CHAPTER 13

1633 Words
CHAPTER 13 “What’s this commotion all about?” si Shanon sa galit na boses. I clenched my jaw and tighten my hold to the gun. Hindi ko na kaya na paulit-ulit na inaapakan ng lalaking ‘to ang pagkatao ko. Muli kong binalingan si Ashiro at nanlilisik ang mga mata na tiningnan siya. Hindi ko na palalampasin ang mga salitang binitiwan niya sa ‘kin. Wala akong dapat na patunayan sa kanya pero kung apakan niya ang pride ko sa napakaraming beses ay sobra-sobra na. I can’t let this man ruin what I tried to have! “Put your gun down!” sigaw ulit ni Shanon. Naunang binaba ni Shiro ang kanyang baril. He tossed it to the couch. Tamad niya akong tiningnan pagkatapos. “Ian,” narinig ko ang boses ni Brian. Somehow, it made me calm. Humigpit pa muna lalo ang hawak ko sa baril bago tuluyang ibinaba. “I can’t believe you two! Anong nangyari?” Nagpalipat-lipat ang tingin sa ‘min ni Shanon. She sighed when she realized na walang may balak na sagutin siya. “Okay then, you have to receive your punishment,” she said with finality in her voice. “Argh! Bakit ba kasi three hundred!” reklamo ni Liam habang nag pupush-up kami. Ito ang napili nilang parusa para sa ‘min. “Magbilang ka na lang!” sigaw sa kanya ni Shanon. “Ate, Shanon naman, eh! Pwede bang pakiusapan mo na lang si, Abuelo? Ayaw ko rito!” “You should be happy that you’re here, Liam. Marami kayo pero ikaw ‘yung pinadala rito. You’re lucky.” “Tss, walang kwentang pinsan. Ano namang swerte sa mag-push up? Saka wala naman akong kasalanan, ah? Si, Ian at Ashiro ‘yung muntik ng magbarilan.” “Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsimula ng lahat?” tiim bagang kong asik. Mabigat na ang katawan ko at sobra akong pinagpapawisan. I silently count the push-ups I’m making at the back of my mind. One hundred-five, one hundred six. “Paano kasi, ang init ng ulo ninyo. Inisip ko lang na baka makatulong si, James Brown.” Umirap ako. One hundred twelve. “Sana pala binaril na lang kita kanina,” seryoso kong sabi at mas binilisan pa ang ginagawa. Si Shanon ang nagbabantay sa ‘min kasama ang isang gwardya. Sa ground malapit sa pool niya kami pinarusahan kaya kita ko ang nag-aagaw dilim na araw at gabi. Brian finished the three hundred push-up first, sumunod naman si Ashiro. Ako ang pangatlo at ang pinakahuli sa lahat ay walang iba kundi ang puro reklamo na si Liam. “I hope this will serve a lesson to all of you, kapag naulit pa ito. Doble na ang kailangan ninyong gawin,” ani Shanon bago kami pinakawalan. Kita ko pa ang pagpasada niya ng tingin sa ‘kin at kay Ashiro. Umakyat ako ng kwarto at agad na inayos ang mga gamit ko. Nakita ko sa maleta ang cellphone at iilang mga importanteng gamit. Pati picture frame ni Mama ay naroon din. I stared at my beautiful mother. She’s smiling at the camera and she seemed at peace. Kahit may katandaan na siya sa litrato ay wala pa ring kupas ang ganda niya. Pinadaan ko ang daliri sa kanyang mukha. Staring at this photo reminds me of my chosen path. Siguro nga ay wala na akong magagawa, buo na ang desisyon ni Zin na ilagay ako rito. Katatapos ko lang maligo at magbihis nang tawagin ako ni Brian para sa dinner. I just wore my white sando and black high waisted shorts. Wala akong makitang matino na pambahay bukod sa suot ko ngayon. Our dinner was silent and awkward. Magkatabi kami ni Brian at kaharap namin sina Liam at Ashiro. Pareho namang magkaharap sina Shanon at Leron. Hindi ko alam pero lagi kong nahuhuli ang titig sa ‘kin ni Ashiro. It’s a little bit awkward for me but I come to managed myself. “I hope it finally sink in to all of you,” basag ni Leron sa katahimikan. Lahat kami ay napatingin sa kanya. “Build your relationship ‘cause I want you to work as a team.” Marami akong objections sa sinabi niya ngunit pinili ko na lang ang tumahimik. “I need all of you to cooperate and adjust immediately. And by the way, starting tomorrow, your training will officially start.” “Question,” Liam raised his hand. “Go on.” “Are we going to continue our course?” Sinamaan ko siya ng tingin sa tanong niya. But somehow, matino naman. “Of course. But we already requested the school to give all of you a flexible schedule.” Ngumuso si Liam. “Akala ko hindi na ako mag-aaral.” Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nalulungkot. I finished unpacking my things after the dinner. Paulit-ulit ang buntonghininga ko habang ginagawa iyon. Gusto kong tanggapin na dito muna ako titira pansamantala kaya lang ay labag talaga sa kalooban ko. Iyon lang ang iniisip ko hanggang sa matapos ako sa ginagawa. I charged my phone, gusto kong tawagan si Zin ngunit patay ang cellphone ko. After doing some night routines ay nagpasya na akong humiga sa kama. Kaya lang ay hindi ako makatulog, muli akong bumangon at nagtungo sa balkonahe ng kwarto ko. I open the tinted sliding door. Agad na bumungad sa akin ang malamig na panggabing hangin. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig. I walk near the railings and lean my arms on it. Namamangha kong pinasadahan ng tingin ang nagkikislapang mga bituin at ang madilim na kagubatan sa malapit. Tanging mga tunog lang ng insekto ang naririnig ko sa payapang gabi. Hindi ko alam ngunit hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Dahil sa katahimikan ay binabalot na naman ako ng puot at paghihinagpis. Pakiramdam ko ay binabalot ang puso ko sa isang matinik na mantel. Paulit-ulit akong sinasaktan hanggang sa mapagod ang katawan ko. Napatingin ako sa kabilang balkonahe nang marinig ang pagbukas nito. Lumabas si Brian at nagulat nang makita ako. “Can’t sleep?” Tinaasan niya ako ng kilay. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko kaya umiwas ako sa kanya. “Wait a sec,” aniya bago muling pumasok sa kwarto niya. Wala pang minuto ay muli na siyang lumabas bitbit ang isang makapal na jacket. “Here, wear this.” Inabot niya sa akin ‘yon. Saglit pa akong natulala bago inabot ang jacket. Hindi ko na inabala ang sarili na ipasok ang mga braso. Basta ko lang ‘yon pinatong sa aking balikat. “Donna texted me, nag-aalala siya dahil hindi ka raw niya ma-contact. You should call her,” he said shortly after the silence. “Low battery ang cellphone ko." “I see, tatawagan ko siya later. Para maayos siyang makatulog. She keeps telling me to check on you, aniya pa ay tumawag na raw ako ng pulis.” Pagak siyang natawa sa sariling kwento. “Hindi ko alam. . . kung deserve ko ba ang maging kaibigan si Donna,” I said to Brian. Nakatulala lang ako sa kawalan. The more Donna is showing me how genuine she is, the more I felt the guiltiness inside of me. “You deserve each other, you’re best of friends, remember?” “Donna is innocent, she doesn’t deserve a criminal friend,” I answered, dropping the ball. “Bago kayo naging magkaibigan, wala kang alam, Hartiana—” “Wala ‘yong pagkakaiba sa ngayon na alam ko na ang totoo, Brian.” Bumaba ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa railings. Pinatong niya ang kamay doon at tinawid ang konting distansya ng balkonahe naming dalawa. “Don’t think too much about it. You deserve what you deserve, you deserve what you have.” I smiled bitterly at what he said. So I deserve this pain as well? Why? Kasi anak ako ng criminal. Mafia boss at isang illegal dealer. Maayos ang tulog ko nang bigla akong magising sa lakas ng katok sa kwarto ko. Kusot-kusot ang mata ay tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table. Humihikab pa ako nang makitang alas quatro pa lang nang umaga. Muling kumatok ang kung sino man sa kwarto ko. Sobrang lakas niyang kumatok at kulang na lang ay sirain niya ang pinto ko. “Sandali!” naiirita kong sigaw. Sino ba ‘to at sinisira ang tulog ko? “Ano ba!” sigaw ko sa gwardya nang pagbuksan siya ng pinto. Wala akong pake kahit na gulo-gulo pa ang buhok ko. Naiirita ako! “Magsisimula na po ang training niyo, we’ll give you ten minutes para makapaghanda.” My eyes widened. “Training? Ten minutes?” patanong kong sigaw. “Bakit ang aga?” Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakitang wala pang araw sa labas. Maging sa kwarto ni Brian at Liam ay may gwardya rin na naka-abang. Kay Brian ay mukhang naghihintay na ang gwardya, si Liam naman ay kinakatok pa rin hanggang ngayon. “Ten minutes,” imbes ay aniya sa akin. “Hell!” Malakas ko siyang pinagsarhan ng pinto bago tumakbo sa banyo para maligo. Ten minutes his ass! Ten minutes ako kung maligo! Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit. Nagsusuklay pa ako ng buhok nang kumatok na naman siya ulit. Napairap lang ako. “Maghintay ka r’yan.” Muling lumakas ang katok niya pero binalewala ko lang. Bahala siya d’yan. Ngunit nagulat ako nang marinig ang kalikot sa aking doorknob. Pag baling ko ay siya ring pagbukas ng gwardya sa pinto ko. Hawak niya pa ang susi na ginamit. “Pambihira,” bulong ko sabay kuyom ng panga. “Get her,” utos ng gwardya sa dalawa niyang kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD