CHAPTER 80 Pagkababa namin sa mga ilang gamit namin ni Nanang sa sala ng bahay ay hinanap ko kaagad si Heine. Namimiss ko na siya ng husto. Ngayon ko gustong bumawi sa kaniya. Gusto kong punan ang ginawa kong pagpapahirap sa kaniyang kalooban. Gusto kong bumawi sa ilang buwan niyang pag-iyak. Gusto kong ngayon nang makikinig sa kaniyang mga pakiusap sa akin. Pagbibigyan ko na siya at tutugunan sa lahat ng kaniyang pagmamakaawa. Sa kabila pala ng paglayo ko sa kaniya ay wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ayusin ang pamilya ko. Siya ang dahilan kung bakit ko nahanap at nakilala ang ama ko. Siya rin pala ang gumawa ng paraan para lumaya si Nanang sa kulungan. Siya rin ang humiling na dapat ay magkakasama na kaming buong pamilya sa iisang bahay. Lahat na ay ginawa niya sa akin. Lahat n

