CHAPTER 92 “Best wishes. Salamat sa pagpapatawad mo.” “Salamat din po, Tita.” Bumukas ng pinto. Nakita ko si Heine at ang Daddy ni Bryan. Nadatnan nila kami ni Tita na magkahawak ng kamay. Kapwa kami naluluha. “Ibig bang sabihin niyan, okey na kayo?” tanong ni Heine sa amin. “Yes. Nakapagtawaran na. Kailangan nang magpatawad para mas madaling magpatuloy sa buhay nang wala nang dalda-dalang hinanakit sa kapwa.” Sagot ko kay Heine. Niyakap niya ako. Hinalikan sa labi. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha. “Salamat Dok Kashmine. Hindi mo pinabayaan ang asawa ko. Iniligtas mo siya mula sa kamatayan.” “Tungkulin ko ho ‘yon tito. Paano po, mauuna na kami ni Heine?” “Sige, salamat uli.” Ngumiti ako kay tita at tito. Nakita kong totoo na ang ngiti nila sa akin. Alam kong sa puso ko na kin

