian. Ganyan lang talaga ‘yan.” Narinig ko ang bulong ni Brian sa lalaki kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw lang yata matino rito, bro!” Tumawa si Liam. Para siyang baliw. “Gusto kong tahimik na kumain kaya isarado mo ‘yang bunganga mo,” banta ko kay Liam. Handa na ang lahat ng pagkain sa mesa namin. Ngumisi lang siya at sinarado ang imaginary zipper sa bibig niya. “Yes, Mada’am,” he sarcastically said. “How about, Ashiro? Tawagin niyo,” Brian said. Nagsimula na akong kumain kaya wala akong balak gawin ang gusto niya. Mabuti na lang at masarap ang luto ni Brian. “Ako?” Turo ni Liam sa sarili. Marahil ay tinitigan siya ni Brian. “Huwag na! Nakakatakot si, Shiro. Baka kainin ako," takot niyang ani. “Ano siya dragon?” hindi ko napigilan ang sarili na sumagot. “Naku! Sobra pa yata sa dragon!” I am not sure if it’s an exaggerated statement. “Ako na nga lang, excuse me.” Tumayo si Brian at saglit na nagpaalam. “Magdasal ka muna bago mo kausapin si, Shiro. Mukhang mainit ang ulo, eh,” pahabol sa kanya ni Liam. “You know, Ashiro?” tanong ko sa kanya nang makaalis si Brian. “Hm, we’re actually friends.” Hindi na ako nagulat sa nalaman. Bata pa lang sila, alam na nila kung ano ang gawain ng organisasyong kanilang kinabibilangan. “Mukhang mainit ang ulo ni Shiro. Ayaw kong lumapit, nakakatakot pa naman magalit ‘yon.” Iniling niya ang ulo, para bang naiisip niya ang galit na Shiro sa utak. Bumalik si Brian na walang kasama. Hindi na ako nag-expect na madadala niya ang lalaking ‘yon para kumain kasabay namin. “Anong sabi?” tanong ni Liam pagupo ni Brian. Kumain na lang ako at hindi na inabala pa ang sarili sa ibang bagay. “He doesn’t even answer me,” Brian coldly said. “Tss, ganun talaga si, Shiro. Dati na kaya masanay na lang kayo.” “You two are close to each other?” “Hm.” Saglit niyang inisip ang sasabihin. “Dati mas close kami pero ngayon hindi na. Simula nang—” “Hindi ba sinabi kong gusto ko ng katahimikan?” Masama ko silang tiningnan dalawa. Umiling sa ‘kin si Brian, si Liam naman ay naka-peace sign ulit. “Sorry, dam.” Kinunotan ko siya ng noo sa tawag niya sa ‘kin. Nagpatuloy kami sa pagkain at mabuti na lang talaga tumahimik na sila. Gusto ko ng katahimikan. Tapos na kaming kumain nang mag-ring ang cellphone ni Liam. Tiningnan niya kung sino ito at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya nang makilala kung sino ang caller. “Abuelo!” sagot niya sa tawag. Para siyang binuhusan ng milagro sa tono niya. “What? Oh, no! Tell me you’re not going to do that. I’ll talk with, Dad.” Wala akong ibang narinig na boses sa kusina kundi ang mga reklamo niya. Mukhang hindi niya talaga gusto rito. “Abuelo? Abuelo!” Halos maibato niya pa ang telepono nang binabaan siya ng tawag. “Argh! This is insane!” Muli siyang umupo sa tabi ko. Si Brian ay nililinis ang mga ginamit. Naghugas na rin siya ng plato. “Hayst, pinatapon na talaga ako ni Abuelo,” nakangusong aniya. Pinatong niya pa ang mukha sa counter. “Pwede bang tumawakas na lang?” tanong niya sa akin sabay pasada ng tingin sa paligid. “Puno ng CCTV camera ang paligid, bukod pa roon maraming guards ang nagkalat. Hindi madali ang tumakas,” sagot ni Brian sa kanya. Ngumuso naman ang isa at minasahe ang sentido. “My girlfriends are waiting for me.” Pagkatapos namin sa kusina ay bumalik kami sa sala. Hindi na ako nagulat nang makitang tulog na naman si Ashiro sa sofa. “Bakit kaya ang unfair ng mundo? Ang guwapo niya ‘pag tulog,” bulong ni Liam sa gilid ko kaya bahagya akong napatalon. Kung saan-saan na lang siya sumusulpot. “Pwede ba!” inis kong asik. Umupo ako sa sofa malapit sa fireplace. Kitang-kita ko si Shiro mula rito dahil ka-parallel nito ang sofa. Tumawa si Liam at umiling. Tahimik ko namang pinasadahan ng tingin ang tulog na Shiro. Matangos ang ilong