CHAPTER 78 Hinayaan kong maramdaman ng matagal ang yakap ng isang ama. Kaytagal kong umasa at naghintay na mangyari ang pagkakataong ganito.. Simula nang bata pa ako nangangarap na ako na sana darating ang sandaling ito. Hindi ko kailanman naranasang yakapin na may kalakip na pagmamahal ng isang tunay na ama. Pumikit ako. Gusto kong punan ang pagkukulang na iyon sa aking pagkatao at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni Nanang. May luha ng saya ang kanyang mga mata at may ngiti sa labi na mula pagkabata ay hindi ko iyon nakita sa kaniya. Iyon na ang totoong saya. Hinayaan niyang umagos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi. Ang parang ang dating asiwa at pagod niyang mukha ay naging kalmado at tuluyang nabura ang hirap na kaniyang dinanas. Tumitig ako kay Daddy at tumitig din siya sa ak

