CHAPTER 94 Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakatalikod na lalaki. Parang masasagot na ang lahat ng bakit. Sila ni Heine ang naghihintay sa akin sa huling tagpuan. Magkatabi sila. Kapwa nakangiti ngunit lumuluha. Luha ang kumikislap sa kanilang mga mata. Nangatal ako. Hindi ako makahakbang. Anong pakulo ito? Among sorpresa. Bakit si Bryan ang isa kong nakita sa tagpuan imbes na dapat si Heine lang? Bakit parang may mali? Nangatog ang tuhod ko. Tumigil sa paghakbang. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin? Hindi ito ang plano. Wala ito sa sorpresa ko kay Heine? Bakit ako pa rin sa huli ang ginulat? Tumigil ako. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Nagpatuloy ang kanta. Nagtinginan sina Heine at Bryan. Kung sorpresa ito ni Heine, hindi ko nagugus

