Chapter 66 “Bakit hindi mo ako masusundo? Sabi mo kasi pupuntahan mo ako at sabay tayo.” may hinanakit na sinabi ko sa kanya sa telepono. “Pasensiya ka na bhie. Babawi ako kapag nandito ka na. Masama kasi ang pakiramdam ko e.” “Nahihiya kasi ako na pumunta diyan nang ako lang.” “Bukod sa hi di maganda ang pakiramdam ko, marami rin kasi akong inaasikaso bhie. Sana maintindihan mo.” Huminga ako ng malalim. “Sige magta-taxi na lang ako.” “Bakit ka magta-taxi e ipasusundo kita.” “Ah may susundo ba sa akin?” “Oo bhie. Medyo masakit lang kasi ang ulo ko. Iinom ko lang ito ng gamot at konting pahinga. Baka mamaya kapag nandito ka na ay okey na ako.” “Sige basta uminom ka ng gamot ha?” “Oo bhie. Kilala mo naman yung driver ko hindi ba?” “Opo.” “Saka pala kapag malapit ka na sa bahay,

