Chapter 4 - Reto

1558 Words
“Ihi lang ako,” paalam ni Mauve nang matapos ang nagpe-perform na banda at tumayo. Tiningnan lang siya ni Jade. “Eh, ‘di umihi ka. Hawak ba namin pantog mo?” “Sungit mo na naman, girl. Time of the month na naman ba?” Ngumisi si Mauve bago may nilingon sa paligid at isang iglap lang ay nawala na agad ang bruha. Tahimik lang ako sa kinauupuan at abala sa pag-inom ng beer. Tinatamaan na rin ako dahil masiyadong marami ang in-order nilang alak at ‘di ko kayang kontrolin ang mga naiinom ko. Si Jade ay abala sa pag-ce-cellphone at pagtingin sa kung saan. Hindi ko naman maintindihan kung sino ba ang tinitingnan niya. Si Thalia naman ay tumayo rin kanina matapos mag-perform ng banda. Nilapitan niya ang mga ito, kakilala niya yata ang isa. Si Toshi, naroon na sa kabilang table at nakangiti sa cellphone niya. May hinaharot na naman yata ang loko. Tahimik lang kami ni Archie habang nagmamasid sa paligid nang muling lumapit si Thalia sa table namin kasama ‘yong mga miyembro ng banda. “Hi, guys! They are the band who performed kanina. Regular na sila rito from now on!” bungad ni Nathalia at nilingon ‘yong isang kasama niya. ‘Yong lalaking maputi at may cross earrings. Iyon siguro ang sinasabi niyang crush noong nakaraan. “Si Matt nga pala, drummer ng band nila.” Nag-hello kami sa kanila pati roon sa lalaking pinakilala niya na Matt ang pangalan. “Hello,” tanging sabi ni Jade at hindi na pinansin ‘yong lalaki na sa kaniya agad nakatingin. “Hi, Matt! I’m Ace,” tanging pakilala ko. Ngumiti naman ito sa akin at binati rin ako, pagkatapos ay si Archie. “Ito naman si Dabin. She’s from Communication Arts. Vocalist nila! Dabin, they’re my friends. Don’t worry, mabait ‘yang mga ‘yan!” sabi ni Thalia habang katabi niya ‘yong babaeng blonde ang buhok, ‘yong vocalist kanina. Agad na nagtama ang paningin namin at ngumiti siya sa akin, parang medyo nahihiya. Yumuko siya saglit. “Hi, Dabin! I’m Ace, Thalia’s friend. Ang ganda ng boses mo!” pakilala ko. Inilahad ko pa ang kamay ko para makipag-shake hands sa kaniya na agad niya namang tinanggap. “Hello, Ace,” mababa ang boses na sabi niya. Ngumiti naman ako. Ang ganda at amo ng boses niya. Pati na rin ang mukha niya. Para siyang anghel! May kamukha rin siyang korean singer. Sunod niya namang tiningnan si Archie na nakatingin na sa kaniya. “Archie,” tanging saad ni Archie at inilahad ang palad niya. Tiningnan naman ‘yon ni Dabin. Pinanood ko silang dalawa na mag-shake hands. Pagkatapos ay malawak na ngumiti si Dabin habang nakatingin sila ni Archie sa isa’t-isa. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring nagbubukas ng bote. “Dabin,” dinig kong pakilala ng babae kay Archie. Ipinakilala rin ni Nathalia ang iba pa nitong mga kabanda. Hindi ko matandaan ang mga pangalan. May isa pa raw silang kasama pero wala rito ngayong gabi. Nakiupo na sa amin ang mga ito at sumama sa table namin habang hindi pa sila magpe-perform ulit. Umupo ‘yong Matt sa tabi ni Thalia. ‘Yong iba naman ay sa bakanteng upuan. Malaki ang table at pangmaramihang tao. Wala nang ibang bakanteng upuan maliban sa upuang inalisan ni Toshi kanina at sa upuan ni Mauve na kababalik lang galing sa rest room. Wala namang ibang maupuan si Dabin kundi sa upuang inalisan ni Toshi, sa tapat ko at sa kabilang side ni Archie dahil si Archie ang nasa dulo ng mesa. “Umiinom ka ba, Dabin?” pagkausap ko rito dahil busy na si Thalia sa pagkausap kay Matt. Nakakahiya naman kung maa-out of place siya sa table namin. Tumango ito. “Konti lang.” “Beer?” tanong ko ulit na ikinatango niya. Binuksan ko ang isang bote at sinalinan ang isang shotglass. “Here.” Inabot ko sa kaniya ang shotglass na tinanggap niya naman agad. Hindi na ako nag-shotglass dahil diretso kong tinutungga ang beer mula sa bote nito. Kinausap na rin ni Mauve si Dabin para hindi ito ma-out of place. Mukha naman siyang mabait at ‘di makabasag pinggan. ‘Yong para bang hindi gumagawa ng mga kalokohan sa buhay! “Ah, almost two years na rin ang banda. Pero halos isang taon pa lang ako bilang vocalist. I replaced the old one due to some reason,” kwento ni Dabin nang tanungin siya ni Mauve. Hindi siya madaldal. Sinasagot niya lang talaga ang mga tinatanong sa kaniya at pagkatapos ay ngingiti lang. “Ang ganda ng boses