CHAPTER 14 Two rounds ng jogging sa napakalamig na umaga. Nagsisi tuloy ako kung bakit nagsuot ako ng sports bra at leggings. Pakiramdam ko ay pinupulupot ang tiyan ko sa lamig ng hangin. “Hindi ka ba kakabagin d’yan sa suot mo?” tanong sa ‘kin ni Liam habang sinasabayan ang pagtakbo ko. Saglit ko siyang binalingan pagkatapos ay inirapan. “Pake mo?” masungit kong ani. Hindi maganda ang umaga ko kaya sana lang ay huwag niya ‘kong asarin. “Bad mood pa rin?” tanong niya ulit. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo pero sinabayan niya ulit ako. Madilim pa ang kalsadang tinatakbuhan namin, salamat sa streetlights at may ilaw kami. Walang malapit na kabahayan sa mansion, ang nadadaanan namin ngayon ay puros gubat at palayan lang. “So, ilang taon ka na?” Liam blurted a question beside me. Hind

