" Maligaya akong malaman ang kalagayan mo, Reann! " nakangiting pagbati ni Prinsipe Noah sa kanya. " Salamat, Prinsipe Noah. Sa totoo lang ay hindi naming inaasahan ni Haring Cedie ang biyaya na ito, " pasasalamat niya. " Paano ngayon iyan, Reann? Gusto ka raw makausap ni Apo Simon sa susunod na araw at gusto kang makita ng mga bata sa Kanlao, makakapunta ka ba? " tanong ni Prinsipe Noah sa kanya. " Bakit naman ako hindi makakapunta, Prinsipe Noah? Hindi pa naman gaano maselan ang aking pagbubutis, eh! " sagot ni Reann sa kanya. Napangiti si Prinsipe Noah dahil sa sinabi ni Reann, " Kung ganoon, magkita na lang tayo sa Kanlao sa susunod na araw, Reann! Siguradong sasaya ang mga bata kapag nakita ka nila, " huling sinabi ni Prinsipe Noah sa kanya bago siya umalis. nang makaalis si

