" Anong sabi mo, Haring Cedie? " nauutal na tanong ni Reann sa kanya. Napabuntong hininga at napapikit na lang ng kanyang mga mata si Cedie. Pagkatapos ay tumingin siya kay Reann na seryoso ang mukha. " Ang sabi ko ay ayaw kong makipaghiwalay sa iyo, Reyna Reann! " may diing sagot ni Cedie sa kanya. Napalaki ng mga mata si Reann. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya o kung ano ang sasabihin niya. Parang nablangko ang kanyang utak at parang umurong ang kanyang dila. Nakaramdam din ng pagkainit sa kanyang mukha dahil sa mga sinabi ni Cedie sa kanya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso kaya napahawak si Reann sa kanyang dibdib. " Pwede kang magsalita, Reyna Reann, " sabi ni Cedie sa kanya na siyang nagpabalik sa kanyang ulirat. " Ha? May sinasabi ka, Haring Cedie? " tanong ni Reann

