Episode 4

349 Words
"Goodmorning, welcome sa aming Club .. Bughaw na Lahi" sabay ngiti ng lalaking nag pakilalang instructor nila .. Nagtataka ako sa mga paa ko, bakit nila ako dinala dito, hayyyy ... Hindi ko talaga gusto to eh , huhuhu -_- Pinuntahan kasi ako ng maaga ng classmate naming si Mira, sabay daw kami pumunta kahit sinabihan ko na sya na di ako interesado pero pinilit nya ko , subukan ko lang daw kasi nilapitan din daw ako nung lalaki na yun ... Hindi ba ko pwede tumanggi , hayy naku talaga .. pero sandali lang ... hindi ko pa sya nakikita simula kanina. "Mag-umpisa na tayo" sigaw ng instructor akmang tatayo na sana kaming mga baguhan ng pinigilan nya kami .. "maupo muna kayo diyan, pag masdan nyo muna ang pang araw-araw na gawain namin at kung paano namin inuumpisahan ang araw" Nag umpisa na silang mag exercise ng wala pa rin ang lalaking yun .. Habang kami ay nanunuod, napapansin namin na pahirap ng pahirap ang exercise na kanilang ginagawa .. napapa aray ako sa ginagawa nila at iniisip kung kakayanin ko ba yang gawin sa araw araw .. "Bilisan mo na late na tayo" may narinig akong nag sasalita papasok sa practice room at bago pa man tuluyang makapasok ang taong yun ay amoy na amoy na ang halimuyak ng kanyang pabango .. napaka bango nito. Napatingin ako sa taong nag sasàlita "andito na siya" sambit ko sa aking sarili ng makita ko ang taong pumasok sabay ng aking pag yuko .. ayaw kong mapansin nya ulit ako , nakakahiya .. Naramdaman ko nanaman ang pagtibok ng mabilis ng aking puso .. Sa pag pasok nya ay may kasunod rin siyang pumasok na babae .. babae ang kasama nya at pareho silang late , nag kataon lang siguro .. Sino kaya yun , ano kayang relasyon nilang dalawa? Napaka gwapo nya at napaka ganda ng babaeng kasama nya .. Nakaramdam ako ng maliit na pagkirot sa aking dibdib .. anu bang nangyayari sakin? Pumila sila sa likod, at nag umpisa na ring sumali sa kanilang pag eexercise .. Hindi ko maiwasang di tumingin sakanya .. Nakakaramdam ako ng kaba, hiya at panginginig sa aking buong katawan tuwing maiisip o makita ko siya ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD