CHAPTER 70 Sandali ko siyang pinagmasdan. Inilagay ko ang aking hintuturo malapit sa kanyang ilong. May hangin doong lumalabas. Buhay siya. Ginamit niyang unan ang mga kamay niya at nakabaluktot na nakatulog sa harap mismo ng pintuan ng apartment. Nakita ko ang sasakyan niyang nakapark sa mismong parking lot ng apartment. Naisip kong mahusay nga siyang magpaawa kasi puwede rin lang naman siya sa loob ng magara niyang sasakyan matulog o pwede din naman siyang umuwi na muna sa kanila. Kailangan ko siyang daanan at laktawan kaya pagtaas ko pa lamang ng paa ko ay bigla siyang bumangon at hinawakan ang paa ko. “Bhie,” naalimpungatan man siya ngunit alam na alam na kagaad niya ang una niyang gagawin. “Please bhie, huwag kang pumasok na hindi tayo mag-uusap.” Lumuhod siya. Nagmamakaawa. “Ak

