Chapter 26 WAYLON… “HINDI MO naman hiningi sa akin ang sasakyan. Kusa kong binigay, kasi regalo ko sa ‘yo.” Kanina pa kami nagtatalo ni Vista, kasi talaga binili na niya ng tuluyan ang sasakyan at ngayon nga ay kailangan na naming ilabas. Papaano ko tatanggapin ang sasakyan na ito, na hindi ako magmumukhang pineperahan lang si Vista. Kasi kahit na anong baliktad ko ng sitwasyon ganoon at ganoon na ang nakikita ko. Pineperahan ko si Vista, in a way na wala naman talaga akong intension na gawin iyon. “Pwede mo naman akong regaluhan ng damit, ng sapatos, ng bag, hindi ng sasakyan na nagkakahalaga ng milyon-milyon Vista. Ano na lang ang sasabihin ng Uncle mo sa akin, na sinasamantala ko kayo. pinag-aaral na nga ako ng Uncle mo kapalit ng napakadaling trabaho na bantayan ka. Na nagawa ko pa

