" Mga palatuntunin? Seryoso ka? " nagtatakang tanong ni Reann kay Prinsipe Cedie. Napataas ng kilay at gi di nawawala ang pagkaseryoso ng mukha ni Prinsipe Cedie sa kanya. " Mukha ba akong nagbibiro sa iyong paningin, Prinsesa Reann? " sagot niyang tanong. Napailing na lang si Reann sa sinabi ni Prinsipe Cedie. Tumingin siya sa kanya at nagtanong. " Ano naman ang mga palatuntunin na sinasabi mo? " tanong pa ni Reann. Napabuntong hininga si Prinsipe Cedie at pagkatapos ay tumingun kay Reann. " Una, hindi tayo magsasama sa iisang kwarto, " unang palatuntinin niya. " Walang problema sa akin 'yan! " sabi naman ni Reann sa kanya. " Mabuti naman kung ganoon dahil hindi ko masikmura na makita iyang mukha mo. Naaalala ko kung gaano ka kadesperadang makasal sa akin kahit na alam mon

