CHAPTER 79 “Ang ibig niyong sabihin Dad, anak ng ibang lalaki si Heine? Hindi ho kami magkapatid ni Heine?” napatayo ako sa kinauupuan ko. Tumango si Daddy. Ngumiti siya sa akin. Naglulundag ako sa sobrang saya. Parang ng mga sandaling iyon ay bigla akong nakahinga ng maluwag, tuluyang naglaho ang lungkot sa puso ko at lahat ng mga aalahanin ng isip ko ay biglang nawala. Napayakap ako kay ate Champagne. Paulit ulit kong sinabi na habang lumuluha ako na hindi ko kapatid si Heine. Nanginginig ang labi ko at gusto kong isigaw sa buong mundo na hindi ko kapatid ang taong sobra kong minahal. Kaya pala kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang mandiri sa aming mga nagawa. Hindi ko magawang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa napaupo ako, tumatawang may kasamang luha. Mga luhan

