Episode 3

927 Words
Biyernes ng umaga, naglalakad na ako papasok sa aming paaralan ng may marinig akong mga yabag ng taong tumatakbo palapit sakin .. "Sarah!" sigaw ni Jane, Gina at Janna ... "ano nanaman? ang aga aga pa para mang inis" pabiro kong sabi "sabado na bukas, nakapag desisyon kana ba kung pupunta ka o hindi?" tanong ni Gina "saan?" seryoso kong pagtatanong, kasabay nito ang paglapat ng palad ni Jane sa noo ko "bukas, dun sa makulay na lahi ba yun? anu nga yun?" "HAHAHHAH" tawa ko , at natawa nadin sila "ayoko, wala akong interes" sagot ko .. "huh? eh bakit naman? sayang naman andun si L.O.M.L mo" mariin nyang binigkas ang mga huling salita , ako naman na nagtataka sa kanyang sinabi "Anong L.O.M.L pinagsasabi mo? Taga Earth po kami, di namin kailangan ng kaibigang taga outer space dito" "abnormal ka talaga no?" sabay hila sa dulo ng aking buhok "aray, anu ba! Di ko nga kasi alam kung anong pinagsasabi mo" pang aasar na sagot ko .... Huminga sya ng malalim at sinagot ang tanong ko "L.O.M.L stands for love of my life" sabay ngisi nya saakin "AHHAHAHAHAH" malakas na tawa ko , "sino yun?" tanong ko "yung lalaking nakita ko? sus, wag nyo na isipin yon" dagdag ko ... "bakit naman? grabe ka nga makatitig sa tao na yun tapos di ka makapag salita, ayiieee" pang aasar nila saakin "sino nag sabi? nabigla lang ako non" sagot ko "bakit ba kasi ayaw mo? ayaw mo ba siyang lubos na makilala at makasama sa halos araw-araw? ikaw rin, malay mo naman dahil nilapitan ka nya nuong nakaraan eh, gusto ka na rin nyang makilala" sambit ni Janna habang matalim na nakatingin at nakangisi saakin .. Bigla ko tuloy na alaala, bago siya tuluyang lumabas saaming silid ay sinambit nya ang "kitakits sa sabado, aasahan ko kayo" ngunit binanggit ang huling mga salita na nakatingin saakin .. napakamot ako ng ulo , nagkataon lang siguro yun at parang may hindi maganda akong nararamdaman .. "ah basta ayaw ko parin , wag nyo na ko pilitin" sagot ko "ok sige, ikaw bahala .. basta kami may kanya kanya kaming sasalihan" napatingin ako sakanila ng mayroong pagtataka "may sasalihan kayo?" tanong ko "Oo meron, si Gina sa Math Club, si Janna sa English Club at ako naman ay sa Science Club" nakangiting sabi ni Jane .. "Wow, kayo na matalino, edi good for you" sambit ko habang naka ngisi "Sayang kasi ang mga oportunidad, dagdag grades at experience nadin, tutal gusto ni Gina maging Engineer kaya sa Math Club sya sumali, si Janna sa English Club dahil gusto nya sumali sa journalism na gaganapin sa iba't ibang paaralan at ako naman dahil mahal ko ang Science kaya doon ako sumali, ikaw lang ang walang sasalihan saating apat" sambit ni Jane "Wag nyo na ko isipin, Goodluck sainyo" sambit ko at tuluyan na kaming pumasok sa aming klase .. --- Lumipas ang maghapon ng tahimik at normal ang aming buong klase, dahil biyernes ngayon ay pwede kaming mag gala gala muna bago umuwi .. "tara na! san tayo? tanong ko habang nakangiti nag tinginan sila at ibinalik ang tingin saakin "bakit?" tanong ko "diba nabanggit na namin sayo kanina na may kanya kanya kaming sinalihan?" sambit ni Gina , tumango ako "oh anong meron?" nagtinginan ulit sila .. "ngayon ang umpisa namin" tumango si Janna at Jane sa sinabi ni Gina "h-huh? ngayon na agad? di ba pwedeng mamaya na kayo pumunta dun o bukas? kailangan ngayon na talaga?" mariin kong pagtatanong "hindi pwede sarah, 1st day namin eh, ayaw naming masira ang tingin nila saamin , kabago bago pa lang namin eh" sagot ni Janna "Hayy" sabay hinga ko ng malalim "sige, sige .. Goodluck sainyo" ngumiti naman sila at niyakap ako "sumali ka na din kasi doon, para lahat tayo ay may pinagkaka abalahan at di ka maiwan kapag wala kami, makakahanap ka rin doon ng mga bago mong makakasama, masaya yun dahil marami tayong makikilalang bago" nakangiting sabi nya "ahhh bahala na , sige na at baka mahuli pa kayo" sambit ko "itry mo lang malay mo naman? tapos andun pa si -- " "ewan ko sainyo, umalis na nga kayo, alis ! alis !" pagtutulak ko sakanila at sila naman ay tawa ng tawa habang papalabas ng classroom Naglalakad na ko pauwi ng may nakita akong pamilyar na likod, agad naman akong nag tago sa kumpul kumpol na mga tao at naramdaman ko ang pagtibok ng mabilis sa aking dibdib "Bakit ba ko nagtatago? kilala nya ba ako? magkakaroon ba ko ng kasalanan sa kanya kung di ako pumunta at higit sa lahat bakit ako nag kakaganto?" tanong ko sa sarili ko na patuloy na nag lalakad sa likod ng mga tao hanggang sa makalabas na ako ng paaralan .. "hayy.. di talaga ako pupunta bukas .. ngayon pa lang ay ganto na ang kaba at paghihirap na nararanasan ko maiwasan lang sya, kahit di naman nya ako kilala at di nya din naman ako mapapansin pero bakit ako nag tatago , napahampas na lang ako sa aking noo at napapa sambit ng "hayy" kaya naman maraming tao ang napapatingin sakin .. Hating gabi na, at gising padin ako at nag iisip .. "ano ba kasi talaga Sarah?" tanong ko sa aking sarili "pupunta ka ba upang makilala sya o dahil gusto mong palawakin ang kaalaman mo sa pag sayaw at pagtugtog?" pero teka di ako sasali dahil lang gusto ko syang makilala , syempre ang dahilan ay upang palawakin ang kaalaman ko sa pag sayaw at pagtugtog "tama tama, yun na nga" pagkukumbinsi ko sa sarili ko .. "pero teka , di parin ako pupunta, ayoko talaga.. ayoko!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD