" Masarap naman ang niluto ko, ah! Anong sinasabi niya kanina na kahit aso ay ayaw kainin ang luto ko?! " hindi makapaniwalang tanong ni Reann habang kumakain siya ng agahan. Nang matapos siyang kumain, iniligpit niya ang lahat na nasa mesa. Tinakpan niya mga natirang pagkain at ang mga ginamit na mga pinagkainan ay hinugasan niya. Paglabas niya ng kusina, dakto naman na pababa si Prinsipe Cedie. Nakasuot siya ng isang pulang magarbong kasuotan. May mga palamuting bituwin sa manggas nito na nagsasabi ng kanyang ranggo sa lipunan. Tumingun lang si Prinsipe Cedie sa kanya at pagkatapos ay naglakad na siyang palabas ng kanilang tinitirhan. Nagkibit balikat na lang si Reann at nagtungo sa kanyang kwarto para makapaghanda na rin. Alam niyang darating na si Ana na siyang gagabay sa kanya

