Chapter 11

1377 Words
"So then, my beloved brethen, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath; For the wrath of man does not produce the righteousness of God. Therefore, lay aside all filthiness and overflow of wickedness, and receive with meekness the implanted word, which is able to save your souls." James 1:19-21 ~ Bukang-liwayway na nang marating ko ang tuktok ng bundok, kung saan walang punong nakaharang sa makapigil-hiningang tanawin sa malayo. Dahan-dahan akong umupo sa lupa at payapang pinagmasdan ang pag-akyat ng araw sa silangan. Napangiti ako nang marinig ko ang mumunting awit ng mga ibon at nakita ko pa ang ilan na lumipad mula sa mga puno at naglaro sa hangin. Banayad ang ihip ng malamig at malinis na hangin. "Napakaganda ng iyong mga gawa, Ama. Hindi lang matingnan ng ilan kung gaano kaganda ng Iyong gawa. Patuloy nilang hinahanap ang presensiya Mo, ang ebidensiya na nabubuhay Ka. Hindi nila alam na ang ebidensiya ay sila mismo. Ang ebidensiya ay ang nakikita nila sa paligid. Ang hangin, ang dagat, ang lupa, ang mga puno, ang mga pagkain, mga hayop sa lupa, sa hangin, at sa dagat. Lahat-lahat ay Iyo, Ama. Bakit nagiging obligasyon na lang ang pagsamba sa 'Yo, Ama? Bakit hindi mabigay ng mga taong nakakakita sa katotohanan ang kanilang mga puso sa pagsamba? Kung sa ilang bilyong mga tao sa mundo, isa sila sa mga pinili Mo?" Bumuntong-hinga ako at tahimik na pinagmasdan ang bukang-liwayway hanggang tuluyang umakyat ang araw sa kalangitan. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Doon lang ako tumayo at nagpatuloy sa paglakbay pababa ng kabilang bahagi ng bundok. "In the eye of the storm, You remain in control. In the middle of the war, You got my soul~" Sinasabayan ng awit ng ibon ang himig na kinakanta ko. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko silang nag-iikotan sa isang puno. Ilang oras kong binaybay ang daan pababa. Matutulis ang mga bato at may ilan pang sobrang dulas. Pero salamat sa Diyos at hindi Niya ako pinabayaang madapa sa mga iyon. Humugot ako nang malalim na hininga nang maabot ko ang ibaba ng bundok. Matataba ang mga puno sa banda rito at makakapal ang talahib na halos lagpas tao. Dahan-dahan akong umusad palampas sa mga iyon, papunta sa pusod ng gubat, at papalapit sa kabahayan ng pinakasulok na baranggay ng Badian. Tirik na ang araw at maingay na ang kulisap sa kakahuyan. May mangilan-ngilang daanan na rin akong nakita, at binaybay ko ang isa. Hindi ko alam kung saan iyon patungo pero alam kong tao ang may gawa ng daanang iyon. Bigla akong nakarinig ng tahol. Nagpalinga-linga ako sa paligid at may nakita akong itim na hayop sa malayo. Tumatahol. Mukhang aso ang isang 'yon. Napatayo ako nang tuwid nang makita kong gumalaw ang talahib sa likuran ng aso. Tahol nang tahol pa rin ang hayop at inalala kon baka may makarinig na hindi dapat makarinig. "Psst, Jumbag. Tama na 'yan. Sino ba kasing tinataholan mo, ha?" sabi ng isang boses. Isang babaeng naka-sando at shorts ang lumabas mula sa mga talahib. May suot siyang bulcap at natatakpan ng maskarang itim ang ilong at bibig. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang paningin namin. Nangunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Naalerto ako nang may kinuha siya mula sa bulsa niya na isang walkie-talkie. Narinig ko ang static bago ang malalim niyang boses. "Suspicious one here, roger," sabi niya. Static. "Check 'em belongings, roger," sagot ng kung sino sa walkie-talkie. Static. Inilapit na naman ng babae ang bagay sa bibig habang matamang nakatitig sa nakasukbit sa balikat ko. "Backpack, roger." Static. "Station 6 coming, roger." "Aye. Waiting, roger." Ibinaba ng babae ang walkie-talkie at nilibot ang tingin sa paligid. "Anong pangalan mo, Miss?" tanong niya. Umikhim ako. "A-Angela." "Ikaw lang ba mag-isa?" "Oo, ako lang." Napatingin siya sa bundok sa likuran ko bago muling nagbaba ng tingin sa akin. "Galing ka ba sa bundok?" "O-Oo." "Mantalongon?" Napalunok ako. "Ganun na nga." "Sino ang nagpababa sa 'yo, Miss?" Kumuyom ang kamao ko at napaiwas ng tingin. Masama ang kutob ko sa mga tanong niya. Pero, si Gukyo ang naghatid sa akin sa itaas. Masama ba kung sasabihin kong... "Isang militar na nagbabantay sa Mantalongon." Muli