niya at namumula ang labi. Kahit na tulog ay nakakunot pa rin ang noo. “Ikaw, huwag kang maingay! I want to take a nap,” banta ko kay Liam. Tumango siya sa ‘kin bago umupo sa isang couch malapit sa stereo. Ipinikit ko ang mata upang saglit na umidlip. Pakiramdam ko ay pagod ako kaya madaling nakatulog. “Whoa! I feel good!” “Dang!” Mula sa pagkakatulog ay mabilis akong nagising dahil sa malakas na boses na narinig. Napatayo ako at muntik pang mabuwal dahil sa pagkabigla. Nag-panic ako, napatingin ako sa paligid at ganun na lang ang galit ko nang makitang nakatutok na sa akin ang cellphone ni Liam. Sobrang lakas ng tugtog sa stereo na halos mabungol na ako. Tawang-tawa siya sa ginawang pagpa-prank sa ‘kin, kulang na lang ay gumulong siya sa sahig sa lakas ng tawa niya. Mas lalong nag-init ang ulo. Nahihilo ako dahil sa biglang tayo na ginawa. Nagtiim ang bagang ko at hindi ko na napigilan ang galit. Dinampot ko ang baril na nakalagay sa fireplace at walang pagdadalawang isip na itinutok sa kanya. “Dang you!” Doon ko lang din napansin si Shiro na dilat ang mata at galit na galit kay Liam. Saglit pa akong nagulat nang makitang tinutukan niya rin ng baril si Liam. “Patayin mo ‘yan,” mariing utos sa kanya ni Shiro. Nanlalaki lang ang mata ni Liam habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Chill lang kayo, masyado niyo namang seryoso.” Kinakabahan niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang baril na nakatutok sa kanya. Pinatay niya ang stereo na tumutugtog ng kanta ni James Brown. “What the hell, Liam!” galit kong sigaw sa kanya sa irita. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya! “Peace.” Kinakabahan siyang tumawa kaya mas lalo akong hindi natuwa. “Hindi ka nakakatuwa,” galit at seryosong sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang gulat sa sistema ko. “Oy, pinatay ko na ang stereo, ibaba niyo na baril niyo. Hehe.” “Do you really think it’s funny?” Lumapit ako sa kanya na naka-amba pa rin ang baril. “Eh, kung paglaruan ko kaya ‘yang bungo mo gamit ang baril na ito?” His jaw dropped, para bang ngayon niya lang napagtanto na walang joke time sa buhay ko. Lalapit pa sana ako nang isang beses, kaya lang napasigaw ako nang may nabasag na vase sa gilid ko. Nang makabawi ay pareho kaming napatingin ni Liam kay Shiro. He shoot the vase. My forehead creased. “Isa ka pa! Anong problema mo?” Sa kanya ko naman tinutok ang baril. Isang Linggo na yata akong nagtitimpi sa kanya! “Ano’ng problema ko?” Inangat niya ang tingin sa ‘kin at tinitigan ako nang mariin. “Ikaw.” He stood up, still pointing his gun to me. I scoffed of what he said. “Tss, hanggang ngayon naiinis ka pa rin ba dahil binutasan ko ang gulong ng kotse mo?” I smirked. “Hindi.” He gave me his deadly glare kaya napalunok ako ng wala sa oras. “Galit ako sa babaeng kagaya mo.” My anger boils up because of what he said. “Anong sabi mo?” “Simula nang dumating ka, kamalasan ang dala mo. Can’t you see? It’s your fault bakit tayo nandito. For the revenge of your mother? Ha!” He scoffed. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa baril. I don’t like people, especially those who bring up my mother. Kung hindi ko mapipigilan ang sarili, talagang makakalabit ko ang trigger “You shut up! I don’t even need you and all of you for my revenge!” “Kung ganun bakit tayo nandito? Because of you, because you’re a stupid and incapable risk taker woman.” “I said shut up!” galit ko na talagang sigaw. Pakiramdam ko ay tinatamaan ako sa mga sinasabi niya. “It’s true, easy words are–” “Hartiana!” Napabaling ako kay Brian na mukhang kabababa lang mula sa ikalawang palapag. Sa likod niya ay natanaw ko sina Shanon at Leron na paparating. “What’s happening here?” Leron said with an angry voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD