Alam kong kagaya ko, hindi agad siya makatulog. Nakapikit kaming dalawa. May iniisip siya at hindi ko alam kung ano iyon. Naghihintay ako na siya na mismo ang magtapat sa akin tungkol kay Bryan. Pinsan niya si Bryan ibig sabihin magkakilala sila. Alam niya noon pa man na ex ako ng pinsan niya ngunit ni minsan hindi niya sa akin binabanggit. Wala siya sa aking sinasabi at iyon sana ang gusto kong pag-usapan namin. Ngunit paano ko iyon gagawin kung natatakot akong ma-provoke siya. Ang hirap dahil tao rin lang naman ako, may mga gustong malaman. May mga sikretong sana mainam kung maipagtapat na lang. Para hindi na gumulo, para makatulong sa kanya at sa akin ay pinili kong manahimik na lang. Iniisip ko na lang, nakaraan ko na si Bryan. Tapos na tapos na ang sa amin ni Bryan dahil magsasampung-

