" Hindi ka naman marunong sumayaw, Haring Cedie! " komento ni Reann sa kanya. Nasa Kanlao sipa ngayon para turuan ang mga bata. Bago sila magsimula ay kakanta at sasayaw sila para magkaroon ng motibasyon ang mga bata para matuto. " Paano ba? " tanong ni Cedie kay Reann. " Ganito, panoorin mo kami para matuto ka, " sabi ni Reann sa kanya. ." Handa na ba kayo mga Blbat? " tanong pa ni Reann sa mga bata. " Opo, Reyna Reann! " sabay-sabay na sigaw na sagot ng mga bata. " May tatlong bibe akong nakita, " pagkanta nila na sinabayan nila ng pagsayaw. Hindi maiwasan ni Cedie ang napailing at mapangiti dahil sa kanilang ginagawa. Nang matapos sila sa pagkanta at pagsayaw, nilapitan ni Reann si Cedie at hinila paharap sa mga bata. " Isa pa, mga bata, ah! Sabayan natin si Haring Ced

