CHAPTER 57 Nang hinatid niya ako sa bahay ay isang halik ang hindi ko makalimutan. Nang naglapat an gaming mga labi ay ramdam kong walang mali. Naramdaman ko ang kanyang pagmamahal. Nagpasalamat ako sa napaka-memorable na gabing iyon. Isang gabing hindi ko kakalimutan dahil binuksan niya ang puso kong matagal ko nang isinara dahil sa mga hindi magandang nakaraan. Binigyan niya ako ng panibagong buhay at pag-asang liligaya rin muli ako sa ngalan ng pag-ibig. At nagsimula nga ang kuwento ng aming pag-iibigan magmula ng gabing iyon. Siya ang lalaking para siguro talaga sa akin dahil wala na si Bryan na akala kong magiging forever ko. Si Heine ang lalaking hindi man sana siya ang gusto ko na mamahalin ngunit puso na ang nagdesisyon. Naramdaman kong ginawa niya lahat ang dapat

