EPILOGUE Araw ng Linggo, wala na si Bryan sa tabi ko. Binuksan ko ang bintana. Nakita ko ang asawa ko na walang pang-itaas na damit habang naglilinis ng sasakyan. Hindi naman dapat siya ang gumagawa no’n kasi may mga pwede naman siyang utusan. Para talagang alak si Bryan, habang tumatagal lalong sumasarap. Nang nakita niya ako sa aming terrace na nakadungaw sa kanya ay kumaway siya sa akin. “Good morning baby ko!” sigaw niya. Ngumiti lang ako. Pumasok muli ako sa kuwarto saka ako nagtuluy-tuloy na sa labas. May naamoy akong nagluluto sa kusina. Binuksan ko ang kuwarto ng bunso naming si Kathlyn, tulog pa ang bata. Mamaya na lang gisingin kapag aalis kami. Binuksan ko ang kuwarto ni Ryan pero wala na ang pangalawa naming anak. Bumangon na. Bago ako tumungo sa baba ay sinilip ko a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


