CHAPTER 58 Sa mga panahong hindi kami magkasama ni Heine ay parang may kulang sa aking buhay. Hinahanap ko siya. Hindi kumpleto ang araw ko dahil sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos mula nang naging kami ay lagi na kaming magkasama. Sinanay namin ang isa’t isa na laging magkasama. “Aalis kami bukas ni Daddy papuntang Singapore. May business kasi kami doon na kailangan ng agarang pag-aayos at walang kasama si Daddy kundi ako lang.” “Wala ba siyang assistant o kahit employee na sasama sa kanya bhie?” “Wala e.” “Okey.” Tumango ako at ngumiti ng pilit. Nandito na naman yung pagpunta sa ibang bansa. Alam kong iba naman si Heine kay Bryan pero hindi ba nga’t nang umalis si Bryan ay nagtiwala rin naman ako na babalik siya? Ngunit paano kung kagaya rin pala siya ni Bryan na hindi na muli pan

