Hindi pa sumisilil ang araw nang magising si Reann mula sa kanyang pagkakatulog. Nasanay siyang maagang magising dahil noong nasa puder pa siya ng kanyang tiyahin, siya na ang naglukuto sa mga ito ng agahan. Ngayong nasa ibang mundo na siya, ganito pa rin pala ang magiging kapalaran niya. Nang makarating si Reann sa malawak na kusina, agad niyang hinanap kung nasaa ang mga lulutuin niya. Inilibot niya ang kanyang paningin pero wala siyang makitang gaya ng imbakan ng pagkain sa kanyang mundo tulad ng Refrigerator. ' Nasaan ang mga lulutuin ko? Saan ako magluluto? Puro pinggan at mga kagamitan lang sa pagkain ang nakikita ko! ' mga tanong ni Reann sa kanyang sarili. ' Sana pala ay nagtanong ako kung saan ko makikita ang mga sinabi nilang mga imbak na pagkain! ' sabi la niya sa kanyan

