CHAPTER 64 “Bakit hindi ka sumagot! Bakit hindi mo sabihin sa akin na ayaw mo na sa akin at may bago ka na. Bakit kailangan pa sa Houston ninyo gawin ang mga bagay na puwede naman ninyong gawin dito. Kung maging tapat ka lamang sa akin palalayain naman kita e. Hindi naman kita itatali sa relasyon na ayaw mon a. Hindi naman kita pipilitin kung saw aka na. At alam mo kung ano pa yung ikinasasakit ng loob ko? Iyon yung uutusan kang tumigil sa iyong pag-aaral. Hindi mo naman kailangang i-drop ang mga subjects mo para lamang maiwasan ninyo ako ng tuluyan e.” Umiling siya. Huminga siya ng malalim. Clueless. Helpless. Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luha. “Hindi ko kailangan ang luha mo Heine, ang kailangan ko ay ang sagot mo.” “Nasagot na kita, hindi ka nakinig, hindi ka naniniwala. An