akong tumitig sa kaniya para malaman ang reaksyon niya. Ilang segundo siyang natigilan, bago umikhim at tumango-tango. "Wala akong scanner dito. Puwede bang maghintay tayo saglit? Paparating na ang kasama ko." "Sige, ayos lang." Bumuntong-hinga ako at naupo sa isang malapad na bato sa gilid. Binunot niya ang ilang talahib at inilatag sa lupa para maupuan. Sa buong minuto ay nakatitig lang ako sa kaniya, nagbabantay sa susunod niyang gagawin. Nangunot ang noo ko nang maglabas siya ng cellphone at nagpa-music. Tumaas ang sulok ng labi ko nang sumabay siya sa kanta. "Behold our Father's heart. The mystery He lavishes on us..." Umikhim ulit ako kaya napatingin siya sa akin. "Christian ka?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya. "Hindi, actually. RCC pero hindi na ako sumisimba. Sa ano na ako, sa Living Word." Napatango ako. "Hindi ka pa napapa-convert... I mean, water baptism?" Umiling siya. "Naghahanda pa ako. Or siguro... hinahanda pa ako ng Panginoon." Natahimik na naman kami. Pinakikinggan ko nalang ang kantang Behold (Then Sing My Soul) ng Hillsong. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mga yabag mula sa likod ng nagtataasang talahib. May biglang lumusot na lalaki. Naka-camo, at may dalang baril. May suot siyang itim ding mask sa ilong at bibig at naka-shades. "Elaine. Nasa'n?" Tinuro ako ng babaeng tinawag niyang Elaine. Napatingin ang bagong dating sa akin. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya at paggalaw ng bibig sa ilalim ng mask. "Anong pangalan?" Akmang sasagot ako nang maunahan ako ni Elaine. "Angela." "Sa'n galing?" "Mantalongon." Nagpaypay si Elaine at kinuha ang bottled water na nakasabit sa baywang ng lalaki at dire-diretsong uminom. "Ground zero ang Mantalongon. Pa'no nakababa?" Huminga nang malalim si Elaine matapos lumagok. "Pinababa ng spy boy." "Spy boy?" Rumulyo ang mga mata ni Elaine. "Kaibigan mong mga spazzer." Kumunot ang noo ko. Kumunot din ang noo ng lalaking bagong dating at sabay kaming napatingin kay Elaine. Natatawa naman siyang nagtaas ng kamay. "Okay, okay. Kaibigan mong militar sa Mantalongon." "Si Kawkaw lang kilala ko." Dumukot ang lalaki sa bulsa at inilabas ang scanner na kapareho sa scanner na ginagamit ng Bureau at militar sa Mantalongon. "Lumayo ka muna at ii-scan ko siya." "Okay." Iginiya ni Elaine ang asong kanina pa masamang nakatitig sa akin palampas sa mga talahib. "Babalik na ako sa kampo. Ikaw na bahala riyan. Mukhang kaya mo namang i-contain ang babae,'di ba?" "Ge. Bilisan mo. Hinanap ka ni Ander. Hundred Dash." "Ano na namang ginawa ko sa kaniya?" Nakabusangot na tumango sa akin si Elaine bago tuluyang lumusot sa mga talahib. Napatingin ako sa lalaki. Nakatitig siya sa akin. Tapos, humakbang siya papalapit at sinenyasan akong lumapit. Tumalima ako. Huminto lang ako nang isang metro na ang pagitan namin. Naramdaman ko na naman ang mainit na laser na naglakbay mula ulo hanggang paa ko. Nang tumunog, tumango-tango siya. "Bakit ka pinababa sa taas?" tanong niya. "Naka-lockdown." "Oo, naka-lockdown. Kaya nakapagtatakang nandito ka, saka sa bundok bumaba. Tumakas ka?" Naging isang linya ang mga labi ko. "Hindi." "May permit ka?" "Kailangan pa ba 'yon?" Nangunot ang noo niya. "Wala kang permit na lumabas ng Mantalongon?" "Pinababa ako sa bundok ng isang militar." Ibinaba niya ang scanner at muling sinilid sa lagayan. Nagkibit-balikat siya. "Sabagay. Hindi ka na humihinga kapag tumakas ka nga." Ako na naman ang nagtaka. "Bakit?" Naalala kong sinabi ng isang militar sa pangitain na mapagkamalan. Mapagkamalang ano? "Shoot to kill ang order sa Mantalongon. Hindi mo alam? Sino bang nagbigay permiso sa 'yong bumaba sa kabilang bahagi ng bundok?" Napalunok ako. Naalala ko ang sinabi ni Sean na shoot to kill. Bakit? Ano bang meron sa Mantalongon? Ano bang nangyayari roon? "Hindi ko kilala. Pero may kailangan akong gawin sa labas ng Mantalongon." "May misyon ka?" Tumunog ang dila niya. "Sige. Tara. Ibibigay kita kay Ander, baka kilala ka niya o kung sino man ang nagbigay sa 'yo ng permiso." "A, hindi na. Pupunta ako sa Badian." "Badian?" Natawa siya saglit. "Bakit Badian? Mukhang naligaw ka nga, Miss. Alegria 'to." Napakurap ako. Alegria?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD