CHAPTER 96 Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Heine, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Heine. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat. Tumakbo ako. Iniwan ko si Bryan sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Heine. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Mabilis na binuhat ni Bryan si Heine. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Heine sa nag-abang na sasakyan. Si Bryan ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad

