" Handa ka na ba? " tanong ni Cedie kay Reann. Nakasakay na silang dalawa sa karwahe papunta sa konseho. May nararamdamang kaba si Reann sa kung ano ang gagawin iya pero pinilit niya pa ring ngumiti. " Kinakabahan pero alam kong handang-handa na ako! " sagot ni Reann kay Cedie. Napangiti na lang si Cedie dahil sa sinabi ni Reann. Nang makarating sila ng konseho, agad silang nagtungo sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong. Pagpasok nilang dalawa, kompleto na ang mga Rama. Tumayo silang lahat at binati si Cedie at Reann. " Maupo tayong lahat, " utos ni Cedie sa kanila na agad naman nilang gina. " Nagpatawag ako ngv pagpupulong ngayon dahil sa isang malaki at napahalakagang usapin, " sabi ni Cedie sa lahat ng Rama. " Ang lahat ng ito ay iuulat ni Reyna Reann dahil siya

