" Nasaan si Reyna Reann, Bernard? " tanong ni Cedie sa kanyang kanang kamay nang itinigil niya ang kanyang ginagawang pag-aaral sa mga dokumento. " Nasa Kanlao ngayon ang Reyna Reann, Mahal na Hari. Ipinahatid ko siya kanina ayon na rin sa kanyang kagustuhan, " sagot ni Bernard sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Cedie at napapikit ng kanyang mga mata. Sa mga nagdaang araw na magkasama sila ni Reann, hindi na niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman. Para bang ang maaliwalas na mukha ni Reann ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang liwanag sa tuwing nakikita niya ang kanyang mga ngiti. Ang bawat galaw niya ay napapansin na niya, ang bawat tawa niya ay nagmistulang isang magandang musika. Nasa ganoong pag-upo siya nang biglang may kumatok sa pinto ng opisina. Agad na tuma