mo. Parang nanghehele! Bagay sa ‘yo!” I can’t help but compliment her. Natutuwa ako sa kaniya. Para kasi siyang anghel. Bihira na lang ako makakilala ng gano’n dahil itong mga kaibigan ko ay puro bardagulan ang ginagawa. Malawak na nakangiti sa akin si Dabin dahil sa sinabi ko. “Thank you.” Saglit pa kaming nag-usap-usap doon habang si Archie ay nakikinig lang hanggang sa biglang lumapit sa table namin si Toshi. “Ace, tara, may papakilala ako sa ‘yo!” maingay na sabi nito at hinatak ako patayo. Natigilan siya nang mapansin ang ibang tao sa table namin. “Oh, kayo ba ‘yong band na nag-perform kanina?” Tumango ‘yong isang kasama nila at bumati kay Toshi. Binati naman sila nito pabalik pati na rin si Dabin at muli akong hinatak. “Ano ba ‘yon, Toshi?” reklamo ko at nilapag ang bote ng beer sa mesa. Hindi naman ako nito pinansin at hinatak lang palayo. Napalingon pa ako kina Archie at Dabin na nakatingin lang sa amin. Ngumiti na lang ako bago sumunod kay Toshi. Nang medyo makalayo na kami sa kanila ay saka ko binatukan si Toshi na agad nagreklamo. “Ano ba kasi ‘yon, Toshi?! Kung makahatak ka, parang wala nang bukas!” reklamo ko at binawi ang braso ko sa kaniya. “May ipapakilala ako sa ‘yo. Crush ka nito, matagal na. Baka lang type mo rin.” Nginisian niya ako bago ngumuso sa isang direksyon. Nang tingnan ko ang sinesenyas niya ay nakita ko ang isang lalaki, hindi ko kilala pero parang nakita ko na. “Ano? Gago ka ba? Sino ‘yan?” halos pabulong na tanong ko kay Toshi. Nilingon naman kami ng lalaki at bahagyang ngumiti. May hawak pa itong shot glass sa kamay nito. “Taga-Arki ‘yan. Si Jared. Nagpapatulong, eh. Pasalamat ka may kaibigan kang gwapo na tulad ko, may lumalapit sa ‘yo. Saka may nagkaka-crush pa pala sa ‘yo, ‘no?” Nang-aasar ang boses niya. “Pinagti-trip-an mo ba ako? Tingnan mo nga ‘yong ganiyang itsura. Mukha ba ‘yang magkaka-crush sa akin?!” Halos sakalin ko si Toshi. “Ingay mo. Puntahan mo na lang.” Parang inis pa siya sa ‘kin at bahagya akong tinulak pero sumunod din naman siya sa ‘kin. Wala na tuloy akong choice nang makarating kami roon sa tapat ng lalaki! May mga kasama pa itong tropa sa table nila, hindi kalayuan sa table namin. “Jared! Si Ace nga pala, ‘yong kaibigan namin.” Si Toshi na ang kumausap dito. Nakatingin lang ‘yong lalaki sa ‘kin habang ako naman ay hindi makatingin. Nililingon ko ‘yong table namin. Nakita kong nakasunod ang tingin sa amin ni Archie na umiinom sa hawak niyang alak. Matalas ang tingin niya at parang hindi makapaniwala sa nakikita. Umiling-iling siya nang magtama ang paningin namin at nag-iwas din. Nagsalita si Dabin, mukhang kinausap siya. “Hi, Ace. I’m Jared.” Muli akong napalingon doon sa lalaki na nasa harap ko ngayon at nakalahad ang palad. Mas matangkad siya sa akin. Medyo maputi. Gwapo. Nakasuot ng button-down shirt. Mukha ring mayaman. Sabagay Architecture student. “Hello. Aestheria,” pakilala ko at tinanggap ang kamay niyang nakalahad. “Ang ganda ng pangalan mo,” sabi niya at ngumiti. In-offer niya ‘yong upuan malapit sa kaniya. Hindi ko sana gustong sumama sa table nila kaso ayaw ko namang maging rude sa kaniya. May kasama naman silang dalawang babae roon sa table pero puro busy. Umupo na lang ako roon. Si Toshi naman ay nagpaalam na. Tiningnan ko siya pero kunwari ay hindi niya ‘yon napansin. Uupakan ko talaga ‘yan mamaya. Akala ko ay ipapakilala niya lang ako tapos ngayon ay iniwan ako rito! “Huwag kang masiyadong ma-creep out sa ‘kin. We’re batch mates and same age.” He laughed a little, kaya naman medyo nakahinga ako nang maluwag. “You’re from Engineering, right?” Ngumiti ako pabalik at tumango. “Yeah, third year,” sagot ko. Medyo alanganin ako nang tanggapin ang shotglass na inabot niya. Natawa na lang siya at mas lumawak ang ngiti sa akin. While he was busy talking, I glanced at our table only to see Archie and Dabin talking to each other. Pasimple ko silang pinapanood na mag-usap kahit busy si Jared sa pagsasalita hanggang sa magtama ang paningin namin ni Archie. Sa hindi malamang dahilan ay agad kong naramdaman ang tila paghulog ng puso ko at ang malakas na t***k nito. Hindi ko binawi ang tingin ko sa kaniya. Iisang tao lang talaga ang nakakapagparamdam n’on sa akin. Tanging siya lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD