CHAPTER 91 “Code blue po Dok, cardiac arrest ho. Nakuha na namin ang details.” Salubong sa aking ng isang nurse. Mabilis kong nilapitan ang pasyente para sa agarang paggamot. Nanlaki ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking naabutan. Ang pasyente ko man sa gitna ng hirap niya sa paghinga at paghawak sa kanyang dibdib na noon ay namumutla na ay nakita ko ang kanyang pagkagulat. Hindi niya aakalain na ang babaeng inalisputa niya, ang daga, putik at basura ang siya ngayong magliligtas sa kanya mula sa kamatayan. “Medical history, nurse?” Iniaabot sa akin ng nurse ang medical history ni Mrs. Castro. Huminga ako ng malalim. Kailangan maging propesyonal ako sa pagtupad sa aking tungkulin. Hindi ko dapat uunahin ang galit ko sa kanya. May sinumpaan kaming tungkulin bilang dokto

