CHAPTER 85 “Baby, huminga ka ng malalim. I-relax mo ang iyong iyong sarili. Kaya mong pigilan at labanan yan babe ko, please.” Kinagat niya ang labi niya. Tumingin siya sa akin. Namumula ang mga mata at may mga luha sa gilid nito. Sa nakikita ko sa kanya ay alam kong nahihirapan siyang pigilan ang pagtitiis. “Bhie, please, iwan mo ako. Hayaan mo na muna akoooooo ahhh! Ansakit! Diyos ko, ansakit sakit naaaahhhh! Bhie, please umalis ka muna ritoooooo! Ayaw kong nakikita mo ako sa ganitong kalagayan! Ayaw kong kaaawaan mo akooo! Ahhhh Diyos ko…ansakit sakit na!!!” sa gitna ng kanyang pagluha at paghawak sa kanyang ulo ay nagawa niyang bahagya akong itulak palayo ngunit hindi ako bumitiw. Naawa ako sa kaniya dahil alam kong sobrang sakit na ngunit kailangan nasa tabi lang niya ako. “Hin

