SUMMON

1359 Words

CHAPTER 71 May mga araw na hinihintay ako sa gate ng campus namin si Heine. Hinahabol niya ako. Humihingi ng pagkakataong mag-usap kami. Ngunit mas malakas ang isinasaksak kong earphone sa aking  tainga at mas mabilis akong maglakad palayo. Nag-iingat na akong makita niya. Sinisipat ko munang mabuti kung nasa labas siya o wala. Lumalabas na lang ako kung nasisigurado kong wala siya sa gate na nag-aabang sa aking paglabas. Kinausap ko rin ang ang lady guard na naging kaibigan ko na rin na sabihan niya ako kung nasa gate o pumasok sa gate si Heine. Mas naging madali na sa akin ang pag-iwas. Tine-text ako kaagad ng guard kung namataan niya si Heine at kung saan pumuwesto. Kung naabutan naman niya ako sa daan na nag-aabang ng sasakyan at siya ang nakikita kong lulan ng sasakyan na humihinto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD