Lumaki ang mga mata ni Reann nang marinig niya ang sinabi ng isang babae sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya pero sa tono ng boses ng babae, para bang may hinanakit siya sa mga Mahar. Napatingin si Reann kay Ana na napapailing lang sa kanya. Hindi niya maunawaan kung bakit ba parang gakit ang babae sa mga Mahar kaya mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob para alamin kung ano ba ang nangyayari sa lugar na kung saan nakatira ang mga Walan. Nagdesisyong lumapit si Reann sa babae. May isang batang babae na nasa kanyang likuran kaya ibinigay niya ang pinakamatamis na ngiti sa mga ito. Ramdam niya ang panlilisik ng mga mata ng mga Walan pero hi di na lang niya ito inintindi. Napatingi si Reann sa nasa harapan ng babae, mga tela ito na kanilang binebenta para magkaroon n

