CHAPTER 28 VISTA… “ANG CUTE naman ng apartment mo,” sabi ko pagpasok na pagpasok pa lang namin. Hindi ko na maiwasan na i-imagine ang mga aayusin ko sa bahay ni Waylon, marami pang kulang na mga gamit. Actually halos wala namang gamit ang bahay niya, may kama lang tapos lamesa at dalawang upuan. Ni lutuan nga wala siyang gamit pa, halatang kakalipat lang talaga. Studio type ang apartment ni Waylon na kita mo na ang lahat, nakabukod lang ang banyo na sa tingin ko ay iyong maliit na pintuan sa may sulok ang banyo. Nakikita ko ang lababo para sa mini kitchen ni Waylon. “Pang sa atin lang naman, kaya hindi na ako naghanap ng malaking apartment. Isa pa ‘pang ganitong apartment lang naman ang kaya ng budget ko.” ani Waylon. Nilingon ko siya, nakita kong nakatingin siya sa akin na para bang

