Chapter 27 WAYLON… NAGISING AKONG wala na sa tabi ko si Vista, pero madilim pa sa labas kaya pipikit pa sana ako. Pero nang maisip kong wala sa tabi ko si Vista agad akong tumayo at hinanap siya. ‘pag bangon ko doon ko lang napansin na wala pa pala akong kahit na anong saplot sa katawan ko. Naalala ko na hindi na nga pala ako nagdamit mula pa kahapon, ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nang tignan ko ang orasan alas-tres pa lang ng madaling araw. “Nasaan baa ng babaeng iyon?” tanong ko sa sarili ko habang pinupulot ko ang boxer short ko. Hinanap ko pa ang damit na hinubad ko kahapon pero hindi koi yon makita, kaya tanging boxer shorts lang ang suot ko nang lumabas ako ng kwarto. “Vista!” tawag ko sa kanya habang pababang hagdan. “Kitchen!” narinig kong sigaw n

