Chapter 58

1703 Words

Pagkauwi na pagkauwi ni Cedie at Reann mula sa pagamutan, agad nilang hinanap ang Amang Hari at Inang Reyna para ibalita sa kanila ang kanilang nalaman. " Buntis si Reyna Reann, Amang Hari, Inang Reyna! " masayang pagbabahagi ni Cedie sa kanyang mga magulang. Gulat na gulat ang Amang Hari at Inang Reyna dahil sa sinabi ni Cedie. " Talaga? Paano kayo nakakasigurado na buntis siya? " tanong ni Inang Reyna kay Cedie. " Galing kaming dalawa ni Reyna Reann sa Pagamutan dahil masama ang pakiramdam niya at doon ay nalaman namin na nagdadalang-tao siya! " masayang sagot ni cedie sa tanong ng kanyang ina. Mabilis na niyakap ni Inang Reyna si Reann na kinagulat niya. " Hindi mo lang alam kung gaano mo kami napasaya, Reann! ? May magiging apo na kami ni Jacob! May aalagaan na kaming apo! "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD