Natalie's POV Nagpahila na lamang ako. Hindi na uso ang pakipot sa ganitong pagkakataon. "Sakay at kumapit ka ng mabuti ah." sabi ni Tyler. "Okay." Pinaandar na nito agad ang motor bago pa man din sila masundan ng mga tauhan ni Jade. Sobrang bilis nitong magpatakbo. "Ano bang gusto mo? Lilipad tayo biyaheng langit??" "Hindi. Kung di ko bibilisan baka maabutan nila ako." "Nino?" "Sa likod mo." Napalingon naman si Natalie. Tatlong itim na kotse ang humahabol samin. "Sino sila?" tanong ko. "Basta. Kumapit ka lang muna." "May b***l ka?" "Bakit???" napataas ng konti ang boses niya. "Babarilin ko nalang para di na sumunod." Sambit ko. Masyado kasing sagabal. "Wag. Baka mas lalo pa tayong mapahamak. Basta kumapit ka nalang ng mahigpit." Wala na nga akong nagawa at kumapit naman ako

